***Hera's POV***
-
"Draeven, anong nangyari sayo? Bakit nangingitim yang ilalim ng mga mata mo? Nakikipag- away ka ba?" tanong ko agad kay Draeven pagpasok palang nya sa bahay namin. Nakaramdam agad ako ng pagkaalala para sa asawa ko.
Itinaas ko ang aking mga kamay para sana haplusin ang nangingitim na bahagi ng mukha nya pero tinampal nya agad ang kamay ko.
"Don't you dare to touch me, Hera. Kung ano man ang plano mo ngayon, wala kang karapatan na gawin iyan." hindi man pasigaw ang boses nya pero alam kong galit sya. Galit na galit sya.
"I am your wife, Draeven!" hindi ko napigilan sambit.
"Wife?" pagak sya na napatawa. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Nung ipinangako ko sa harap ng altar, sa harap ng pari, sa maraming tao at syempre sa harap ng panginoon, kung kaharap nga natin ang panginoon ng araw na yon? That I won't look at you as my wife. You are just nothing to me, Hera. Wala kang karapatan sa akin."
Nasaktan na naman ako sa sinabi nya. Lahat ng sasabihin nya para sa akin ay laging humihiwa sa puso ko. Pero kahit pa man ganito, wala parin sa plano ko ang sukuan sya. Mainit lang siguro ang ulo nya kaya ganito sya makapagsalita. Wrong timing lang ako sa pag- approach ko sa kanya. Ito ang ipinasok ko sa isip ko para hindi ko na masyadong dibdibin ang sakit.
Pagkatapos nya itong sabihin, agad nya akong nilampasan at pumanhik na sya sa itaas na bahagi ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang sundan na lamang sya ng tingin.
Nakaupo ako sa sofa, halos 30 minutes na ang nakakalipas pero walang Draeven na bumaba kaya napagpasyahan kong pumanhik na rin sa itaas na bahagi ng bahay. Tanghalian na kasi at hindi pa kumakain ang asawa ko. Nagluto din naman ako, sana magustuhan nya kahit papaano.
Nang nakarating na ako sa kwarto ni Draeven, kumatok ako ng mahina sa pinto nito. Pero halos isang minuto na ang nakakalipas, hindi parin ako pinagbuksan ng pinto ng asawa ko. Hinawakan ko ang doorknob at maingat kong pinihit ito. Hindi pala naka- lock ang kwarto ng asawa ko kaya naglakas- loob akong buksan ito.
Pagbukas ko, sumalubong sa paningin ko ang nakahiga sa kama na si Draeven. Mukhang natutulog ito. Saan kaya ito nanggaling at nakipag- away pa ito? Para kasing pagod na pagod ito. Hindi ko napigilan at pumasok ako sa loob ng kwarto ng asawa ko at awang- awa ako dito dahil sa sobrang nangingitim talaga ang ibabang bahagi ng isang mata nito. Kanino ba kasi ito nakipagsuntukan?
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Mabilis akong bumalik sa kusina, kinuha ko ang cold compresser at nilagyan ko ng maliliit na ice cube ang loob nito. Pagkatapos ko itong gawin, agad akong bumalik sa kwarto ni Draeven. Kailangan kong e- cold compress ang nangigitim na bahagi ng kanyang mata para hindi ito mas lalong mamaga.
Nasa loob na ako ng kwarto ni Draeven, nakaupo ako sa gilid ng kama nya. Sandali ko muna tinititigan ang guapo nyang mukha. Minsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapatanong kung bakit ko nga ba sya minahal? Sigurado ako na hindi dahil sa hitsura nya kaya ko sya minahal.
Humigpit ang hawak ko sa cold compressor, kinakabahan ako at nagdadalawang- isip sa gagawin ko. Baka magising pa si Draeven at ikagalit pa nya ng sobra ang gagawin ko. Pero kawawa naman sya. Pag hindi ko kasi gagawin ito baka lumala pa ang pamamaga nitong nangigitim sa mukha nya.
Bahala na! Para din naman ito sa kanya. Hindi din naman siguro nya ito ikagalit kung saka- sakali.
Agad kong itinapat ang cold compressor sa nangigitim na bahagi ng mukha nya. Narinig ko ang pag- ungol nya sa ginawa ko. Naramdaman siguro nya ang lamig nito. Mas idiniin ko pa pero naman sya masasaktan sa ginawa ko.
Mayamaya lang, bigla nyang ibinuka ang mga mata nya. At huling- huli nya ako sa ginagawa ko. Mas lalong tumindi ang kabang naramdaman ko. Kunot- noo muna sya na parang pinu- prosesso ng utak nya sa kung ano ang nangyari, saka biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha nya.
"Ano ba?!" galit nyang sabi. He suddenly pushed my hand away. Sa ginawa nya nabitawan ko ang hawak kong cold compressor at natapon ito. Gulat na gulat ako sa ginawa nya kaya laking mata akong napatitig sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ko.
Agad syang napaupo at matalim ang titig nya sa akin.
"What are you doing, huh?"
"Gusto ko lang naman na----"
"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na wag mo nga akong pakialaman. Hayaan mo ako. Nabwe- bweset ako sayo! Bweset ka talaga sa buhay ko! Pabayaan mo nga ako."
"Draeven, ano kasi-----" naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.
"Gusto mo talagang malaman kung bakit ako nagkaroon ng ganito? Dahil sayo kaya ako nagkaroon nito. Dahil sayo kaya kami nag- away ng kapatid ko. Narealized mo na? Talagang kasalanan mo lahat. Bweset! You are nothing but a bad luck to me."
Umalis sya mula sa kama at nakamaywang syang nakaharap sa akin. Matalim ang titig nya sa akin. Ang sakit nyang magsalita. Para akong paunti- unting pinapatay ng mga salitang nanulas sa labi nya.
"At saka next time, wag kang pumapasok- pasok dito sa kwarto ko. Ito na nga lang ang bahagi ng pamamahay ko na hindi kita maalala. Tapos pumasok ka dito na basta;t- basta nalang. Wala kang karapatan na pumasok sa kwarto ko. Lalo na sa kwarto ko dito sa bahay ko. Dahil isang babae lang ang binigyan ko ng karapatan na pumasok dito sa kwarto ko at hindi ikaw iyon. At iyon ay si Cherry lang. Nagkaintindihan ba tayo?"
Tuluyang tumulo ang luha ko. Alam ko naman ito. Pero masakit pala ang marinig ko ito mismo sa labi ni Draeven. Masakit na marinig na wala akong karapatan sa mga pribadong bagay ng asawa ko. Hindi ko na nga pinapansin ang malaking portrait ni Cherry dito sa kwarto ni Draeven para wag lang akong maiyak pero talagang hindi ko mapigilan maiyak sa mga pinagsasabi nya.
Alam ko naman ang buong estorya nitong bahay kung saan kami nakatira ni Draeven. Alam kong pinagawa nya ang bahay na ito para sa kanilang dalawa ni Cherry. Ang kwartong pa ngang ito ay si Cherry ang nagdesinyo. Pati mga kagamitan sa bahay na ito ay si Cherry din ang pumili. Malaki ang kusina dahil mahilig magluto si Cherry. Masarap magluto si Cherry, isang bagay na malayo ako sa babae. Kaya kahit kailan, hindi ko kayang higitan si Cherry sa pananaw ni Draeven. Para kasi sa kanya, wala akong kwentang asawa dahil hindi ko man lang sya kayang ipagluto kahit isang simpleng putahe lamang.
"Wag mo nga akong iniiyak- iyakan dyan na parang sinasaktan na kita, Hera." Tingin ba talaga nya hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi nya. Sana sinampal nalang nya ako, mas kaya ko pa sigurong e- handle ang sakit. "Kung ayaw mong makakarinig ng kahit ano mula sa akin. Wag mo akong pakialaman. Masyado kang maarte. Masyado kang madrama. Can you just get out! Get out now!"
Agad akong tumayo at mabilis na lumabas mula sa kwarto nya. Rinig na rinig ko ang sunod- sunod nyang pagmumura bago ako tuluyang nakalabas.
Pinakawalan ko ang hikbi ko para mabawasan ang paninikip ng dibdib ko. Pagkatapos ko itong gawin, sunod- sunod ang paglanghap ko ng hangin kasi parang kinakapos ako nito. Kinalma ko ang sarili ko.
Pinasok ko ito. Ako mismo ang nagpasok sa sitwasyon ko na 'to. Dapat ko itong panindigan. Dapat akong magtiis dahil ako ang dahilan kaya natali si Draeven sa akin. Umasa ako na balang araw, magkaroon din ako ng puwang sa puso ni Draeven. Kahit kunting pagmamahal lang mula sa kanya, masaya na ako.
-------
Dahil sa sinabi ni Draeven sa akin kaya napagpasyahan kong puntahan si Denver para kausapin ito. Alam ko naman na ipinagtanggol lang ako ni Denver laban kay Draeven pero hindi parin tama ang ginawa ni Denver na suntukin si Draeven, dahil asawa ko parin si Draeven.
"H- Hera, anong ginagawa mo dito?" kunot- noo na tanong ni Denver. Pinuntahan ko sya dito sa condo unit nya. Wala kasi sya sa opisina nya. Mukhang tulad sa asawa ko, hindi din sya pumasok sa trabaho.
"Denver, kakausapin sana kita tungkol kay Drae-----" naputol ang iba kong sasabihin nang nakita ko ang pangingitim rin ng ilalim na bahagi ng mga mata nya. At nakaramdam din ako ng pagkaalala sa kaibigan ko.
Nilakihan nya ang bukas ng pinto ng condo unit nya. Alam kong pinapapasok nya ako sa loob. Close kaming dalawa ni Denver kaya hindi ito ang unang beses na pinuntahan ko sya dito. Minsan, pag malaman kong may sakit sya, pinupuntahan ko sya dito para dalhan ng sopas na sarili kong gawa.
Nasa loob kami ng kusina nya. Nakaupo sya habang nakatayo ako sa harapan nya at hawak ko ang cold compressor at inilapat ko ito sa nangingitim na bahagi ng mukha nya. Hindi ko na kailangan magtanong pa kung paano nya ito nakuha. Alam ko nang nagsuntukan silang dalawa ni Draeven.
"Hindi ka na dapat nakipagsuntukan kay Draeven. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi mo na ako kailangan ipagtanggol pa Denver."
"I'm sorry! Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi naman ikaw ang dahilan kaya nasuntok ko ang asawa mo. Sya mismo. Hindi ko lang nakayanan ang galit ko dahil sa natuklasan ko. He used you, Hera. He is an asshole!" napatigil ako sa ginagawa ko. Hindi ako makakilos.
"Hindi mo kasalanan kung bakit kayo nakasal ng lalaking iyon. Ang totoo nga, ginamit nya ang nangyari para sa pangsarili nyang interest. Hindi ko na ito akala lang, Hera. Rinig na rinig ko mismo sa labi ni Draeven kung paano ka nya ginamit. He used you para maabot nya lahat ng naabot nya ngayon." agad na pagtulo ng luha ko. "Pasensya ka na. I didn't say this to you to hurt you but to wake you up. Gumising ka, Hera. Please, wag kang masyadong magpatanga dahil sa Draeven na yon. Isa lang syang lalaki, Hera."
"M- Mahal ko si Draeven, Denver!" sambit ko.
"Bweset!" galit na sabi ni Denver sabay tayo. Napapitlag ako dahil hindi ko napaghandaan ang galit ni Denver. Ngayon ko lang sya nakita na nagalit ng ganito. "Ano ba ang nagustuhan mo sa asshole na yon, Hera? At baliw na baliw ka sa lalaking iyon? Wala naman akong nakita na kahit ano para masabing mas lamang sa akin ang kapatid ko. Kaya ano, Hera?"
Tama naman si Denver. Marami nga naman syang lamang kay Draeven. Hindi ko nga din alam kung bakit gustong- gusto ko si Draeven. Kung bakit hindi ko magawang ibaling sa iba ang damdamin ko para sa asawa ko. Sinubukan ko naman gawin yan noon, nung nagkamabutihan sina Draeven at Cherry pero hindi ko magawa. Si Draeven lang ang gusto ko. Si Draeven lang ang gustong mahalin ng puso ko.
Awang labi akong nakatingin kay Denver. Hindi ko sya magawang sagutin.
"Dahil ba sa ibinigay nya ang panyo nya sayo noon, nung nagluluksa ka sa pagkamatay ng lolo mo? Paano naman ako Hera? Halos buong buhay mo, kasama mo ako. Lagi akong nandyan pag nadadapa ka noon. Ako ang laging tumutulong sayo para makatayo ka. Pag umiiyak ka, pag nalulungkot ka, laging akong nandito para pasayahin ka. Lagi mo akong karamay mula pa noon. Isang beses lang naman akong wala at yong pa ang pagkamatay ng lolo mo. Kung alam ko lang na darating sayo ang pinakamatinding dagok na yon sa buhay mo, sana hindi nalang ako pumunta sa ibang bansa nung para mag- aral. Hindi sana makalapit sayo ang Draeven na yon. At hindi mo sana sya magugustuhan."
Hindi ko parin magawang magsalita. Nanatili akong nakanganga na nakatingin kay Denver.
"Ako sana. Ako sana ang asawa mo ngayon kung hindi mo nakilala ang Draeven na yon. Ako sana, Hera! Alam ko na ako. Ako ang napili ni lolo para sayo. Ako din ang nagustuhan ng lolo mo para maging asawa mo."
Humakbang si Denver palapit sa akin. Ewan ko pero napaatras ako dahil sa kakaibang titig nya sa akin. Hanggang sa dinding na ang nasa likuran ko. Agad nyang iniharang ang kamay nya sa magkabilang gilid ko.
"He wanted to annul his marriage to you, Hera. Gusto nyang pakasalan si Cherry. Sinabi ko sa kanya na handa kitang saluhin dahil mahal kita. Mahal na mahal kita mula pa noon, Hera! And I always faithful to you kahit hindi mo pinahalagahan ang damdamin ko. Marry me, pagkatapos ng annulment nyong dalawa. Please!Annul your marriage to him and marry me instead."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Denver lalo na nang unting- unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.