--------- ***Hera's POV*** - "Hindi ko alam kung saan ipinaglihi ang babae na yon sa kakapalan ng mukha, ang tigas talaga ng apog, pati konsensya ay napakatigas. Hindi ba talaga inuusig ng konsensya ang Cherry na yon." kuyom na kuyom ang kamao ko habang sinasabi ito, kaharap ko si Myla. "Minumulto na nga. Tinakot ko na nga. Hindi pa rin umaamin sa kasalanan." "Yan ay dahil pa- victim ang babaeng iyon. Hindi talaga iyon makokonsensya dahil never yong aamin sa kasalanan nya kung wala syang ibang sinisisi kung bakit sya nakagawa ng kasalanan. Maliban pa dito, masyadong pa- perfect ang tingin nung sarili, mabuting tao at malapit sa panginoon dahil laging nagsisimba at nagdo- donate sa simbahan. May mga tao talaga na katulad kay Cherry Blossom na ginagamit ang pagtulong daw sa simbahan para

