***Third Person's POV***
-
"Hanggang kailan ako magtitiis? Saan na yong ipinangako mo sa akin na kukumbinsihin mo si Hera na hiwalayan ako pag napatunayan ko na sayo na karapat- dapat akong CEO sa kompanya mo?" ito agad ang sinabi ni Draeven sa Lolo nya. Naabutan nya ito sa study room ng bahay nito.
Sinadya nya itong puntahan dahil hindi na nya kaya. Nababagot na sya. Gusto na nyang tuparin nito ang ipinangako nito sa kanya. Sa araw- araw na kasama nya si Hera at asawa nya ito, mas lalong bumibigat ang loob nya. Mas lalo lang titindi ang galit nya para sa babae. Ayaw nyang tuluyan mababalot ang puso nya ng pagkamuhi para kay Hera dahil minsan na rin nya itong naging kaibigan at naging mahalaga sa kanya. Gusto nyang isalba ang kunting porsyento na pagpapahalaga dito dahil narin sa naging karamay nya ito noon. Dahil kung magtagal pa ang pagsasama nila ni Hera, baka ang kunting porsyento na yon ay tuluyan nang mawala.
Hindi sumagot ang Lolo nya, bagkus nakatingin lang ito sa kanya.
"You said you will convince her later to annul our marriage. Na pag magawa ko na ang gusto mo, na pag mahuli ko na ang puso ng board, at malaki na ang tiwala nila sa akin, ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mapawalang- bisa ang kasal naming dalawa. Saan na ang ipinangako mo sa akin?"
"Draeven, do you really want to annul your marriage?"
"Oo. Halata naman siguro Lolo. Pupunta ba ako ngayon dito kung hindi? Ginawa ko ang gusto mo. Hindi ko sya ginalaw. Na kung ayaw ko syang makasama habang buhay, hindi ko sya gagalawin kahit isang beses lang."
Isang bugtong- hininga ang pinakawalan ng lolo nya.
"Nag- alala lang kasi ako kay Hera. What will happen to her after? Why you asked her to stop studying?"
"I am just testing her. Desisyon parin naman nya ang masusunod sa huli. Tulad ng, ilang beses akong nagmamakaawa sa kanya para wag lang akong pakasalan, pero sya parin ang nasusunod sa bandang huli. Kung masunurin naman pala sya, sana sinunod nya ang gusto ko sa simula pa lang."
"Iyan ba talaga? Talaga bang pinili mong pakasalanan si Hera dahil sa kagustuhan nya? O talagang naenganyo ka sa mga bagay na pwede mong makuha pag pinakasalan mo si Hera? Alam mong hindi ka maghihirap pag hindi kita mapagmanahan, you could still get a legacy from your father, pati na sa mga naiiwan ng lola mo. Yong sariling akin lang naman ang wala kang makukuha. Draeven, you have to accept the real reason why you married Hera. My offer is so enticing. Tama ba ako?"
Napaurong sya sa sinabi ng abuelo. Tama naman ito. Talagang naaakit sya sa mga pwede nyang makuha pag naging asawa nya si Hera. Hera's late grandfather was a very good businessman, maraming rumispeto dito. Kahit wala na ito, nakaka-attract parin sa mga investors ang pangalan nito. Aminado sya, dahil sa naging asawa nya si Hera kaya madali sa kanya ang makakuha ng mga investors sa sariling business na itinatag nya. Sa loob ng isang taon, nagkaroon sya agad ng dalawang sariling negosyo na syang kay hirap nyang ma- accomplish noon kahit pa may kakayahan sya. Kahit dala kasi nya ang pangalang Montenegro, hindi parin madali ang maging anak sa labas. Hindi mapigilan na maikumpara sya sa mga kapatid nya lalo na kay Denver na pareho ang interest sa kanya. Mas marami pa rin ang pabor kay Denver dahil laking mayaman ito at bata palang ay napagkitaan na sa galing sa pagiging negosyante.
He was already 20 years old nung naging bahagi sya ng mga Montenegro. Pinaaral nga sya ng ama nya sa isang sikat na paaralan pero bago sya naging Montenegro, hindi parin maganda ang kanyang educational background dahil hindi sya galing sa mga sikat na paaralan, isang bagay na lamang na nya ang kapatid sa ama. Hindi din maganda ang record nya bilang estudyante dahil mas pinahalagahan nya noon ang paghahanap ng pera kaysa pag- aaral. Pag wala kasi silang pera ng nanay nya para ibigay sa lasenggero nyang stepfather, bubugbugin nito ang nanay nya. Gusto nyang lumaban noon pero ayaw ng nanay nya na ipagtanggol nya ito. Kaya wala syang nagawa noon kundi ang lihim na umiiyak at nagngitngit ang kalooban sa sobrang galit habang sinasaktan ang nanay nya. Ayaw iwan ng nanay nya ang ama- amahan nya dahil wala daw silang mapupuntahan. Ayaw naman nyang iwan ang nanay nya.
Alam nyang mayaman ang tunay nyang ama at pinangako nya sa sarili noon na balang araw, pagsisihan din nito kung bakit sila inabandona ng nanay nya. Magtatagumpay sya at yayaman sya ng mas higit pa dito. Kaya nung natagpuan na sya ng sariling ama, kahit pa napopoot sya dito at sa buong pamilya nito, hindi sya nagdadalawang isip na sumama sa mga ito. Kailangan nya ang kayamanan ng ama para panimula sa tagumpay nya. Kailangan din nya ang pera ng ama para mahanap ang nanay nya na nawawala. Nabaliw kasi ang nanay nya at nakatakas ito. Hanggang ngayon nga, hindi pa nya ito nakikita. Pero naniniwala sya na buhay pa ito.
Akala nya madali lang sa kanya ang makapasok sa corporate world sa sarili nyang sikap kung isa na syang Montenegro pero ang katotohanan na isa syang bastardo na may hindi magandang background, minsan na din kasi syang nakulong dahil sa pagnanakaw, ay syang balakid sa kanya. Alam nyang matalino sya, magaling, determinado at pursigido. But the painful truth is, people judged you based on your background not on your skills and determination. Kaya nung inilapag ng lolo nya sa harapan nya ang mga magagandang bagay na pwedeng mangyari sa kanya pag maging asawa nya si Hera, aminado syang natutukso talaga sya sa mga ito. Nakikita nya si Hera bigla bilang isang kasangkapan para umangat sya. Sinabi ng lolo nya na sya ang maging CEO ng kompanya at madali na nyang makuha ang maraming oppurtunity na gusto nya pag magawa nyang iangat kahit sa 10% ang kita ng kompanya. Ito na ang pagkakataon nya para mapatunayan ang sarili at nagtagumpay nga sya. Pinili man nyang pakasalan si Hera pero nangako sya kay Cherry na tatapusin din nya agad ang pagsasama nila ni Hera. Kunting panahon lang ang hinihingi nya sa kasintahan.
Nagplano na sila ni Cherry nung ang tumakas, mahal nya si Cherry, nakikita nya dito ang mga katangian ng ina nya. Selfless at mapagtiisin. Lahat ng mga pangarap nito ay para sa kinabukasan ng pamilya nito sa probinsya. Hindi mayaman si Cherry at gusto nya ang isang tulad nito na hindi sya ma-intimidate. Si Hera ay kabaliktaran kay Cherry, pakiramdam nya kay Hera ay laging angat sa kanya. Na kaya syang durugin nito kung saka- sakali. Hindi din nya nakikita dito ang mga katangian na hinahanap nya sa isang babae. At alam nya kung bakit? Dahil kailanman, hindi naranasan ni Hera ang maghirap na katulad nilang dalawa ni Cherry. Hera was born with a silver spoon. At alam nyang hindi magiging masaya ang pagsasama nila dahil hindi sila pareho ng kinalakihan. Kailanman, hindi maintindihan ni Hera ang hirap na pinagdaanan nya dahil sa lumaki ito na hindi pinu- problema ang pera. Katulad lang din si Hera sa mga kinaiinisan nyang mga mayayaman. Sinadya din talaga nya na wag paaralin si Hera dahil natatakot sya na baka pag makatapos na ito, ito ang pipiliin ng board para maging CEO ng kompanya. Pareho lang ang laki ng share ng mga lolo nila at kahit patay na ang lolo nito, inaalagaan ng lolo nya ang share ng lolo nito.
"Why you stiff? Is it because that I'm right?"
Nabalik ang atensyon nya sa abuelo.
"Yes. I admit. I am using my marriage to Hera for my own convenience. That I got enticed of all those advantages of marrying her, but it doesn't mean that I am happy. Nakakasakal ang bawat araw na kasama ko si Hera at asawa ko sya. At ngayon na nagawa ko na ang gusto mo at napatunayan ko na sayo ang sarili ko bilang karapatdapat sa posisyon na ibinigay mo sa akin, dapat mo narin tuparin ang pinangako mo sa akin. Na ikaw mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kaming dalawa."
"Pasensya na, I thought you can learn to love her, na ngayon, asawa mo na sya. So nagkamali pala ako."
Sandali syang napanganga sa sinabi ng lolo nya. Buong akala pala talaga nito na mamahalin din nya si Hera.
"Oo. Nagkamali ka. Pinakasalan ko si Hera para gamitin hindi para mahalin. May pinangakuan na ako na mamahalin at wala sa plano ko na palitan si Cherry sa puso ko." madiin nyang sambit sa abuelo nya.
"So tama pala talaga ang inakala ko. That you are just a user. Hindi talaga kasalanan lahat ni Hera kung bakit nakasal kayong dalawa, meron ka rin kasalanan. At mas matindi ang kasalanan mo dahil ginamit mo lang sya habang nagmamahal lang naman sya sayo." sabay silang napatingin ng abuelo sa nagsasalita. At ang kinaiinisan nyang kapatid ang sumalubong sa paningin nya. Si Denver."And grandpa, how could you let this man used Hera? Akala ko pa mahalaga sayo si Hera?" baling nito sa abuelo nila.
Naikuyom nya ang kamao. Talagang pakialamero ito lagi
"Ano naman ang pakialam mo?"
"Pakialam ko? Mahal ko si Hera. Sapat na sagot na ba yan sayo?"
Hindi sya nakahuma sandali dahil sa diretsong sagot nito.
"If you love her, don't worry malapit ko na rin syang hihiwalayan. Ginamit ko lang naman sya. Kung gusto mo syang saluhin. Fine. Saluhin mo ang pinagsawaan ko." pang- uuyam nyang sabi dito. Ngumisi pa sya.
Hindi nya napaghandaan ang gagawin nito, biglang syang sinuntok nito. Sapol ang pisngi nya sa ginawa nito. Muntikan na syang matumba kung hindi lang sya nakahawak sa mesa.
"You right, plano ko ngang saluhin si Hera. Wala akong pakialam sa sinasabi mo na pinagsawaan mo na sya. And I can't wait sa paghihiwalay nyong dalawa. Oras na ako na ang nagmamay- ari kay Hera, ipinangako ko sayo na hindi ka na makakalapit sa kanya kahit kailan at kahit dulo ng daliri nya ay hindi mo na mahahawakan pa. Remember that, bro."
Sya na naman ang nainis ng sobra sa sinabi ng kapatid kaya sinuntok din nya ito. Magsusuntukan pa sana sila nang pumagitna ang lolo nila.
"Ano ba? Tumigil na kayo! Hindi nyo na ako ni- respeto." galit na sabi ng lolo nila. "Masyado akong dismayado sa inyong dalawa."
Nagkasukatan sila ng titig ni Denver. Alam nyang tulad nya, gusto pa nitong suntukin sya. Hindi sila malapit ni Denver, mas malapit sila ni Kendrick na bunso.
Inayos ni Denver ang suot nitong polo, bago magsalita.
"Lolo, ayusin nyo agad ang annulment nina Draeven at Hera. I can't wait to marry Hera. I can't wait to prove this asshole that I am not only a better man than him, but I am also a better of everything. You can marry Cherry bro, and I will prove it to you that I have the best wife in the world. And I can't wait for you to realize kung ano ang ipinagpalit mo sa isang mabuting asawa na tulad kay Hera. If that time comes, pagtatawanan lang kita."
Huling sinabi nito saka ito humakbang paalis. At hindi mapipigilan ang nanlilisik na titig nya sa papalayong bulto ng kapatid.