-------- ***Third Person's POV*** - "Ano ba? Bitawan nyo ako! Bitawan nyo nga ako!" galit na galit na sabi ni Melody sa mga taong nakahawak dito. Nagpupumiglas ito at nagpumilit na kumawala sa mga ito. Napatigil naman ito sa pagpupumiglas nang tuluyan itong nakapasok sa loob ng kwarto na pinagdalhan nito. Palipat- lipat ang tingin nito sa kanilang lahat lalo na sa kanilang dalawa ni Garreth. "Anong ibig sabihin nito?" "Ikaw ang tinuturo ni Aling Cora na syang mastermind sa paglason sa anak ko." galit nyang sagot. "Sabihin mo ngayon, sya ba ang nag- utos sayo Aling Cora?" "H- Ha! H- Hindi----" tila nagdadalawang isip na ang matanda. "Sinabi mo kanina na si Melody ang nag- utos para lasunin ang anak ko." "Oo p- pero-----" "Ano ba yang pinagsasabi mo Denver? Nagpaniwala ka na naman.

