Blue’s Point of View Muli akong gumawa ng liwanag na magsisilbing pain. Pagkalipas nga ng ilang minuto ay bumalik ang bakunawa. At dahan-dhang nilapitan ang liwanag na tila ba pinagmamasdan ito. Lubos nga ang pagkahumaling ng nilalang na ito sa liwanag na dulot ng buwan. Naghintay naman ako ng tamang pagkakataon upang sumugod. Kailangan kong siguraduhing sa pagkakataong ito ay makakakuha ako ng kaliskis ng nitong bakunawa. Ilang sandali pa ay binuka na nito ang dambuhala nitong bunganga at aktong muling lulunukin ng buo ang bola ng liwanag na ginawa ko. Wala akong sinayang na oras at pagkakataon.Batid kong sa aking kalagyan bilang isang baguhan ay maliit na pagkakataon ang aking hawak-hawak upang magawa ito ng tama. Hindi biro ang makasagupa ang isa sa mga sinaunang mitlohikala na nilal

