------ ***Melody's POV*** - Isang sulyap muna ang ginawa ko sa isang mala- palasyong tahanan na ilang buwan inakala kong tahanan ko. Ilang buwan din akong walang maalala na kahit ano tungkol sa akin, at sa mga nakalipas na mga araw, unting- unti bumabalik sa alaala ko, at kagabi nga, naalala ko na lahat. Ang naging buhay ko simula pa nung bata ako, ang kakambal ko na Melany ang pangalan. Ang pagkawala ng pagmamahal ng mga magulang ko sa akin dahil sa ako ang pinagbintangan nila na pumatay sa kapatid ko. Hanggang sa lumaki ako na uhaw sa pagmamahal ng pamilya ko, na tanging kakampi lamang ang kakambal ko pero ito pala ang nagtaksil sa akin sa simula pa lang. I am having a one-night stand with a stranger billionaire, and he got me pregnat. Nagbunga iyon ng isang batang lalaki na pinanga

