Naalimpungatan si Suzette nang siya'y magising. Napatingin siya sa bintana. Gabi na, naalala niyang hindi pa pala siya naghahapunan. Nakaidlip siya dahil sa pagod. Tiningnan niya ang sarili. Ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Napakamot siya at agad na tumayo. Bumaba siya. Lumingon-lingon siya sa paligid. Walang bakas ni Carlos. Nasaan na siya? Maybe he's sleeping. Humakbang siyang muli. Binuksan niya ang ref at dinampot ang box ng pizza. Ininit niya ito sa microwave at pagkatapos ay dinala sa sala. Binuksan niya ang T.V at nanood habang kumakain. Maya-maya pa ay narinig niya ang hakbang papalapit sa kinaroroonan niya. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. "Can I join you?" Tumango siya bilang sagot. May bitbit rin pala itong pagkain. "Nag-order ako kanina before ako

