Ikalabing Dalawampu’t Siyam na Kabanata

1628 Words
Blue’s Point of View Hindi ko aakalain na makakakita ako ng isang kataw sa aking buhay. “P-pero nasaan ako at anong ginagawa ko rito?” ang nagtataka ko namang tanong sa kanya. “Nasa pangangalaga kita. Natagpuan ka ng ilang sereno’t serena sa dalampasigan, walang malay at sugatan,” paliwanag niya. “Hindi ko alam kung saan ka galing at sino ka kaya naman hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan kita. Isang maling pagkilos ay matutuloy ang iyong naudlot na kamatayan.” Tumango naman ako at hindi nakapagsalita. Tama na si Dimitri Ivanov na gustong pumatay sa akin. Hindi ko na kailangan ng isa pa. “Ngayon ay magpakilala ka. Sino ka at anong nangyari sa’yo?” “Ako po si Blue,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili. “Isa akong mangkukulam at parte ng Tipan ng Gabi.” “Paano akong makakasiguro na ikaw nga ay isang mangkukulma?” Pinakita ko naman ang marka sa aking bukong-bukong, tanda na ako nga ay isang mangkukulam at isang miyembro ng Tipan ng Gabi. “Isa rin akong mag-aaral sa Akademya ng Occulus,” ang pagpapatuloy ko. “Anong nangyari sa’yo at bakit ka sugatan?” ang sunod niyang tanong sa akin. Napabuntong-hininga naman ako. “Ang totoo niyan ay… pinagtangkaan ng Punong Guro ang aking buhay.” “Sa ano namang dahilan?” “Gusto niya ng kapangyarihan,” ang tugon ko. “Ayon sa kanya, ako raw ang susunod na magiging Punong Guro ng Occulus at ang susunod ding Punong Pinuno ng apat na tipan ng mga mangkukulam. Ayaw niyang mangyari ‘yon kaya nais niya akong patayin tulad ng ginawa niya sa aking ama. Alon, nanganganib ang lahat ngayon. Isang makapangyarihang mangkukulam ang muling nabuhay upang patayin lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa ispritwal an mundo at dito  sa mundong ibabaw. Kailangan kong makabalik sa Occulus upang tumulong.” Tinignan naman ako ni Alon mula ulo hanggang paa. “Babalik ka sa lagay na ‘yan?” ang tanong niya sa akin. “Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan kita ngunit tulad ng sinabi ko ay may tungkulin ako bilang isang kataw na bigyang proteksyon ang aking sinasakupan. Masyado ka pang mahina upang tumawid sa ispiritwal na mundo. Magpahinga ka muna rito ng ilang araw hanggang sa muli kang lumakas. “Hindi,” ang kaagad ko namang pagtutol. “Kailangan kong bumalik ng Occulus. Kailangan kong… malaman kung—” pinilit ko namang tumayon ngunit kaagad akong bumagsak sa sahig dahil sa aking panghihina. “At ano naman sa tingin mo ang maitutulong mo sa ganyang kalagayan?” ang seryoso naman niyang tanong sa akin bago ako lapitan. Inalok naman niya ang aking kamay na siya ko namang kinuha. Hinila niya ako patayo at ibinalik sa aking higaan. “Bakit ba napakatigas ng ulo ng mga nilalang na katulad niyo?” Tama siya. Mas makabubuti kung manatili muna ako rito ng ilang araw. Aaralin ko muna ang mga sumpang nasa itim na kuwaderno. Kaagad ko namang kinapa ang aking katawan nang maalala ‘yun. Nakahinga ako nang maluwag nanag makapa ito sa pagitan ng aking pantalon at panloob sa aking taligiran. “Alon,” ang pagtawag ng isang boses kaya napatingin kaming dalawa. Isa na namang kataw ang pumasok sa loob ng silid. “Heto na ang mga hinigi mo para sa ating—” natigilan naman siya saglit at napatingin sa aking direksyon. “bisita.” “Maraming salamat, Onda,” ang pasasalamat ni Alon sa kanya. “Ito nga pala si Blue. Isa siyang mangkukulam.” “Mangkukulam?” ang pag-uulit nitong si Onda. “Isa ka bang miyembro ng Tipan ng Gabi?” “Oo,” ang tugon ko naman. ‘Miyembro nga ako ng Tipan ng Gabi. Bakit mo naitanong?” ang pagtataka ko. “Ang mga sireno’t sirena ay malapit sa mga mangkukulam ng karagatan,” ang paliwanag naman niya. “Madalas ay nakikipagpalitan ang mga sireno’t sirena sa mga halamang dagat na kailangan ng mga mangkukulam na katulad mo sa mga seremonyas na inyong ginagawa. Kapalit nito ang mga pagkain o bagay na sa lupa lang makikita.” Kaya pala madalas na may ginagawang pagkain si Tiya Lucia bago ito magtungo sa dalampasigan at kumuha ng mga sangkap para sa ilang seremonyas na kanilang ginagawa ni Tiya Adele. “Blue, siya ang nakababata kong kapatid na si Onda, isa rin sa mga kalaw na namamahala sa karagatanhg ito. “Ikinagagalak kitang makilala, Blue,” ang nakangiting wika ni Onda. “Gayun din ako,” ang tugon ko. “Mas makabubuti suguro kung papalitan mo na ‘yang suot mo,” ang komento ni Alon. Napatingin naman ako sa aking damit. Tama nag siya. Ramdam ko ang malaking butas sa aking likuran dala ng bolang apoy na tumama sa aking likuran. Naghihina ako ngunit hindi ako nakakaramdam ng ano mang sakit. “Huwag kang mag-alala,” ang komento niya pa. “Ang likuran mong nalapnos ng kung ano man ay bumalik na sa dati.” “Bukod pa roon ay ang mga sugat mo ay nagsara na at bumalik na rin sa dati,” ang dagdag ni Alon. “Pero paano?” ang tanong ko. “Pinainom ka ng isa sa mga makapangyarihang gamot ng karagatan,” ang tugon niya. “M-maraming salamat sa pagsagip sa akin,” ang pasasalamat ko kanila. “Walang anuman,” ang tugon naman ni Alon. “Pero… hindi pa lubos na nakakabawi ang katawan mo sa pagod kaya anamn magpahinga ka lang muna rito.” “Salamat ulit.” “Heto,” ang saad ni Onda sabay abot ng damit sa akin. Mukhang hindi naman nila ito kailangan. “Pasensya pero puwede bang magtanong?” ang paalam ko. Napatingin naman sila sa isa’t-isa. Ibinaling naman sa akin ang tingin ni Alon at tumango. “Saan niyo kinuha ang mga ito? Mukhang hindi niya naman kailangan dito?” “Tama ka,” ang pagkumpirma naman niya sa aking huling sinabi. “Hindi nga namin kailangan ang mga iyan rito pero may mga pagkakataong nagbabalat-kayo kaming mga tao at nagtutungo sa lupa. “Bakit kailangan niyong magpunta sa lupa?” ang sunod ko namang tanong. Napangiti lang naman si Alon. “Ah, pasensya na. Hindi na dapat ako nagtatanong ng tungkol sa mga bagay na ‘yan.” “Magbihis ka na,” ang singit naman ni Onda. “Inumin mo ito.” “A-ano yan?” ang tanong ko nang makita ang kanyang hawak, isang kabibe na may lamang kung ano mang likidong kulay ginto. “Ito ang madalas naming ipainom sa mga kasamahan naming nasa hindi maayos na kalagayan.” Paliwanag naman niya. “Kung nais mong bumalik sa iyong dating kalagayan ay inumin mo na muna ito.” Tumango naman ako at kinuha mula sa kanyang kamay ang kabibe. Tinitigan ko muna ang laman nito. Hindi ko sigurado kung magugustuhan ko ang lasa. Lasang dagat. Ito ang tanging pumapasok sa aking isipan. Inamoy ko naman ang likido ngunit wala itong kahit na anong amoy. Nakapagtataka. Isang malalim na hininga muna ang aking pinakawalan bago dahan-dahang ininom ‘yon. Hindi ito malansa o lasang isda. Ang totoo nga niyan ay medyo manamis-namis ito kaya naman hindi ako nahirapang ubusin ang laman nito. “Anong laman ng gamot na ito?” ang tanong ko. “Magkakahalong bagay ngunit ang pangunahing sangkap ay ang atay ng bihirang makitang isdang-araw.” Napatango naman ako. “Kung wala ka nang iba pang katanungan ay maiwan ka na namin upang makapagpahinga ka na.” “Salamat.” Pinanood ko nga silang umalis bago ko binaling ang aking mga mata sa damit na aking tabi. Hinubad ko ang suot ko at nagsimulang magbihis. Kinuha ko namana ng itim na kuwaderno at sinimulang pag-aralan ang mga sumpa at enkastasyon na nakalista roon. Kailangan kong isaulo ang lahat ng ito para sa takdang panahon. Sa gitna ng aking pagsasaulo ay hindi ko naman namalayan na nakaidlip ako dala ng aking panghihina.   MINULAT ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid. Hindi ko alam kung gaano katagal na oras na ang lumipas. Mas magaan at mas mabuti na ang aking pakiramdam ngayon. Kaagad ko namang kinuha ang itim na kuwaderno na nahulog sa tabi ng kama. Natigilan ako nang makita ang nasa harapan nito.  Isang sagisag ng bungo ang nakita ko. Sigurado ako na wala pa ito rati. Kapareho ito ng bungong nagpakita sa kalangitan noong nasa loob pa ako ng Occulus. Anong giangawa ng sagisag nan ito sa harapan ng itim na kuwadernong ito? Hindi kaya pagmamay-ari ito ng Tipan ng Pulang Bungo? Kung totoo man ang aking haka-haka ay mas madali kong maiintindihan ang mga kakayahan nila. Sa tingin ay kailangan ko ring ipaalam kay Propesor Edium ang tungkol dito. Bumaba namana ko at nagtungo sa bukas na bintan at muling sumilip sa labas. Pababa na ang araw at may mga sirena at sireno pa ring nagkakasiyahan sa mga batuhan. Ilang minuto ko rin silang pinanood. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanilang mga itsura. Ang parte ng kanilang katawan na anyong tao ay napakaperpekto. Sila ‘yong mga tipon na magiging sikat dahil sa kanilang itsura. Isa sila sa mga nilalang na pinagpala sa ngalan ng pisikal na kagandahan. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa kanilang mga buntot. Magkakaiba ang mga kulay nito. Bukod pa roon ay magkakaiba rin ang hugis at laki ng mga palikpik ng bawat isa. Napagdesisyunan ko namang mag-ikot dala ng aking paguusisa. Nais kong malaman kung ano ang itsura ng tirahan ng mga kataw, serena at sereno. Lumabas nga ako ng silid. Hindi ko alam kung paano isasalarawan ang aking nakikita. Ang kabuuan ng paligid ay gawa sa puting bato na nagpapakita ng mga kulay na tulad ng nasa isang bahaghari kapag natatamaan ng liwanag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD