Ika-dalawampung Kabanata

1668 Words
Blue’s Point of View “S-sino siya?” ang nagtataka ko namang tanong sa aking mga Tiya. Ito ang unang beses kong nakita ang nilalang sa aming harapan. “Isa siya sa mga mensahero ng Occulus,” ang tugon naman ni Tiya Adele bago ibinaling ang kanyang tingin dito. “Dakilang mensahero, anong balita ang iyong dala sa amin.” “Lahat ng mangkukulam ay ipinapatawag sa Occulus,” ang tugon naman ng mensahero. “Kailangan niyong magtungo sa ispiritwal na mundo sa lalong madaling panahon.” Napatingin naman kami sa isa’t-isa. Napalunok ako dahil sa biglaang pagpapatawag ng Occulus sa amin. Nalaman na ba ng Occulus ang aking ginawa at paparusahan na nila ako? “Sa anong dahilan?” ang tanong naman ni Tiya Lucia sa mensahero. “Malalaman niyo pagdating niyo sa Occulus,” ang tugon ng mensahero bago walang paalam na naglakad patungo sa pintuan. Hindi niya na kinailangan pang buksan ang pinto sapagkat bigla na lamang itong naglaho. “A-anong nangyayari?” ang kaagad na tanong ni Tiya Lucia sa amin. “Hindi po kaya nalaman na ng Punong Guro ang paglabag ko sa batas sa pagitan ng mga tipan?” ang hula ko. “Hindi, hindi. Sa tingin ko ay hindi ‘yan ang sitwasyon,” ang wika naman ni Tiya Adele. “Kung alam na nila na ikaw ang lumabag sa ating batas, ang mga tagausig dapat ang nagtungo rito. Pero hindi… nangunguhulugan lang na—” “Hindi pa nagigising ang mga taga-usig,” ang pagpapatuloy naman ni Tiya Lucia. “Tama na ang mga haka-haka,’ ang suway naman ni Tiya Adele. “Mas makabubuti sa ating lahat na magtungo na ng Occulus.” Napatango naman kami ni Tiya Lucia. Nagtungo naman si Tiya Adele sa pintuan ng aparador. Pumasok naman siya doon; sumunod kami ni Tiya Lucia. Dinala naman kami ng pintuan sa bulwagan ng Akademya ng Occulus. Marami na ngang mangkukulam na nagtitipon-tipon doon. Kaagad naman nakuha ang aming atensyon ng isang liwanag mula sa harapan ng bulwagan. “Y-yun ba ang Dakilang Mata?” ang tanong ko. “Tama, ‘yan nga ang Dakilang Mata,” ang pagkumpirma ng isang tinig sa aking tabi. Kaagad naman akong napalingon. Si Faust. “Faust!” ang pagbanggit ko ng kanyang pangalan. Kaagad naman niya akong hinila papalayo. “Anong nangyayari?” ang kaagad ko namang tanong sa kanya nang  makalayo sa iba. “Tulad ng iyong nakikita, hindi pa rin nawawala ang liwanag mula sa Dakilang Mata,” ang saad niya. “Ang totoo niyan ay mas lumiwanag pa ang liwanag na inilalabas nito. Sa tingin ko ay… dahil hindi gumana ang ritwal sa sumpa mo sa kambal.” “Faust, gumana ang ritwal,” ang pagtatama ko naman. “Nakausap ko si Xavier ngayong umaga lang. Bumalik na sila sa dati nilang katawan.” “Kung ganun… bakit hindi pa rin nawawala ang liwanag mula sa Dakilang Mata?” ang retorikal naman niyang tanong bago napasulyap dito. “Hidni ko rin alam, Faust,” ang tugon ko. “Hindi kaya—” Natigilan naman si Faust sa kanyang haka-haka nang biglaan na lamang nanlamig ang paligid. Napayakap naman ako kaagad sa aking sarili. “Bakit biglaang lumamig ang paligid?” ang nagtataka kong tanong sa aking sarili. Hindi naman nagtagal ay nasagot ang aking katanungan. Biglaan na lamang nagbukas ang malaking pintuan ng bulwagan kasunod ng pagbuga nito ng hamog at malamig na hangin. Nagsimulang magyelo ang mga salamin ng bintana. Pinanood namin ang pagpasok ng isang nilalang. Puti ang buhok nito at kulay asul ang kanyang mga mata. Mahahaba rin ang kanyang mga tenga tulad ni Faust. May hawak itong mahabang baston at tila ba may mga taliptip ng nuwebe na lumalabas sa kanyang kutis. “S-sino siya?” ang tanong ko sa ere. “Hindi ko rin siya kilala,” ang wika naman ni Faust. Pinanood naman namin siyang magtungo sa harapan at tumabi sa Dakilang Mata. “I-ikaw nga ba—” ang nauutal na tanong ni Dimitri Ivanov, ang Punong Ministro ng Occulus at mga Tipan ng mangkukulam. “Ang isa sa mga taga-usig? Ang dakilang mangkukulam ng silangan? Si Weslan?” Napatingin naman ang nilalang na nagngangalang Weslan kay Dimitri. “Wala pang dalawang dekada ngunit muli na naman akong nagising mula sa aking pagkakahimbing. Muli na naman tayong nagkita, Punong Ministro.” Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa Dakilang Mata. “Ang aking mga kapatid ay parating na rin.” Sa kanyang pagkakasabi niyon ay bigla na lamang nagliyab ang mga nakasabit na sulo sa palibot ng bulwagan; lalo na ang pinakamalaking sulo sa harapan. Ang dila ng apoy ay humigis tao na dahan-dahan namang naging isang babae. Bumaba siya mula sa sulo at lumapit kay Weslan. “Ah, Solana,” ang wika ni Weslan. “Ang mangkukulam ng Timog. Maligaya akong nagkita tayo muli.” “Hindi ko alam kung pareho ang aking nararamdaman,” ang komento niya sabay sulyap sa Dakilang Mata. “Gusto man kitang muling makita ay… nangunguhulugan lamang ito nakailangan ulit nating kumuha ng buhay ng isa sa ating kasamahang mangkukulam.” Napalunok naman ako sa aking narinig. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari. “Nawala na ang bisa ng sumpa ngunit balit hindi nagbabago ang Dakilang Mata?” ang pabulong kong tanong kay Faust. “Isa lang ang naiisip ko,” ang tugon naman niya. “Hindi lang ikaw ang lumabag sa batas.” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Posible nga ang sinabi niya… na hindi ako ang dahilan kung bakit patuloy na nagliliwanag ang Dakilang Mata. Napatingin naman ako sa paligid. Sa dami ng mga mangkukulam mula sa apat na tipan ay… sino pa ang gumamit ng itim na mahika? Sumunod namang dumating ang pangatlong tagausig. Malalaking baging ang pumasok sa bulwagan. May malaking bulaklak na bigla na lamang tumubo sa harapan at nang bumukadkad ito ay lumabas ang isa sa mga tagausig na nagngangalang Teman, ang dakilang mangkukulam ng Kanluran. Ang huling tagausig na si Mystral ay nagpakita gamit ang element ng tubig. Siya naman ang dakilang mangkukulam ng Hilaga. Nagsimula naman silang mag-usap ngunit kahit na malapit sila sa aming kinalalagyan ay hindi namin naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Pagkalipas naman ng mahabang oras ng kanilang pag-uusap ay humarap silang apat sa amin. “Atensyon, mga mahal klong mangkukulam,” ang anunsyo ng dakilang mangkukulam na si Mystral. Lahat naman ay napatahimik at napatingin sa kanya. “Alam kong maraming haka-haka ang nasa inyong isipan ngayon. Tama. May lumabag nga sa batas na tinalaga naming mga sinaunang mangkukulam. Pero hindi nagtatapos ang lahat doon. Isang panganib ang nangangambang dumating kaya naman… kailangan nating maghanda.” “A-ano pong klasing panganib?” ang tanong ng isa sa amin. “Sa ngayon ay wala pa kaming kasagutan sa katanungang ‘yan,” tugon naman ni Teman. “Maaaring mali ang kutob namin. Maari rin namang tama. Ang masasabi namin ay maaring mauwi sa isang digmaan ang panganib na nakaamba.” Napasinghap naman ang lahat sa aming narinig. Digmaan? Nagsimulang magbulungan ang lahat. “Digmaan?!” ang bulalas ni Aravind. “Anong klaseng digmaan?” ang tanong niya sabay tingin sa amin. “Katahimikan!” ang utos naman ni Weslan. “Hindi ito ang tamang oras para masindak at magkagulo sa isang bagay na wala pang kasiguraduhan.” “Mga pinunong mangkukulam,” ang pagtawag naman ni Dimitri. “Mawalang ganang na ngunit… ano po ang dapat naming gawin?” “Sa ngayon… ang mga estudyante ng Occulus ay kailangang manatili muna sa loob ng akademya upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Ang mga nakakatanda ay inaasahang magmatyag. Ano mang kahina-hinala ay inaasahang iulat sa amin sa lalong madaling panahon. Kung wala nang katanungan po ay puwede na kayong magsibalik sa inyo. Maliban na lamang ang mga estudyante ng Occulus.” Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. “Mukhang wala tayong ibang pagpipilian kundi ang manatili rito,” ang saad naman ni Faust. Napatingin naman siya sa akin. “Anong iniisip mo, Blue?” Napailing naman ako. “Wala.” “Mga estudyante ng Occulus,” ang wika naman ni Dimitri Ivanov. Napatingin naman kami sa kanya. “Maaring dito muna kayo sa loob ng bulwagan. Ihahanda muna namin ang inyong mga silid na tutuluyan.” Lumapit naman ako kila Tiya Lucia at Tiya Adele. “Kailangan na naming bumalik, Blue,” ang saad ni Tiya Adele. “Sigurado po bang magiging maayos kayo sa mundo ng mga normal?” ang nag-aalala kong tanong sa kanila. “Huwag kang mag-alala,” ang wika ni Tiya Lucia. “Napagdesisyunan namin ng Tiya Adele mo na tumuloy muna sa iba pang miyembro ng Tipan ng Gabi dito sa ispritwal na mundo. Para na rin malapit kami sa Occulus at para malaman namin agad ang mga balita dito.” “Mabuti naman po kung ganoon,” ang saad ko bago sila magpaalam. Bumalik naman ako sa aking mga kaibigan at nadatnan silang nag-uusap.Walang pagod pa rin naman si Aravind kakakuwento ng kung anu-ano. “Kanina ka pa tahimik,” ang saad ni Faust sa akin. “Ano ba talaga ang bumabagabag sa’yo?” “Nakapagtataka lang,” ang pabulong kong tugon habang nakamasid sa mga tagausig na nag-uusap sa harapan. “Ang alin, Blue?” ang nagtataka naman niyang tanong sa akin. “Na biglaan na lamang nilang hiniling sa atin na manatili tayo rito sa Occulus,” ang paliwanag ko naman. “Hindi ba’t ipinaliwang na nila na kailangan nating manatili rito para sa ating sariling kaligtasan?” ang pagpapaalala niya sa akin. “Lutang ka na naman ba, Blue?” “Hindi sa ganun, Faust,” ang tugon ko. “Narinig ko ang sinabi sa atin ng mga tagausig pero… hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan nila. Para sa kaligtasan natin laban saan?” “Hindi pa sila sigurado tungkol diyan.” “Nararamdaman kong may mali at may tinatago sila,” ang saad ko bago muling sumulyap sa mga taga-usig na kasama si Dimitri Ivanov. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD