Blue’s Point of View
“Wala akong balak mamuno ng ano mang karagatan,” ang komento ko naman. “At mas lalong wala akong balak na makiisa sa inyo.”
Katulad nila si Dimitri Ivonov na handing pumatay at manghamak ng mga inosente para lang sa tinatamasa nilang kapangyarihan, isang bagay na lubos kong kinamumuhian.
“Huwag mong sabihin sa amin na hindi ka namin binigyan ng pagkakataong mamili,” ang komento naman ni Prinsipe Arba. Halos magkatunog sila ng boses ng kanyang kapatid. “Pagmasdan mo nang mabuti ang kapaligiran dahil ito na ang magsisilbing libingan mo!”
Nagsimula namang lumangoy paikot sa amin ang malaking pugita na tila ba binabanatayan ako upang hindi ako makalayo o makatakas. Mukhang wala nan ga akong ibang pagpipilian kundi ang lumaban hanggang kamatayan. Mabilis naman silang lumangoy patungo sa akin, bitbit ang kanilang mga salapang. Nagpatangay naman ako sa agos tubig upang makaiwas sa mga patalim na nababalutan ng dugo ng mga kataw na kanilang pinaslang. Sinubukan ko silang huliin gamit ang mga bulang aking ginawa ngunit nang sila ayb makulong ay kagad nilang ginamit ang kanilang mga armas upang makatakas sa aking bitag. Sa pangalawang pagkakataon ay mabilis silang lumangoy patungo sa akin. Sa sobrang bilis ay halos hindi ko kaagad napaghandaan ang kanilang pagsugod. Mabuti na lang ay kaagad akong Nakagawa ng mga espada na gawa sa yelo na siya ko namang ginamit pannagga sa kanilang mga Matulis na salapang. Sa sobrang lakas ng puwersa ay kaagad naman ay naputol ang mga espadang yelo at tumilapon ako sa mas ilalim ng karagatan.
Aminado ako na hindi ko kayang sabayan ang bilis ng dalawa sa kanilang pagsugod. Kailangan kong makahanap ng paraan upang baliktarin ang sitwasyon. Masyadong bukas ang paligid kaya naman nagiging madali akong patamaan at sugirin. Kailangan kong makahanap agad ng matataguan. Napansin ko naman ang anino ng kung ano man sa pinakailalim ng karagatan.
Mabilis naman akong lumangoy partungo roon.
“At sinong nagsabing makakaalis ka na?” ang pagalit na tanong ni Prinsipe Lumo. “Hinding-hindi ka makakatakas sa amin.”
Sa lalo kong paglapit sa anino ay napagtanto ko na ito ay isang lumubog na barko. Ito nga ang kailangan ko.
“Halika rito!” ang sigaw ni Prinsipe Lumo. Mabilis naman akong lumingon upang tignan sila. Mabilis na nga silang lumalangoy at hianhabol ako. Pilit ko namang mas binilisan ang aking paglangoy.
Tama! Ang agaos ng tubig! Bilang isang kataw ay kaya ko itong manipulahin. Ginamit ko nga ang agos upang bumilis ang aking paglangoy patungo sa lumubog na barko. May nakita naman akong malaking butas at kaagad na pumasok doon.
Nang nasa loob na ako ay kaagad akong naghanap ng lugar na matataguan. Nakahanap naman ako ng isang silid at nagtago sa likod ng isang metal na aparador. Naririnig ko mula sa aking kinalalagyan ang ingay ng paglangoy ng dalawang prinsipeng shokoy na naghahanap sa akin.
“Puwede kang magtago, ngunit hindi ka makakalangoy palayo sa amin,” ang malakas na wika ng isa sa mga Prinsipe. Hindi ko na pinagkaabalahan kung sino sa kanila ang nagsalita. Kaagad akong nag-isip ng plano upang matalo ang dalawang shokoy at ang dambuhalang pugitang nagbabantay sa akin. Walang masyadong magagawa ang mga armas na gawa sa yelo. Ang pagm,anipula ko naman ang agos ng tubig ay mukhang wala ring epekto sa kanila. Puwede ko naman silang balutin sa yelo ngunit magiging sapat na ba ‘yon? Muli lang silang babalik kapag natunaw ang yelo at mauling susugurin ang mga kataw. Mukhang wala na akong ibang pagpipilian kundi ang gawin ang gusto plinaplano nilang gawin sa akin, ang kunin din ang kanilang mga buhay.
Ngunit ang tanong ay… paano?
Hindi ako puwedeng magtago na lamang rito ng mahabang oras. Batid kong mahahanap at mahahanap din nila ako. Kailangan kong maghanap ng bagay na magagamit ko sa loob ng barko. Nang makasiguradong nakalayo na ang dalawa ay dahan-dahan akong lumabas ng aking pinagtataguan. Mabgal akong lumangoy palabas ng silid na ‘yun upang maghanap ng kung ano mang sandata sa iba’t-ibang parte ng barkong ‘yun. Sa tingin ko ay ang barkong ito ay ginamit ng mga pirate noong unang panahon. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa isang kahon nang mapatingin sa bintana. Isang malaking matang nakamasid sa akin ang aking nakita.
Nagulat naman ako at kaagad na lumayo. Nakita ko na lamang ang biglaang pagkawasak ng pader at kasunod pagpasok ng isang galamay.
Mabilis naman akong lumangoy palabas ng silid na ‘yon. Batid kong dahil sa ingay na ginawa ng malaking pugita ay matutunton ako ng mgakapatid na shokoy. At tama nga ang hinala ko, nakita namin ang isa’t-isa. Nasa magkabilang dulo kami ng isa sa mga pasilyo sa loob ng barko.
“Huli ka ngayon!” ang tumatawang saad ni Prinsipe Lumo.
“Hindi pa!” ang pasigaw ko namang tugon bago mabilis na lumangoy at dumeretso.
“Bumalik ka rito!” ang sigaw nila. Narinig ko naman ang kanilang paglangoy. Hindi ako puwedeng lumangoy na lamang nang lumangoy. Sa dulo ng isang pasilyo ay may pinto. Wala na akong ibang mapupuntahan kundi doon. Ito na ang pagkakataon para makabalik ako ng Occulus. Wala na ako sa bahay na may sumpa ni Dimitri. Pero kaagad kong naalala si Alon at ang aking pangako sa kanya na babalik ako.
Kailangan kong magdesisyon agad kung tatawid na ako patungo sa Occulus? O mananatili ako rito?
Inabot ko ang pintuan at binuksan ang pinto bago madaling pumasok. Dali-dali kong isinara ang pinto.
Isang bakanteng silid ang aking bumungad sa akin pagkapasok ko. Napatingin ako sa paligid. Ito na nga ang silid na hinahanap ko sa buong barko. May mga espada at kung anu-ano sa loob ng silid na ‘yon. Kaagad ko namang dinampot ang espadang pinakamalapit sa akin. Nakarinig naman ako ng ingay sa pintuan. Narito na nga agad sila. Lumangoy naman ako papaunta sa likuran ng isa sa mga kahon. Nagbukas naman ang pinto.
“Hanggang kailan mo balak tumakas at lumangoy palayo?” ang tanong ng isa sa kanila sabay tawa. “Mamamatay ka at lahat ng mga kataw.”
Nagsimula naman silang maghanap sa kabilang dulo ng silid. Minataan ko ang pintong nakabukas. Bago napatingin sa hawak kong espada. Kaagad naman akong nakaisip ng ideya upang matigil na ang kabaliwang ito. Mabilis akong lumangoy patungo ng pintuan at lumabas ng pinto. Nakaagaw ito ng atensyon kaya naman napatingin ng dalawa sa aking direksyon.
“Andyan ka lang pala,” ang saad ni Prinsipe Arba. “Hindi ka na makakatakas ngayon.” Itinapat naman nila sa akin ang kanilang salapang. Bago pa lang nila akong sugurin ay kaagad kong hinala ang pinto at ginamit ang espadang dinampat ko bilang harang. Tinakpan ko ang pinto ng makapal na yelo bago mabilis na lumangoy palayo. Mabilis akong lumangoy palabas ng barko. Kaagad ko namang napansin ang pagsugod ng dambuhalang pugita patungo sa aking direksyon. Gumawa naman ako ng espadang gawa sa yelo at hinintay ito. Nanlaki ang aking mata nang lagpasan ako nito at dumeretso sa barko.
Kaagad ko namang napagtanto ang gusto nitong gawin. Binabvalak nitong pakawalan ang magkapatid na shokoy. Kailangan ko itong pigilan. Mabilis naman akong sumunod at tinurok ang espadang yelo sa bandang ulo nito. Bigla naman itong napahinto. Lumayo ako at iniwasan ang galamay nitong paparating. Kaagad namang nitong pilit na inaalis ang espada sa ulo nito. Gumawa pa ako ng mga sibat na gawa sa yelo at pinaulanan ang pugita. Natamaan ito sa ilang bahagi ng katawan at galamay nito. Muli akong gumawa ng malaking espada. Gamit ang aking dalawang kamay at buhat-buhat ko ang espada at sumugod sa halimaw. Iniwasan ko ang mga paparating na galamay at naghanap ng tamang oras para umatake. Sinalubong ko ng aking espada ang isang galamay na paparating. Hindi naman ako nagmintis at nahiwa ko ang galamay nito. Lumangoy ito lumayo samantalang pinanood ko naman ang paglubog ng naputol na galamay.
Hindi naman natuto ang nilalang at muling lumayo ng mabilis patungo sa akin. Iniwasan ko ang galamay nito at muli itong pinutol gamit ang aking espada. Hindi ko naman namalayan na may kasunod palang isa pang galamay ang patungo sa aking direksyon kaya naman hindi ako nakakilos agad. Tinamaan ako ng galamay nito kaya naman tumilapon ako at tumama sa isang malaking bato. Ramdam ko ang sakit ng aking pagtama. Napaubo ako at nakita ang dugong lumabas mula sa aking bunganga. Masama ang aking tama. Hindi dapat ito muling mangyari.
Hindi pa man din ako nakakabawi sa aking pagkakatama sa bato ay muling sumugod ang pugita. Nagpadala ako sa agos ng tubig kaya naman nakaiwas ako sa parating na galamay nito. Muli akong gumawa ng mga sibat na yelo at pinaulanan ang pugita. Hindi an ito kasing epektibo ng unanag besos kong ginawa ito. Alam kong kailangan ko nanag makagawa ng paraan. Napatingin naman ako nang makarinig ng ingay mula sa barko. Mukhang makakatakas na ang dalawang prinsipe.
“Hindi ito maari,” ang saad ko sa aking isipan. Mukhang wala nan ga akong ibang magagawa. Ako ba talaga ang nakatakdang maging Punong Guro ng Occulus? Wala naman akong maisip na sumpang naituro na puwede kong gamitin laban sa kanila. Ako nga ba ang nakatakdang susunod na Punong Pinuno ng mga Tipan ng mga Mangkukulam? Parang hindi naman ako babagay na maging isang pinuno. Napakahina ko.