Lumipas ang ilang linggo habang nasa mansyon kami ni Vaughn. Madalas bumisita si Kyfer dito pero hindi na niya naisasama si Klevan dahil nalaman nina mommy at daddy ang pagpunta sa akin ni Klevan sa hospital. Hindi ko pa rin lubos maisip na kahit sa mga kapatid ko, na tunay nilang anak, ay malupit sila. Maiintindihan ko kung sa akin lang, noon pa man ay tanggap ko nang gano'n sila sa akin, dahil isa lang akong anak sa labas ni mommy. Hindi nila ako matatanggap dahil hindi naman nila ako magkasamang binuo. Isa lang akong pagkakamali. Nabuo ako dahil sa isang gabing pagkakamali. I doubt if I would know who my real father is. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makita. Bakit hindi niya ako nilapitan man lang noon? Makilala ko pa kaya siya? I don't blame him if he wouldn't dare to let

