***Hera's POV***
-
Bago pa tuluyang malapat ang labi ni Denver sa akin, mabilis kong ipinihit ang ulo ko sa ibang direksyon para maiwasan ko sya. Sa ginawa ko napatigil si Denver sa akmang paghalik nya sa akin.
Hindi ako nagsasalita pero hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa muntikan nang mangyari. Denver wants to kiss me pero ang asawa ko, kahit ang hawakan ako ay tila napakahirap gawin. Parang ikakamatay ni Draeven kahit mahawakan man lamang ako.
"I'm sorry! I'm really sorry, Hera!"
Ramdam ko ang sinseridad ni Denver. Alam kong napagtanto nya ang pagkakamali nya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang palad ko.
"Aalis na ako Denver. Salamat sa lahat. Salamat sa pag- alala mo sa akin pero okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko."
Hindi na nagsasalita si Denver pero umisod sya para makaalis ako mula sa pagkakaharang nya sa akin. Hindi na ako nagsasalita at mabilis akong humakbang at tuloy- tuloy ang lakad ko palabas sa condo unit ni Denver.
Nang nasa loob na ako ng elevator, hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Naalala ko kasi ang mga sinasabi ni Denver sa akin, sa kung gaano nya ako kamahal. Matagal ko nang gustong marinig ang mga katagan na iyon. Marinig ang mga katagan na iyon, hindi mula kay Denver kundi mula kay Draeven. Narinig ko nga pero sa ibang lalaki ko naman narinig. At masakit marinig mula sa ibang lalaki na mahal nya ako gayong hindi ko naman kayang suklian ang pagmamahal nito. I know how painful unrequited love is. At ayaw kong maranasan iyon ni Denver dahil sa akin.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang elevator. Isang pares ng lalaki at babae ang pumasok, sweet na sweet ang mga ito at halos ayaw nang maghiwalay. Pero nanlaki ang mga mata ko nang napalingon sa akin ang lalaking nakaakbay sa isang babae. Actually, parehong nanlaki ang mga mata naming dalawa.
Nasa may lobby kami ni Kendrick. Umalis sandali ang babaeng nakaakbay nya kanina.
"I know what you are thinking?" sya ang unang nagsalita.
Kunot- noo akong napatingin sa kanya. Ayaw ko syang husgahan pero sa nakita ko kanina, hindi ko mapigilan na mag- isip ng masama.
"Are you cheating on Zamera?" diretso kong tanong kay Kendrick.
Si Zamera ay ang asawa nya. Kahit pareho pa silang nag- aaral ni Zamera sa kolehiyo pero ikinasal sila 5 months ago dahil sa nabuntis nya ito. Pero pagkatapos lang ng dalawang buwan na pagsasama ng dalawa, nakunan din ang babae.
"Hindi ko sinasadya, Hera. Pinilit kong pigilan dahil alam kong mali. Pero hindi ko napaglabanan ang mahulog sa iba. I fall out of love to my wife. Gusto ko nang tapusin ang kasal namin ni Zamera. Isang pagkakamali ang pagpapakasal naming dalawa."
"Kailan mo lang nakilala ang babaeng iyon?"
"2 months ago."
"Limang taon kayong magkasintahan ni Zamera bago sya mabuntis, limang buwan naman kayong mag- asawa, tapos hihiwalayan mo sya dahil lang sa isang babae na dalawang buwan mo lang nakilala. Naaawa ako sa kanya. Katulad lang din sya sa akin. Tapat at tunay na minahal kayong magkakapatid na Montenegro pero iiyak lang pala kami dahil sa pagmamahal namin sa inyo."
"I didn't mean it. I didn't mean to unlove her, Hera. Basta nalang akong nagising na hindi ko na sya mahal. Mga bata pa kaming dalawa at pareho lang kaming masasaktan kung ipagpapatuloy namin ito. Someday, makahanap rin sya ng iba na magmamahal sa kanya habang buhay."
Hindi ko mapigilan ang makadama ng awa sa tuwing maalala ko si Zamera. Ngayon palang parang nakikita ko na ang luha nito. Parang ramdam ko na ang sakit na maramdaman nito na katulad lang din sa akin. Hindi man magkatulad ang sitwasyon pero magkapareho lang ang sakit.
"Sana pag- isipan mo itong mabuti, Kendrick. Tandaan mo, kaming mga babae, hindi kami agad sumusuko sa pagmamahal namin sa inyong mga lalaki. Pero oras na sumuko na kami, wala na talaga at mahirap ng ibalik kahit magmamakaawa pa kayo at lumuhod sa harapan namin. Kaya sana pagkaisipin mong mabuti, Kendrick. Sana."
Dahil nakita kong palapit sa amin ang babaeng kasama ni Kendrick kaya hindi ko na hinintay na tumugon si Kendrick sa sinabi ko, mabilis din akong nagpaalaam dito. Hindi ko magawang makipag- ngitian sa babaeng kasama ni Kendrick, dahil sa naalala ko si Zamera at pumapasok na sa isip ko kung paano ito masaktan. Naging malapit na rin sa akin si Zamera at isang nakakabatang kapatid ang turing ko dito. Hindi ko kailanman maisip na magawang saktan ni Kendrick ni Zamera.
Habang nagmamaneho ako pauwi, samu't sari ang laman ng isip ko. Ang nangyari sa aming dalawa ni Denver kanina at ang pagtatapat nito ng pag- ibig sa akin. Alam ko naman na mahalaga ako kay Denver, hindi ko lang lubos akalain na mahal pala nya ako na higit pa sa isang kaibigana. Idagdag pa sa iniisip ko ay ang mga ipinagtapat ni Kendrick sa akin. Kung kailan naging asawa na nito si Zamera saka pa naisipan nito na hiwalayan si Zamera. Talaga bang parang laro lang sa mga Montenegro ang pag- aasawa? Na pwede silang kumawala dito pag gusto na nila, pag nagsasawa na sila?
Lumo ako nang pumasok sa bahay. Pakiramdam ko hinigop ang buong lakas ko nang dahil sa iba't- ibang nangyayari sa akin ngayon at sa mga natuklasan ko.
"Saan ka galing? At ganitong oras ka na nakauwi?" salubong sa akin ni Draeven. Ramdam ko ang galit nya dahil sa tono ng pagtatanong nya.
Gabi nga ako nakauwi. Hindi ako umuwi agad at naglilibot lang ako habang sakay ang kotse ko para maibsan ang bigat ng pakiramdam ko.
"I'm sorry. Hindi na mauulit." ang tangi ko nalang sinabi kasi pagod ako. Lalampasan ko sana sya pero hinarangan nya ako.
"Kinakausap pa kita, wag mo akong talikuran."
"Draeven, pagod ako. Please, gusto ko nang magpahinga. Bukas ko na haharapin ang galit mo sa akin, ang gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga."
"Pagod? Bakit? Ano bang ginagawa nyo ng kapatid ko at napagod ka ng ganyan? Pinapagod ka ba ng husto ng walang hiya kong kapatid?"
Nagtaas- baba ang didbib ko sa galit dahil sa narinig ko sa kanya. Sa isang taon na pagsasama naming dalawa, ngayon palang ako nagalit sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi mo, Draeven. Kung ano man ang iniisip mo, iwaglit mo yan sa isip mo. Mahal kita. Maliban pa dito, kahit magkagalit pa kayong dalawa ni Denver, hindi nya kayang gawin sayo ang iniisip mo. Mabuting tao si Denver at hindi sya walang hiya." nahaluan ko ng galit ang tinig ko.
Sarkastik syang napatawa.
"Mabuting tao? Kung mabuting tao naman pala si Denver, sana sya nalang yong pinili mo at pinakasalan. Hindi sana magka- letseng- letse ang buhay ko ngayon. Sana sya nalang at hindi nalang ako, Hera!"
"Sana nga!" napataas na ang boses ko, hindi ko na rin napigilan ang tuluyang pagtulo ng luha ko. "Sana sya nalang, Draeven. Pero ewan ko kung bakit napakatanga nitong puso ko, at ikaw lang ang gusto nito. Kung kaya ko lang diktahan itong puso ko, si Denver na ang pinili ko at hindi ikaw. Alam kong higit na mas maganda ang buhay ko pag si Denver ang naging asawa ko. Dahil mahal nya ako, hindi katulad mo na ginamit lang ako. Ginamit mo lang ako para sa pansarili mong interest. Lagi mong sinasabi na kasalanan ko kung bakit ka natali sa akin. Oo na. Kasalanan ko. Kasalanan ko na lahat! Pero totoo bang nagka- letseng- letse ang buhay mo dahil sa akin? Marami kang nakuha at naabot dahil sa ikinasal ka sa akin, Draven. Sana wag mong kalimutan ang mga magandang nangyari sa buhay mo dahil sa akin. Hindi si Denver ang walang hiya kundi ikaw. Ikaw ang walang hiya, Draeven." ayaw kong isumbat sa kanya ang mga ito pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong sumabog dahil sa bintang nya sa akin na nakakababa sa dignidad ko.
"Anong sabi mo? Na ikaw ang dahilan sa mga naabot ko ngayon? Pinaghirapan ko lahat. Pinagpaguran ko lahat, Hera. And how dare you to compare me with my brother? Ang ayaw ko sa lahat ay yong ikinumpara ako. At sa lahat, sa kapatid ko pa." galit na galit na rin sya. Parang gusto na nya akong sakalin sa titig nya sa akin.
"Masakit bang makompara kay Denver? Ngayon, alam mo na kung gaano kasakit ang makumpara sa isang tao na syang lagi mong ginagawa sayo. Just accept the fact that Denver is better than you. That he is more capa------" hindi ko natuloy ang iba kong sasabihin nang dumapo sa pisngi ko ang palad nya.
Malakas ang pagkakasampal nya sa akin na halos tumabingi ang mukha ko. Muntikan pa akong matumba pero mabuti nalang at nakapag- balance agad ako.. Mas lalong tumindi ang pagtulo ng luha ko habang nasapo ko ang pisngi ko na nasampal nya. Napakasakit ng ginawa nya sa akin, pero mas masakit dito sa loob ko. Hindi ko lubos akalain na kaya nya akong pagbuhatan ng kamay. Sa lahat ng pananakit na ginawa nya sa akin, ngayon lang nya ako nasaktan ng pisikal.
Magkahalong sakit at galit ang naramdaman ko nang napatingin ako sa kanya. Hindi naman sya nakahuma na parang nagulat din sya na nagawa nya.
Tila mabigat ang loob nya nang napatingin sya sa kamay nya na ginamit nya sa pagsampal sa akin. Lumatay ang pagsisisi sa mga mata nya nang napatingin sya sa akin.
"I'm sorry!" tanging nasabi nya, saka sya tumalikod at iniwan ako. Hindi ko maintindihan ang inasta nya, para syang takot na takot.
Nang nakalayo na si Draeven, tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko lubos akalain na magawa akong sampalin ni Draeven. Aminado naman ako na kasalanan ko. Hindi ko sya dapat ikinumpara kay Denver. Pero nadala lang ako nang bugso ng galit ko. Hindi ko na napigilan at tuluyan akong sumabog.
Samantala....
Sunod- sunod ang paghampas ni Draeven sa manibela ng kotse nya. Sobrang bigat ng pakiramdam nya sa sandaling ito. Hindi nya sinasadyang pagbuhatan ng kamay si Hera. Hindi sya dapat tuluyang nagpadala sa bugso ng galit nya at humantong pa sa pisikal na pananakit nya sa babae. Pakiramdam nya binigo nya ang ina nya, laging ipinaalala nito sa kanya na kahit gaano pa sya kagalit, hindi nya kailanman pagbuhatan ng kamay ang isang babae. Pakiramdam nya naging katulad narin sya ng stepfather nya na syang kinasusuklaman nya.
Napasigaw sya sa sobrang frustration at nasuntok na naman nya ng paulit- ulit ang manibela ng kotse.