------- ***Melody's POV*** - "Magkikita pa tayo! You will regret this. No one makes me felt inferior and get away with it." galit na galit na sabi ni Rosie sa akin, mapanganib ang titig na pinakawalan nito sa akin, bago ito nagmartsa para iwanan na ako. Nasundan ko ito ng tingin. Nag back out bigla, takot sigurong mapahiya. Aminado ako na kung katulad palang ako sa dating Melody, baka nanginig na ako sa takot. May pagkatulad pala ang ugali nina Rosie at Melany, ayaw ng mga ito ang malamangan. Napagtanto ko na wala pala akong kahit ano na alam kay Rosie. Bigla nalang itong ipinakilala ni mommy sa akin na pinsan ko daw. Kanino kayang anak si Rosie? Nang umalis si Rosie, nawalan na rin ako ng gana para dito sa restaurant na ito kumain kaya napagpasyahan ko na umalis na. Marami pa naman

