Nang makabalik sila mula sa Business trip ay marami ang nagbago. Muling nabuhay ang dati niyang pagtingin kay Suzette. Kahit pa masyadong maiksi ang dalawang araw para makasama ito ay mas nakilala niya pa ng husto ang dalaga. Gaya ng dati, isang simpleng babae na dapat niyang bigyan ng halaga. Nagkaroon siya ng balak na muli itong ligawan. Sana man lang sa pangalawang pagkakataon ay hindi na siya nito ireject. Naalala niya kung paano siya nasaktan noon sa sagot nito nung ligawan niya ito sa high school. Buong akala niya ay magiging sila subalit taliwas ito sa nangyari. Kahit pa medyo naiintindihan naman niya ang dahilan nito sa pagtanggi noon sa kaniya ay nanaig parin ang sama ng kaniyang loob. Kaya nga't agad siya noong nagtransfer upang hindi na ito makita pa at agad na makalimutan. M

