Kinabukasan ay nagising ako sa pagsusuka. Tulog pa si Vaughn nang bumangon ako para magsuka, pero paniguradong nagising na 'yon dahil sa bigla kong pagtakbo dito sa banyo. "s**t!" Rinig kong mura niya mula sa labas ng banyo at dali daling binuksan 'yon. Tumambad sa kaniyang paningin ang hitsura kong parang nauubusan ng lakas habang nakaluhod sa harap ng inidoro at sumusuka doon. "Baby, are you okay?" Sinikop niya ang buhok ko at marahang hinaplos ang likod ko. "Yeah," nanghihina kong sambit. Tinulungan niya akong tumayo at finlash ang inidoro. Naglakad ako papunta sa lababo at nagmumog doon. Nakatingin lang sa akin si Vaughn habang may pag-aalala sa mga mata. "I should get an appointment with your OB to check up on you," he said worriedly. Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya, "don

