--------- ***Third Person's POV*** - Hindi mawala- wala ang ngiti ni Draeven, para syang tanga na nakatingin sa kawalan, habang hanggang tenga ang ngiti nya. Sino naman kasi ang hindi matutuwa kung nagising sya kanina na nakayakap sa asawa nya? At dahil mas nauna syang nagising dito kaya hindi sya nasipa nito. Para nga syang nakalutang sa ulap kanina nang magkasama sila nito at inihatid nya ito sa trabaho. Masungit pa rin ito sa kanya pero hindi naman sya inaaway nito. Pag magpatuloy ito, isang araw lalambot din ang puso nito sa kanya. Kanina pa sya nasa loob ng opisina pero hindi pa rin nya magawang simulan ang trabaho nya dahil sa laman ng isip nya ang asawa nya. Para pa rin syang nakalutang sa ulap ngayon. "D- Draeven!" Napapitlag sya dahil sa malakas na pagsambit sa pangalan nya

