--------- ***Third Person's POV*** - Agad na inihinto ni Denver ang kotse sa hindi kalayuan ng apartment ni Melody, sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga. May inutusan sya para alamin ang tinitirhan ng asawa nya at aminado sya na hindi talaga madali hanapin ang lugar. Masyado itong nakatago at ang layo pa ng mga kapitbahay. Halos isang oras nga syang paikot- ikot sa lugar na ito, mahanap lang nya ang apartment ni Melody. Isinuot nya ang jacket nyang may hood. Itinakip nya sa ulo nya ang hood dahil medyo mahamog. Bahagya kasing umulan kanina na dumagdag sa paghihirap nya para hanapin ang tinutuluyan ng asawa nya. Mabuti nalang at huminto narin ang ulan. Hindi ba natatakot si Melody sa lugar na ito? Meron lang isang poste pero medyo malayo- layo din dito. Kung hindi maliwanag na si

