Mabilis ang lakad namin palabas ng wearhouse. Kahit nanginginig ang mga binti at kamay ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Nauubos na ang lakas ko at pakiramdam ko, ano mang oras ay babagsak ako sa nilalakaran ko. Sa alalay na ginagawa nalang ni Vaughn ang pinagkukuhaan ko ng lakas para makalakad. "Nakatakas si Mrs. Valdez, at kasalukuyang hinahabol ng ibang pulis at mga ka-team ko. Sumunod din si tito Dominic." Imporma ni Blade habang nasa gilid ko siya at nagmamasid. Rinig ko pa rin ang mga nagkakaputukan sa buong wearhouse. Rinig ko ang mga sigaw at utos ng mga kasamahan nina Blade. Hindi ko hinayaang maging sagabal ako kaya pinilit ko talaga ang sarili kong maging matatag sa paglalakad. Kahit nanginginig sa takot ay hindi ko na inalintana ang lahat nang iyon. Hinawakan ko ang kamay

