------- ***Third Person's POV*** - "How old is he?" tanong ni Draeven kay Cherry. "3 years old, magka edad lang sila ni Alexis." nanatiling nakaawang ang labi nya. "So?" nakangisi si Cherry. "Anong masasabi mo Draeven?" Kinalma muna nya ang sarili nya--- saka nya isinandal si Cherry sa pinto at sinakal ito. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa nya. Alam nyang hindi inaasahan nito na ito ang gagawin nya. Pero bago nya ito ginawa kay Cherry ay pinakuha muna nya ang batang kasama nito sa sekretarya nya, at inutusan nya ito na dalhin muna ang bata sa isang mall na malapit para hindi ito ma- bored, dahil may pag- uusapan silang dalawa ni Cherry. Nanlilisik ang titig nya kay Cherry, mahigpit ang pagkakasakal nya dito. Alam nyang nahihirapan na ito pero hindi pa sya nakokontento. Saka palan

