Blue’s Point of View
Hindi ko alam kung anong aasahan ko sa loob ng tirahan ng mga nilalang na sumagip sa akin. Batid ko rin naman na wala silang balak na masama sa akin at nagpapasalamat pa nga ako dahil nagawa nila akong tulungan. Sa tingin ko ay hindi naman talaga ako magtatagal dito. Maayos an ang aking pakiramdam. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa isang verandah. Tama ba ang aking nakikita? Hindi mga ulap, araw o buwan ang nasa kalangitan kundi kadiliman. Sa malayo ay matatanaw ang hindi klarong hugis ng balyenang napadaan.
Kaagad ko namang napagtanto na wala ako sa lupa kundi sa ilalim ng karagatan. Iginala ko ang aking tingin. Nasa isa akong palasyo na mukhang isang malaking bulto ng mga puting koral. Kung nasa ilalim ako ng karagatan, paano ako nakakahinga? Tinignan ko naman ang aking katawan. Mukhang wala namang kakaiba o walang nagbago. Higit pa roon ay hidni naman ako basa o nasa loob ng mismong nasa tubig.
“Blue,” ang pagtawag ng isang boses. Napalingon naman agad ako at nakita si Alon. “Narito ka lang pala. Kung saan-saan kita hinanap nang makita kitang wal aka sa iyong higaan.”
Napakamot naman ako ng ulo. “Pasensya na,” ang paghingi ko ng paumanhin. “Naisip ko lang maglakad sa paligid dala ng aking kuryusidad kung nasaan ako. Napangiti naman siya at napatingin sa madilim nakalangitan.
“Nasa puso tayo ng karagatan,” ang tugon naman niya. “Ang tirahan naming mga Kataw, Sireno’t Sirena.”
“Hindi maalis sa aking isipan kung paano nangyayari ang lahat,” ang wika ko naman. “Bakit walang tubig sa kaharian ninyo?”
Natawa naman siya sa aking katanungan. “Kalahating tao ang mga sirena at sirenol; gayundin ang mga Kataw. Hindi naming kailangang nasa loob ng tubig. Isa pa, nasa pinakailalim tayo ng karagatan. Nangunguhulugan lang nito na mas malakas ang agos ng tubig. Sa tingin ko ay naiinitindihan mo ang nais kong iparating.”
Tumango naman ako. “Sa tingin ko ay kailangan ko na ring bumalikng Occulus sa lalong madaling panahon.”
“Sigurado ka ba?”
Tumango naman ako. “Kialangan kong tumulong at maghanda dahil ramdam kong papalapit na si Rosa. Bukod pa roon ay kailangang hanapin si Dimitri Ivanov at paghigantihan ang aking ama.”
“Mukhang hindi naman kita mapipigil tungkol diyan,” ang komento niya. “Kapag tumawid na ang araw, dadalhin kita sa lupang ibabaw. Habang narito ka pa ay magpahinga ka muna at… kunin ang pagkakataong matuto tuungkol sa mga nilalang ng karagatan. Hindi ba’t isa sa mga pangunahing elemto ng Tipan ng Gabi ay tubig? Dala ng mga mangkukulam ng karagatan?”
“Tama,” ang pagkumpirma ko naman.
“Batid koong nagugutom ka na rin,” ang saad niya. Sakto naamng tumunog ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong hindi kumakain. “Huwag kang mag-alala, may mga inutusan akong magtungo ng lupa upang kuhanan ka ng makakain.”
“Maraming salamat.”
“Halika na,” ang yaya niya bago ako ginabayan paloob. Mukhang hidni naman nalalayo ang kanilang gawain sa mga tao o mangkukulam. Dinala niya ako sa isang malaking espasyo na ang hula ko ay ang hapagkainan nila. Maraming Kataw ang nagtipon-tipon doon upang kumain. Sari’t-saring sariwang lamang dagat ang naroon. Hindi nga nagtagal ay pinaupo nila ako at inihain nila ang aking pagkain. Hindi na masama ang kanilang kinuha para sa akin. Ang tototo niyan ay nagpapasalamaat pa nga ako dahil nagabala pa silang magtungo sa ibabaw para naman makakuha lang pagkaing maihahanda sa akin.
Dahil sa gutom ay hindi na akong nagdalawang-isip pa na simulan ang aking makakain.
“Maraming salamat sa pagkain, Alon,” ang pasasalamat ko naman sa kanya. Napangiti naman siya at tumango. Nagsimula naman kaming mag-usap tungkol sa kahariang gawa sa puting koral. Sa aking pagmasid sa mga kataw na nasa hapagkainan ay mayroon akong napansin Kaya naman napukaw nito ang aking kuryusidad. “Alon, napansin ko na lahat ng mga kataw ay may kung ano mang suot na medalyon. Natigilan naman siya at kapwa kami napasulyap sa alahas na kanyang suot sa kanyang leeg.
“Ito ba?” ang tanong niya habang kapwa pa rin kami nakakatitig doon. Gawa ito sag into at napamulitian ng sari’t-saring mga bato. May mga kulay berde, asul at pulang hiyas sa medalyon niyang ‘yon. “Ang mga ito ang sanhi ng aming mga kakayahang manipulahin at kontrolin ang ano mang uri ng tubig at mga kaugnay na puwersa tulad ng presyon, pagtaas ng tubig, alon, bula at iba pa.”
Napatingin naman siya sa baso ng tubig na nasa aking harapan. Nagsimula naman itong gumalaw. Ang lulan nitong tubig ay nagsimulang gumalaw paikot sa loob ng baso na tila ba mayroong naghahalo nito. Pagkatapos ay lumutang ito at nagsumulang magpaikot-ikot hanggang sa muli itong bumalik sa loob ng baso.
“Bukod sa iyong mga nasaksihan at narinig, mayroon pang isang bagay na maari naming gawin gamit ang medalyong ito,” ang pagpapatuloy niya.
“Ano naman ‘yon?” ang nagtataka kong tanong. Pinanood ko naman siya nanag hawakan niya ang gilid ng baso. Dahan-dahan namang naging yelo ang tubig. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa pagkamangha.
Bigla na lamang kaming nakaramdam ng pagyanig kasunod ng tunog ng pagsabog mula sa di kalayuan. Napasigaw ang lahat.
“A-anong nangyayari?!” ang pasigaw na tanong ni Alon. May tumakbo namang kataw papasok ng hapagkainan.
“Pinunong Alon!” ang pagtawag naman niya. “May pag-atake sa harang na nakapalibot sa palasyo.”
“S-sino ang umaatake?” ang tanong naman ni Alon.
“Ang mga shokoy,” ang tugon naman ng kataw.
“Mga kasumpa-sumpang nilalang!” bulalas ni Alon. “Ihanda ang mga hukbo natin upang lumaban.”
“Masusunod, Pinunong Alon,” ang kaagad na pagsang-ayon ng isa bago umalis. Nagsi-alisan na rin ang ibang kataw nang marinig ang kautusan ni Alon. Humarap naman siya sa akin. “Bumalik na muna ng i—"
“Hindi,” ang kaagad ko namang pagtanggi klaya natigilan siya. “Gusto kong tumulong sa pakikipaglaban. Ayokong matulad na lamang ng aking sitwasyon sa Occulus. Batid kong may magagawa ako. At hindi ko matataim na magtago na lamang.”
“Mayroon kang puso ng isang mandirigma,” ang komento niya. ‘Kung gusto mong makatalong ay sumunod ka na muna sa akin bago tayo lumabas sa digmaan.”
Nagsimula naman siyang maglakad. Walang tanong ko siyang sinundan.