Blue’s Point of View
“Pakawalan mo ako!” ang utos ko sa kanya.
“At bakit ko naman gagawin ‘yan?” ang tanong niya sa akin. “Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong magiging mabilis ang pagkitil ko sa iyong buhay. Hindi matatapos ang gabing ito na hidni mo kasama ang iyong mga magulang. Sinimulan ko namang magpumiglas Gagamitin ko na sana ang aking mahika ngunit pinigilan ako ni Dimitri. “Silentia!” Ginamitan niya ako ng sumpa upang hindi ako makapagsambit ng kung ano mang salita. May liwanag an lumabas sa kanyang mga kamay at tila ba tinakpan nito ang aking bibig.
“Ang lahat ay matatapos sa gabing ito,” ang saad niya bago mabagal na naglakad palapit sa akin. “Fantasma Terum,” ang bagbanggit niya sa iang enkantasyon. May kinuha naman siyang isang patalim mula sa kung saan man. Napalunok naman ako dahil mulkang seryoso nga siya sa kanyang balak na pagpatay sa akin. “Madali na lang ito. Pagkatapos ay babalikn ako ng ispiritwal na mundo upang makian sa hukbo ng dakilang mangkukulam na si Rosa.”
Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. H-huwag mong sabihin na sinadya niyang buhayin ang Dakilang Mata para gisingin ang nahihimbing na si Rosa? “Tama ang nasa isipan mo, Blue,” ang saad niya na tila ba nababasa ang aking isipan. “Sinadya ko ngang gisingin si Rosa. Hindi ko balak mamuno sa mga mga mahihinang mangkukulam na ang alam lang ay gumawa ng mga gayuma, kumausap sa mga hayop ay halaman, at tumawid sa mga portal. Makikiisa ako sa pagpapalawak niya ng kanyang hukbo ng mga makapangyarihang mangkukulam. Pagkatapos ay…mamumuno kami sa iba’t-ibang dimensyon. Sadyang napakasakim niya sa kapangyarihan. Itinapat naman niya ang hawak niyang patalim sa aking dibdib.
“Blue!” ang pagtawag ng isang boses. Kapwa naman kami napalingon ni Dimitri at hinanap ang pinanggalingan ng tinig. “Blue!” ang muling pagtawag ng isang tinig, papalapit ng papalapit ito. Hindi nga nagtagal ay nakita namin si Luna sa kanyang orihinal na anyo. “Pakawalan mo siya!”
Tumawa naman si Dimitri sa kanyang narinig. “Ang lakas ng loob mo! Ano bang magagawa ng isang diwatang katulad mo laban sa pinuno ng mga mangkukulam?”
“Tama ka,” ang pagsang-ayon ni Luna. “Hindi nga ako isang mangkukulam at hindi ako kasing makapangyarihan tulad mo pero nakakalimutan mong nasa loob ka ng aking Baluarte, ang kakahuyan. May mga baging namang umatake kay Dimitri. Sinubukan naman niyang umiwas sa mga baging na sumugod sa kanya ngunit naging huli na ang lahat. Tinamaan siya ng isa sa mga ito. Lumipad siya sa ere at tumama sa isa sa mga puno roon. Natanggal naman ang sumpang inilagay niya sa akin. “Luna!” ang pagtawag ko sa kanya.
“Blue, tumakas ka na!” ang sigaw naman niya.
“Augue!” ang wika ko. Nagsimula namang masunog ang baging na nakapulupot sa aking katawan. Kaagad naman akong tumalon mula roon.
“Blue, tumakas ka na!” ang muling sigaw ni Luna. Kapwa naman kamin napatingin kay Dimitri na aktong tatayo mula sa kanyang pagbagsak sa ere.
“Mapangahas na nilalang,” ang rinig naming sinabi niya.
“Bumalik ka na sa Occulus!” ang utos ni Luna.
“P-pero paano ka?” ang tanong ko naman sa kanya.
“Huwag kang mag-alala. Unahin mo ang iyong kaligtasan,” ang bilin niya. “Hindi ka puwedeng mamatay, Blue. Ikaw lang ang pag-asa ng—”
“Lux Tura!” ang malakas na wika ni Dimitri kasunod ng isang nakakabulag na liwanag.
“Luna!” ang sigaw ko. Pilit kong tinitignan ang kanyang mukha sa nakakasilaw na liwanag. Isang ngiti lang naman ang kanyang pinakita sa akin. “Maraming salamat sa lahat, Blue. Sana ay muli tayong magkita. Umalis ka na.”
“Luna! Hindi ito nangyayari?!” ang sigaw ko.
“Umalis ka na!” ang sigaw ulit niya. May mga baging namang pumulupot sa aking katawan bago ako hilain palayo sa kanya.
“Luna! Hindi!” ang sigaw ko kasunod nga aking malakas na paghikbi habang pinapanood siyang lamunin ng liwanag. Hanggang sa huli ay hindi naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi. “Luna!” ang muli kong pagpanaghoy.
“Augue!” ang saad ni Dimitri, kasunod ng mga nagsisiliparang bola ng apoy sa ere. Tumama naman ang ilan sa mga baging na humihila sa akin palayo. Nasunog ang mga ito at napagulong ako sa sahig ng kakahuyan hanggang sa bumangga ang aking katawan sa isa sa mga puno roon. Kahit na nasaktan ay pinilit kong tumayo upang makatakas. Hindi dapat ako mahuli ni Dimitri. Kailangan kong magbalik ng Occulus upang makatulong sa ibang mangkukulam. Hindi pa ako bihasa sa paggamit ng portal pero wala akong ibang magagwa kundi ang subukan ito. Kung hindi ay mas malaki ang pagkakataong mapatay niya ako. At hindi dapat mangyari ‘yon.
Nang makatayo ako nangtuluyan ay sinimulan ko ang pagtakbo. Walang ibang nasa isipan ko kundi ang makatakas at makabalik ng Occulus.
“Porta Ingressum!” ang sigaw ko. May liwanag namang nagpakita sa aking harapan kasunod ng pagbukas ng isang portal. Mas binilisan ko naman ang aking pagtakbo.
“Augue!”ang pagsambit muli ni Dimitri ng enkantasyon upang magpalabas ng mga bolang apoy. Sinubukan ko namang iwasan ang mga bolang apoy sa aking pagtakbo patungo sa lagusan ng liwanag.
Malapit na ako. Kaunti na lang.
Nakalagpas na ako nang maramdamang may kung ano mang tumama sa aking likuran. Kaagad kong naramdaman ang init na nagmumula sa bola ng apoy na tumama sa akin. Kaagad ko namang narinig ang mga alon na humahampas sa dalampasigan.
Dinala nga ako ng portal ng liwanag sa gilid ng isang bangin. Hindi pa rin ako huminto sa katatakbo kahit an tinamaan na ako ng pag-atake ni Dimitri. Umabot naman ako sa pinakagilid at walang alinlangang tumalon. Ramdam ko ang pagpalo ng hangin sa aking buong katawan.
“Argue!” ang rinig kong muling pagtawag ni Dimitri sa mga bola ng apoy. Karamihan nito ay pumasok sa tubig. Tinamaan ako ng isa kaya naman napasigaw ako bago pumasok ng loob ng tubig.
Napakadilim at tanging ang liwanag ng buwan na dumadaan sa ibabaw ng tubig ang aking nakikita. Dahan-dahan naman akong lumulubog sa ilalim ng tubig. Patuloy pa rin ang mga pag-atake ni Dimitri ngunit tila ba walang epekto ang mga ito, naging panangga ko ang karagatan ngunit ramdam kong huli na ang lahat. Nanghihina ako at hindi ko magalaw ang aking katawan.
Hindi nga nagtagal ay dumilim na ang aking paningin.
********
Rinig ko ang mga alon sa malapit. Ang amoy ng karagatan ay pinuno ang aking pang-amoy. Nasaan ba ako?
Ito nan ga ba ang tinatawag nilang kabilang buhay? Ramdam ko ang sakit sa aking likuran. Hanggang sa kamatayan ba ay mayroon pa rin bang sakit? Hindi ko maintindihan.
Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mga mata. Hindi ko mawari kung nasaan ako. Ang unang bumungad sa aking paningin ay ang kisameng gawa sa mga estalaktiktang nakasabit. Pinilit ko namang bumangon at tumingin sa paligid. Hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Mukha akong nasa loob ng isang silid ngunit kakaiba ang itsura. Ang p-aligid ay napalumutihan ng mga kabibe at mga halaman. Kahit na nanghihina pa rin ay tumayo ako. Ang suot ko ngayon ay sira-sira na ngunit hidni na ito mahalaga sa ngayon. Ang importante naman ay nabuhay ako.
Ano nga bang nangyari? Tama. Binalak akong patayin ni Drimitri Ivanov. Sa paggamit ko ng aking mahika upang makagawa ng isang portal patungo sa Occulus ay dinala ako nito sad ulo ng isang bangin. Naalala kong tumalon ako sa tubig upang matakasan si Dimitri.
Muling nagbalik ang katanungan ko kanina sa aking sarili; nasa kabilang buhay na ba ako? Nakarinig naman ako ng mga boses sa di kalayuan. May mga nag-uusap at iba pa nga ay tatawa paminsan-minsan. Mga anghel? Lumapit naman ako sa isang malaking butas sa isa sa pader na naroon. Ang hula ko ay nagsisislbi itong isang bintana. Sumilip naman ako sa labas at kaagad na namangha sa aking nasaksihan. May mga nilalang sa di kalayuan; kalahating tao at kalahating buntot ng isda. Nakaupo sila sa isang malaking bato sa di kalayuan. Mga sirena’t; mga sireno na nagkakasayahan.
“Ah, gising ka na pala,” ang wika ng isang malamig na boses. Kaagad naman akong lumingon at inangat ko ang aking mga kamay. Inihanda ko ang aking sarili sa pagsugod at pagdepensa sa aking sarili. Hindi siya si Dimitri. Hindi siya isang normal na tao o isang mangkukulam.
Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung anong klase siyang nilalang. Puti ang kanyang mga mata, ang kanyang buhok ay kulay itim ngunit tila ba kalalabas niya lang ng tubig. May mga kabibeng nakadikit sa kanyang noo.
Kakaiba rin ang kanyang balat. Para siyang pinaghalong tao at nilalang ng karagatan. “A-ano ka?” ang tanong ko. “Isa ka bang sireno?”
Natawa naman siya sa aking tanong. “Hindi ko alam kung panlalait ‘yan o isang papuri,” komento naman niya. “Hindi ako isang sireno,” paglilinaw niya. “O isang syokoy.”
“Kung ganun ay… sino ka at anong klaseng nilalang ka?”
“Ako si Alon,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Isa akong Kataw. Isa sa mga Punong Bantay-tubig ng siyam na karagatan sa Pilipinas.”
“Kataw?” ang pag-uulit ko. Nabasa ko na ang isang kataw ay isa sa mga uri ng taong dagat sa mitolohiya ng Pilipinas. Pinaniniwalaang sila ay ang may pinakamataas na ranggo sa iba pang mga nilalang-dagat, kabilang ang Sirena, Sireno, at Siyokoy.