Blue’s Point of View
“Mawalang galang na, Alon,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Pero saan tayo pupunta?” ang tanong ko sa kanya.
Kung gusto mong lumaban sa ilalim ng tubig ay kailangan mong maging isa sa amin, maliban nalamang kung may iba kang paraan upang makahinga sa ilalim ng tubig. Napaisip naman ako nang malalim at sinubukang alalahanin kung mayroon bang naituro sa amin.
Wala. Wala akong maalala na kahit na anong sumpa o enkasntasyon na naituro sa amin upang makahinga sa tubig. Napatingin naman ako kay Alon at napailing. “Kung ganun ay halika na.” Ipinagpatuloy ko naman ang pagsunod sa kanya. DInala niya ako sa isang malawak na silid. “Narito na tayo.”
Napatingin naman ako sa paligid. “Nasaan tayo?” ang tanong ko naman.
“Narito tayo sa silid ng aking ama,” paliwanag naman niya.
“Bakit tayo narito?”
“Sandali lang,” ang bilin ni Blue bago lapitan ang isang kahon. Binuksan niya ito at may kinuha. Lumapit naman siya sa akin at inangat ang kanyang kamay upang ipakaita ang isang medalyon na kawangis ng kanyang suot. Gawa rin ito sag into at sa sari-saring hiyas. “Ito ang makakatulong sa’yo.”
Kinuha ko namnan ‘yon mula sa kanyang kamay. “Paano ito makakatulong sa akin.
“Tulad ng nasabi ko sa’yo, nakakatulong ito sa mga kakayahan namin,” ang wika niya. “Kabilang na rin ang pag-aanyong tao namin. Kapag sinuot mo ‘yan ay mag-aanyong kataw ka rin.”
“May isa pa akong nais ipakita sa’yo,” ang wika niya sabnay turo sa isang pader. Sinundan ko naman ‘yon ng tingin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sagisag ng Tipan ng Gabi na nakalagay doon.
“Bakit may sagisang ng Tipan ng Gabi diyan?” ang nagtataka ko namang tanong.
“May malalim na koneksyon ang mga Kataw at ang mga mangkukulam ng karagatan,” ang paliwanag naamn niya. “Paminsan-minsan ay dumadalaw sila sa palasyo kaya naman mayroon ‘yan. Naalala ko, gustong-gusto ng aking ama na kapag may bumibisitang mangkukulam.” Napatango naman ako at kaagad na naintindihan ang kanyang naikwento. Kung sa bagay, tubig ang nag-uugnay sa amin kaya naman hindi na rin masyafdong nakakagulat ang mga naikwento niya sa akin. ‘Isuot mo na ‘yan.”
Tumango naman ako at mabilis na snuri ang medalyon bago ito isinuot. Ramdam ko ang enerhiyang nanggagaling sa medalyon. Ngunit wala namang nangyayari… wala pa.
“Halika na, Blue,” ang pagtawag ni Alon nang muli kaming makarinig ng pagsabog kasunod nito ang pagyanig at pagsigaw sa takot ng ilang kataw, sirena’t sireno sa malapit. Sinundan ko naman siya palabas ng palasyo hanggang sa makarating kami sa isang lawa sa tapat. “Ito ang lagusan palabas ng palasyo. Sa pagpasok mo sa tubig ay magbabagong-anyo ka na. Handa ka na ba?”
Tumango naman ako. Napangiti naman siya bago tumalon sa tubig. Isanmg malalim muna ang aking pinakawalan bagao sumunod. Sa pagpasok ko sa tubig ay siya namang pagliwanag ng suot kong medalyon. Naramdaman ko ang kakaibang init sa aking katawan lalo na sa aking mukha, leeg at mga daliri. Pagkalipas ng ilang sandali ay madali na akong nakakahinga sa tubig. Sa tingin ko ay mnag-anyong kataw na nga ako tulad ng sinabi ni Alon. Napatingin ako sa aking mga kamay may manipis na balat na kumukunekta sa aking mga daliri. May palikpik ding nakalagay sa aking mga braso. Kinapa ko ang aking mukha. Tulad ni Alon ay ramdam kong may mga kabibe sa aking noo at ilang perlas sa aking balat. Hinawakan ko rin ang aking leeg, nagkaroon ako ng hasang na nagpapadali ng aking paghinga.
“Blue,” ang pagtawag ni Alon. Napatingin naman ako sa kanya. “Halika na.”
Tumango ako at lumangoy kasabay siya palabas ng lagusang ‘yun. Sa paglabas namin ay nadatnan namin ang digmaang nagaganap. May mga sirenong nakikipaglaban gamit ang ilang armas tulad ng sibat, at espada. May mga shokoy na nagsimula kaming sugurin nang namataan nila kami. Hindi naman sila nakalapit sa amin dahil tila ba may kung anong puwersa na nagtulak papalayo sa kanila. Tama, may akakyahan nga pala ang mga kataw na kontrolin ang daloy ng tubig. Habang tumatagal ay parami nang parami ang mga shokoy na dumarating at nagpapakita.
“Alon, hindi sapat na itilak lang sila palayo,” ang komento ko. Napatingin naman kami sa isa’t-isa. Mukhang naintindihan naman niya ang aking plinaplano. Tumango siya. Kaaagd naman siyang gumawa ng mga bula na siya namang nagkulong sa mga shokoy.
“Blue!” ang sigaw ni Alon. Kaagad naman akong gumawa ng mga sibat gawa sa yelo at pinalipad patungo sa mga shokoy na nakulong sa bulang bitag ni Alon. Pinanood naman namin ang paglubog ng mga bangkay ng mga nilalang na ‘yon. Muli naming ginawa ‘yun sa mga sumunod na mga shokoy na nagtangkang sugurin kami.
Muli sana akong gagawa ng mga sibat na yelo ngunit may nanghila sa akin palayo kaya naman napasigaw ako. “Blue!” ang gulat na sigaw ni Alon habvang nakita akong hinihila palayo. Susundan sana niya ako ngunit pinigilan ko siya.
“Babalik ako!” ang sigaw ko pabalik kaagad akong umikot para tignan kung ano o sino ang humihila sa akin palayo. Nanlaki naman ang aking mga mata nang makaklita ng isang malaking pugita na humihila sa akin palayo. Gumawa anmana ko ng espadang gawa sa yelo at madaling pinutol ang galamay na nagkapulupot sa aking braso. Kaagad naman akong kumawala ngunit bnatid kong hindi dito nagtatapos ang lahat.
Huminto naman agad ang pugita. May mga kasama itong shokoy. Mas malaki sa mga normal kong nakita kanina.
“Sino ka at anong ginagawa mo sa palasyo ng mga kataw?” ang tanong sa akin ng isa sa mga shokoy.
“Isa akong kaibigan,” ang tugon ko naman. “Na tumutulong. Kayo? Sino klayo at bakit niyo inaatake ang mga kataw?”
Napatawa naman sila.
“Ako si Prinsipe Lumo,” ang pagpapakilala naman nya sa kanyang saril. “At ito ang aking kapatid na si Prinsipe Arba. Bakit anmin inaatake ang mga kataw? Simple lang.Nais naming pamunuan ang karagatan. Masyadong mataas ang tingin ng mga kataw sa kanilang sarili dahil sa kanilang mga kakayahan.”
“Ikaw,” ang saad naman nitong si Prinsipe Arba. “Maling mga nilalang ang iyong napiling kaibiganin. Sa mga shokoy ka sumapi at magkakaroon ka ng parte sa pamamalakad sa karagatan.”