--------- ***Third Person's POV*** - Laman pa rin ng isip nya ang batang ipinakilala ni Cherry kanina. Dahil hindi na nya mahintay na masagot ang mga katanungan nya kaya nya dinaanan si Jeff sa hospital kung saan ito nagdu- duty pero naka- leave pala ito at kasalukuyan nasa ibang bansa para sa isang doctor's seminar na dinaluha nito at sa mga susunod na araw pa ito makakabalik. "Are you okay? Parang hindi mabuti ang pakiramdam mo ngayon?" puna sa kanya ng asawa nya, kasalukuyan itong nag- aayos sa sarili nito. May usapan kasi sila ngayon na sa labas mag- dinner at isasama nila si Alexis. Ayaw sumama ng nanay nya dahil dapat daw sila munang tatlo. "Okay lang naman kung hindi tayo matutuloy ngayon kung masama ang pakiramdam mo. Marami pa namang pagkakataon." "I am okay honey! Matutuloy

