--------- ***Hera's POV*** - Kung hindi ako hinawakan ni Draeven at humarang sa akin ang mga pulis, baka mahimatay pa si Cherry sa ginawa kong pagsasampal sa kanya. Napopoot ako, tuluyan akong sumabog at hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Namumula na ang pisngi ni Cherry, sabog na sabog ang buhok nya dahil sa ginawa kong pananampal sa kanya. Pero kahit pa man sa ginawa ko sa kanya, hindi pa rin mababakasan ng pagsisisi ang mukha nya. Nakipagsukatan sya sa matalim na titig ko sa kanya. "Hindi mo matanggap na ngayon nabubuko ka na sa mga kasinunggalingan mo. Na lumabas na rin ang totoo." matapang pa rin sya. Kahit may malaking kasalanan sya sa akin, pero matapang pa rin sya. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo Cherry dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Wag mong pagtak

