--------- ***Third Person's POV*** - Kabubuka lang ni Cherry ng mga mata nya pero mabilis nyang nasara muli ang mga ito, sabay sigaw nang mukha ni Hera ang sumalubong sa paningin nya. Akala ba nya hindi na magpapakita sa kanya ang kaluluwa ni Hera. "Tumigil ka nga dyan!" anito, pati boses nito ay parang kay Hera din. "Ang arte mo na nga, para ka pang tanga." Naibuka nya muli ang mga mata. Tinititigan nya ito. Hindi ba ito multo? Pero--- bakit kamukha ito ni Hera? "Magbihis ka! Umiihi ka sa damit mo. Tanga!" Hindi nya pinansin ang sinabi nito dahil nakanganga pa rin sya ngayon. Hindi sya makapaniwala na nasa harapan nya si Hera. Si Hera ba talaga ito? "S- Sino ka?" "Hindi mo ba ako kilala? Nagka- amnesia ka ba?" Mabilis syang napabangon. Kung kanina, takot sya, ngayon, galit na

