--------- ***Hera's POV*** - "Sinunggaling ka din pala Hera. Sabi ko na nga ba, hindi mo anak si Alexis, kaya nga hindi mo din anak si Dave---" Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Naguguluhan ako kaya pilit pa itong ini- absorb ng isip ko. "What the hell are you talking about, Cherry?" si Draeven. Gusto ko din magsalita para maliwanagan ako pero parang may bumara sa lalamunan ko. Tila naman pinagsisihan ni Cherry ang nasabi nito dahil nanahimik ito bigla. Mayamaya lang, galit na lumapit si Draeven kay Cherry at marahas na hinawakan nito ang panga ng babae, at iniangat nito iyon. Napaigik sa sakit si Cherry dahil sa ginawa ni Draeven dito. "Bitawan mo sya Mr. Montenegro." ani ng isang pulis na kasama ni Cherry. Hindi na nakahawak kay Cherry ang dalawang pulis dahil nakaposas nam

