Ikalabing Dalawampu’t Limang Kabanata

1660 Words
Blue’s Point of View Tahimik naman kaming lumabas ng silid at nangtungo sa hapag kainan. Ang lahat ng estudyante ng Occulus ay naroon na. Kaagad naman silang napatingin sa aming direksyon nang makarating kami. Ang hula ko ay sa mga oras na ito ay nakuha na nila ang mensaheng nais naming iparating. Napatango naman ako bago kami nagtungo sa isa sa mga mesa. Habang kumukuha ng makakain ay tumingin ako sa paligid. “Nasaan ang ibang miyembro ng mga tipan?” Hindi ko nakikita sila Tiya Adele at Tiya Lucia. Sakto namang dumaan si Propesor Edium. “Propesor!” ang pagtawag ko sa kanya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. “May kailangan ka ba, Blue?” ang tanong naman niya sa akin. “Itatanong ko lang po kung nasaan na ang ibang mangkukulam na tumawid mula sa mga portal,” ang paliwanag ko naman. “Huwag kang mag-alala,” ang tugon naman ni Propesor Edium. “Lahat sila ay kasalukuyang nasa bulwagan at kinakausap ng mga dakilang tagausig. Pinaghahandaan ng lahat ang pagdating nila Rosa at ang kanyang mga hukbo.” “Wala po ba kami talagang magagawa upang tumulong?” ang tanong naman ni Faust. Ngumiti naman si Propesor Edium bago umiling. “Ipaubaya niyo na lamang sa amin ang lahat,” ang wika naman ni Propesor Edium. “Ang kailangan niyo lang gawin ay unahin niyo ang inyong kaligtasan.” “Masusunod po, Propesor,” ang tugon naman ni Faust bago pasimpleng tumingin sa akin. Ipinagpatuloy naman namin ang hapunan nang makaalis si Propesor Edium. “Kailangan na rin nating gumawa ng hakbang,” ang pabulong na saad ni Faust sa akin. “May naiisip ka na bang plano, Blue?” “Hindi pa ako sigurado,” ang tugon ko naman. “Kailangan muna nating malaman kung anong balak nating gawin.” Napatingin naman ako Aravind na abala sa kanyang hapunan. Natigilan naman siya sa pagsubo at pagnguya bago napatingin sa amin ni Faust. “Alam niyong hindi ko magagamit ang aking kakayahan kung walang halaman sa paligid,” ang komento naman niya. “Oo ng apala,” ang wika ko naamn. “Kahit na anong klaseng halaman, hindi ba?” ang tanong naman sa kanya ni Faust. “Tama,” ang tugon naman ni Aravind. Napangiti naman si Faust habang nakatitig sa kinakain ni Aravind. “Sapat na ba ‘yan?” ang tanong naman ni Faust habang nakatitig sa sabaw na may mga lamang patani. Napabuntonghininga naman siya sabay kamot ng ulo. Kumuha naman siya ng patanin mula sa mangkok at inilagay sa tabi. Nagsimula naman siya sa kanyang pagsambit ni Aravind sa isang enkantasyon.   Aravind’s Point of View “Noctus kreyaturos. Ostendes miji konspectumtoom,” ang pagsisismula ko sa aking orasyon. “Takpan niyo ako,” ang utos ko naman kila Faust at Blue. Kaagad naman silang tumalima. “Noctus kreyaturos. Ostendes miji konspectumtoom.”  Unti-unting nagdilim ang kapaligiran. Sa pagbalik ng aking paningin ay ibang lugar na ang aking nakikita. “Mga Mangkukulam,” ang anunsyo ng dakilang tagausig na si Solana. “Mula sa hilaga, ang Tipan ng Gabi. Mula timog, ang Tipan ng Sagradong Buwan. Mula sa kanluran, ang Tipan ng Sekretong Hardin. Mula sa Silangan, ang Tipan ng Nalimutang Oras. Ang panahon ay dumating upang magkaisa ang apat na tipan para sa iisang layunin, ang supilin si Rosa at ang hukbo nito. Kailangan nating magkaisa. Maasahan ba namin ang inyong tulong?” Sabay-sabay namang pinaramdam ng lahat ng naroon ang kanilang pagsuporta sa mga tagausig na naroon. Ang lahat naman ay natigilan nang magbukas ang pinto ng bulwagan kasunod ng pagpasok ni Propesor Edium. “Ah, Propesor Edium,” ang wika ni Solana. “Narito ka na pala. Mga kapatid. Si Propesor Edium ang magsisilbing utak natin sa digmaang paparating.” “Nasaan ang Punong Guru ng Occulus at Punong Pinuno ng mga Tipan na si Dimitri Ivanov?” ang tanong naman ng aking ama at pinuno ng Tipan ng Sekretong Hardin. Ang lahat anman ay napatingin sa paligid at hinanap si Dimitri. “Hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya o balita kung nasaan ang Punong Guro,” ang tugon naman ngb dakilang tagausig na si Mystral. “Kaya naman si Propesor Edium ang siyang mangunguna sa paghahanda natin. At tulad nga ng aking nabanggit kanina ay si Propesor Edium ang magiging utak ng ating paghahanda.” “Ano bang plano natin, Propesor Edium?” ang tanong naman ng pinuno ng Tipan ng Gabi. “Sa ngayon kailangan nating palakasin ang ating depensa at pag-atake natin,” paliwanag naman ni Propesor Edium. “Sa ngayon, kailangan nating maghanda ng sari’t-saring gayumang panggamot at pangtulog sa digmaan.” “Pero nangunguhulugan niyan na mangangailangan tayo ng maraming sangkap,” ang wika naman ni Lucia, ang isa sa mga Tiya ni Blue. “Tama,” ang pagkumpirma naman ni Propesor Edium. “Ang tanong diyan ay… may spat bang nakaimbak na sangkap dito sa Occulus?” ang tanong naman ni Adele. “Ikanalulungkot kong sabihin na… mayroon mang sariling hardin ang Akademya ng Occulus at imbakan ng mga sangkap an ginagamit namin sa pag-aaral ng mga estudyante ng Occulus ay… mukhang hindi ito magiging sapat sa nakaambang na digmaan.” “Ngunit paano tayo makakakuha ng sapat na sangkap?” “Isa lang ang nasa aking isipan,” ang tugon ni Propesor Edium. “Ang magtungo sa kanluran kung saan nakatira ang Tipan ng Sekretong Hardin.” “Sinasabi mo bang kailangan ulit naming bumalik sa kanluran upang kumuha ng mga sangkap?” ang tanong ng aking ama. “Ganun nan ga ngunit hindi lang ang mga miyembro ng Tipan ng Sekretong Hardin ang magtutungo roon,” ang tugon naman. “Magtatalaga kami ng mga grupong magtutungo sa timog upang mangolekto ng mga sangkap na ating gagawin. Ang bawat grupo ay bubuoin ng ilang miyembro mula sa iba’t-ibang tipan. Ngunit bago magtungo ang mga nakatalagang grupo ay hihihingiin ko muna ang tulong ng mga miyembro ng Tipan ng Sekretong hardin upang magpadala ng mga nilalang na magsisilbing mga mata natin sa kanluran. Ang mga nilalang na ito ang magsisilbing mga mata natin doon nang masiguro natin ang inyong kaligtasan. Ito ang unang hakbang na kailangan nating gawin… yun ay kung lahat ay sumansang-ayon at walang pagtutol mula sa inyong lahat.” Wala namang ibang pagtutol mula sa ibang mangkukulam na naroon. Senyales na handa silang makinig sa mga sasabihin ni Propesor Edium. “Aravind,” ang pagtawag ng isang boses. “Aravind!” Mabilis na nagdilim ang aking paningin kasunod ng muling pagbalaik nito.   Blue’s Point of View Patuloy pa rin si Aravind sa kanyang ginagawa. Pinanood naman namin ang pagliwang ng patani sa tabi ng kanyang mangkok. “Mga estudyante ng Occulus,” ang pagtawag ni Propesor Reda. “Kung tapos na kayo sa inyong hapunan ay bumalik na muli kayo sa inyong mga silid at maghintay ng balita. Huwag an huwag kayo lalaabs kung hindi sinasabi ng mga nakatatanda.” Nagsimula namang magsitayuan ang ibang estudyante. Napatingin naman kami kay Aravind. Hindi pa rin siya bumabalik sa dati. “Kailangan na nating tawagin si Aravind,” ang saad ni Mayumi. “Hindi nila puwedeng makita ang ginagawa niya.” “Tama ka,” ang pagsang-ayon naman ni Riven. “Aravind,” ang pagtawag niya sa kanya. “Aravind,” ang muli niyang pagtawag sabay alog sa kanyang balikat. Napanmsin naman namin na papalapit na si Propesor Reda sa amin. “Aravind!” “Ah,” ang pag-ungol ni Aravind nang makabalik siya sa kanyang sarili. Humijnto ang pagliwanag ng patani at ng kanyang mga mata. “May problema ba?” ang tanong naman ani Propesor Reda nang makalapit sa amin at napansing hindi pa rin kami gumagalaw. “W-wala naman, Propesor Reda,” ang tugon ni Faust. “Pabalik na rin kami sa aming mga silid. Hinihintay lang naming matapos si Aravind sa kanyang pagkain,” pagsisinungaling pa niya. Napasulyap naman sis Propesor Reda kay Aravind na biglaan namanmg kinuha ang kutsara sa kanyang harapan. “P-pasensiya na po, Propesor Reda,” ang paghingi naman ni Aravind ng paumanhin. “H-hindi po kasi ako makakain ng maayos sa kaba.” Napatango lang naman si Propesor Reda. “Mas makakabuting tapusin mo na ang hapunan mo nang makabalik na kayo sa inyong mga silid.” “Masusunod po, Propesor Reda,” ang tugon naman ni Aravind bago sunod-sunod na sumubo. Naglakad naman palayo si Propesor Reda. “Tapos na. Tara na.” Tumayo naman kami at nagsimulang maglakad palabas ng hapag kainan. “Aravind,” ang pagtawag ko sa kanya habang naglalakad. Napatingin naman siya sa akin. Sinugarado ko namang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang. “Anong nakita mo?” ang tanong ko. “Binabalak nilang gumawa ng maraming gayuma,” ang balita naman ni Aravin. “Tinalaga ni Propesor Edium ang mga miyembro ng Tipan ng Gabi na manguna sa paggawa ng mga gayumang kailangan nila.” “Gayuma?” ang tanong ko. “Anong klaseng gayuma?” “Hindi ko sigurado pero ‘yun ang unang hakbang sa plano ni Propesor Edium,” tugon niya. “Pero sapat ba ang mga sangkap na gagamitin nila rito sa Occulus?” ang tanong naman ni Faust. “Madalas tayong pumupunta sa silid-imbakan ng mga Propesor natin sa ating asignaturang paggawa ng mga gayuma. Sa tingin ko ay hindi sasapat ang mga naroon.” “May balak na si Propesor Edium patungkol diyan,” tugon naman ni Aravind. “Magpapadala sila ng mga grupo ng mangkukulam sa timog para mangolekta ng mga sangkap na kakailanganin nila sa paggawa ng mga gayuma.” “Hindi ba deliakdo ‘yun?” ang tanong ni Faust. “Delikado nga,” ang pagkumpirma naman ni Aravind. “Pero nakaisip na rin siya ng gagawin. Hiniling ni Propesor Edium sa Tipan ng Sekretong Hardin na magpadalka muna ng mga nilalang na magiging mga mata natin sa Timog bago sila magtungo roon.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD