---------- ***Third Person's POV*** - Hindi mapakali si Draeven, hindi mawala- wala sa isip nya ang batang kasama ni Cherry kanina. Aminado sya na magaan ang loob nya sa bata, gusto nga nya itong kunin mula kay Cherry dahil baka mapahamak pa ito sa mga kamay ni Cherry. Kitang- kita nya sa mga mata ng bata kanina na parang ayaw nitong sumama kay Cherry, at parang ayaw na nga nitong bumitaw sa sekretarya nya. Kinakabahan sya na baka may ginawang hindi maganda si Cherry sa bata. Nakaya ngang gawan ng masama nito si Alexis. At kung sya lang ang tatanungin, hindi mag- ina ang tingin nya kay Cherry at sa batang lalaki. Parang estranghero sa isa't- isa ang tinginan ng dalawa. There is something special sa tinginan ng dalawang tao kung mag- iina nga ang mga ito. Kay Cherry, hindi nya nakita dit

