Blue’s Point of View “Tama ka ng hula,” ang tugon naman nito sa aking isipan. “Ako nga ang nilalang na tinatawag nilang si Pegasus.” “Pero anong ginagawa ng isang mahiwaga at banal na nilalang na kagaya mo rito? At sa ilalim ng karagatan? Ang alam ko ay isa kang nilalang ng kalangitan.” “Tama ang iyong nasa isipan,” ang muli niyang pagkumpirma. “Isa nga akong nilalang namamarati sa kalangitan ngunit minsan ay dinala ako ng isa sa aking ginagabayan upang kompletuhin ang isang pagsubok. Isa siyang kalahating diyos at kalahating tao, bago siya makarating sa dakilang kabundukan ng Olympus ay kailangan niyaa munang kompletuhin ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya. “Ang pagsubok ba na tinutukoy mo ay ang pagsubok na binigay ng mga kitsune?” ang tanong ko naman. “Hindi ko sigurado kung si

