Kapitulo 5: Ang Pagtutuos

1603 Words
"Get down! Get down! And move it all around!" Memoryado pa rin nila ang dance steps mula sa mga awit ng mga Backstreet Boys dahil iyon ang madalas nilang sayawin noong mga bata pa sila. "Hinihingal na ako," matamlay na binanggit ni Mike kahit bigay na bigay pa rin siya sa pag-indak. Sumabay na rin siya sa pag-awit doon. "Oh baby you're so fine...I'm gonna make you mine Your lips they taste so sweet..." "Ako rin, pero sampung minuto pa ang kailangan nating tiisin." Gumiling-giling si Francis katulad ng mga macho dancers upang maiba naman ang galaw niya dahil sumasakit na ang kasu-kasuan niya. "Pero parang masusuka na ako sa kakaikot. Pagkatapos nito, matutulog muna ako buong araw!" "Ang sakit na ng tuhod ko," sinambit ni Uno sabay talon sa kanyang kinaroroonan. Nais man niyang huminto ay hindi naman pwede dahil nasa kasulatan na dapat tuloy-tuloy ang pagsasayaw. Kahit huminto lang ng tatlong segundo, back to start na naman kaya sinisikap na nilang makatapos dahil nasa kalagitnaan na rin naman sila ng pag-indak. "Ngayon lang ako sumayaw ng ganito katagal. Sana mabuhay pa ako pagkatapos nito!" "Matanda ka na kasi," pagbibiro ni Wiz habang kumekendeng-kendeng. "Uminom ka ng maraming gatas! Tignan mo ako, napaka-flexible pa rin ng mga buto ko! Pwede pa nga akong mag-twerk, hahaha!" "Matanda ka riyan, utot mo," yamot na tugon niya sa panunukso sa kanya. Beinte-otso pa lamang siya pero kung ituring siya ng mga kasama ay parang senior citizen na."Mas malakas pa kaya ako sa mga bata sa akin!" Pagkatapos ng hit ng Bacsktreet boys na "Get Down" ay sumunod naman ang "If You Wanna Be My Lover" ng Spice Girls. "Hindi pa ba...tapos...ang oras?" habol ang hiningang pagrereklamo na ni Mike na tumatagaktak na rin ang pawis. "Nagugutom na ako sa dami ng calories na na-burn sa akin!" "Kaunting tiis na lang, malapit na," paniniguro ni Wiz. Maya't-maya ay may nakakasilaw na liwanag na nagmula mula sa pintuan. Saktong natapos ang tatlong oras ng kanilang pagsayaw ay biglang nagbukas ang lagusan. Hinigop sila niyon papasok at sila ay nahulog sa isang ilog. Dahil sa lakas ng agos ay muntik na silang nagkahiwalay. Hatak nila ang isa't-isa na nagtungo sa may pampang. Pagod na sila sa kakasayaw kaya hinang-hina na rin silang lumangoy. Namumulikat man ay pinilit ni Wiz na makaabot sa isang sanga na nakalawit sa may tubig. Buong-lakas niyang inabot si Uno na hawak naman si Francis na hatak naman ang pinakabatang si Mike. Inakyat na nilang apat ang puno upang makarating sa pampang. "Sa wakas, nakapasok na rin tayo." Napahiga na lang sa madamong si Mike dahil sa sobrang pagod. "Akala ko ay mamatay na tayo!" Maging ang mga nakatatanda sa kanya ay naubusan na ng lakas kaya nakaidlip na sila. Nang mahimasmasan na ay nagpasya na silang ipagpatuloy ang paghahanap sa duwende. Binuksan ni Mike ang bag upang kunin ang mapa. Sa kasamaang-palad ay nabasa iyon at kumupas na ang mga nakaguhit doon. "Lagot! Nabasa ang mapa!" "Hindi maaari!" sabay-sabay na napabulalas sila. "Sana, napictyuran ko man lang!" nanghihinayang na sinambit ni Uno. "Sino ba naman kasi ang makakaisip na mahuhulog tayo sa ilog?" "Hanap niyo ba ang bahay ng duwende?" paggambala ng isang hindi kilalang nilalang. Napalingon sila sa kinaroroonan ng tinig at nakita nila si Giovanni, isang poging sireno na kasalukuyang nagre-relax sa 'di kalayuan. Hanggang baywang ang haba ng asul nitong buhok na nakatali. Wala man puti ang itim niyang mga mata, kaakit-akit pa rin ang mga iyon dahil mahahaba ang mga pilik at may kapungayan pa. Kung naging purong tao lamang siya ay maaaring maging underwear model dahil sa kakisigan ng pangangatawan nito. Abala siyang kumakain ng sea grass cookies at umiinom ng chamomile tea, kasama ang mga matatakaw na alimangong nakikikain din. Dadamputin na sana niya ang huling cookies na nasa platito pero sinipit naman siya ng hayop upang maagaw ang pagkain. "Aray ko naman!" pagrereklamo niya habang hinahaplos ang namumulang kamay. "Nakikilamon na lang kayo, makikipag-agawan pa!' Kinuha na lang niya mula sa picnic basket ang mga grapes at isinubo isa-isa ang makakatas at matatamis na prutas "Kain tayo," pag-aya niya sa magpipinsan. "May pinya, oranges, watermelon, at mga mangga rito. Pili lang kayo!"  Namangha sila dahil sa nakita nilang kakatwang taong-isda na health-conscious. "Hindi ako makapaniwala! Ngayon lang ako nakasaksi ng isang "sirena"!" napabulalas ni Wiz. Kung kanina ay good mood si Giovanni, napasimangot na siya at uminit na ang ulo. Ilang beses na kasi siyang napagkakamalan na sirena samantalang sireno naman siya. "Lalaki ako," pagpapaalala niya. "Wala naman akong boobs, paano ako magiging sirena?" "Ows? 'Di nga?" hindi makapaniwalang tinanong ni Uno. "Kung ganoon ay nasaan...ang birdie mo?" Mas lalong nayamot ang sireno na extra lang naman sa eksena. Nagmamabuting-loob na lamang siya ay mukhang pagti-tripan pa siya ng mga Semira. Huminga siya nang malalim upang magtimpi pa ng kaunti dahil batid niya na medyo mahirap umintindi ang sangkatauhan. "Kung nasaan din ang nasa inyo," paninimula na niyang magpaliwanag. "Buntot man ng isda ang mga paa ko dapat, katulad niyo rin ako halos." "Nasaan? Bakit flat na flat?" seryosong inusisa ni Uno. Lumapit pa ito at pinagmasdan ang sireno. "Wala naman e!' "E basta, nandiyan lang 'yan! Malamang, hindi ko ilalawit 'yan dahil huhuliin ako ng mga pulis at makakasuhan pa ako ng indecent exposure!" Dahil curious na curious si Uno kung nasaan nga ba ang alagang birdie ng kausap, kumuha siya ng kahoy at akmang susundutin pa sana ang ibaba ng baywang nito kung hindi lang napalo ang kanyang kamay. "Huwag mong tatangkain o magkakamatayan tayo!" nanlilisik ang mga matang pagbabanta ni Giovanni. "Don't touch my birdie!" "OK. Sorry na," may pagkadismayang sinambit ni Uno sabay angat ng dalawang kamay bilang senyales na sumusuko na siya at ayaw na ng away. "Bakit nga ba kasi flat na flat?" binulong pa rin nito sa sarili. Nagtawanan tuloy ang mga alimangong nakikitsismis na rin kung saan nga ba itinatago ng kanilang food sponsor ang manly jewel nito. "Sabi na mga ba, Beh, flat itong si Giovanni," humagikgik na sinabi ng crustacean sa bestfriend niya. "Tama ka, Sis, hehehe!" "Anong sabi niyo? Hindi ako flat!" nanggagalaiti sa inis na sinabi niya. Napatalon tuloy sa gulat ang mga crabs dahil sa lakas ng boses ng kanilang benefactor. "Naitatago lang ng mga kaliskis ko, mga adik kayo! Kung ayaw niyong maniwala, e 'di huwag!" "P-Pasensya na po, Ginoong Giovanni. Ganyan lang talaga magsalita si Kuya Uno pero mabait 'yan," pagsingit na ni Mike upang hindi magalit ang nilalang. "Naliligaw po kasi kami. Alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ng duwende? "Bakit ko naman sasabihin?" panunuplado na ni Giovanni. "E binu-bully nga ninyo ako! Komo ba sireno lang ako, pagtatawanan niyo na ako? Ganyan naman kayo e, ang tingin niyo sa amin, mas mababang uri ng nilalang! Pero may isip din naman kami at damdamin katulad ninyo!" "Hindi ka namin pinagtatawanan," pagsusumikap na ni Wiz na palubagin ang loob nito. Umupo na siya sa tabi nito upang amuin. "Ako na ang humihingi ng paumanhin para kay Uno, may pinagdaraanan kasi. Sorry na talaga, P're, pagsasabihan ko siya para mas umayos makitungo at magsalita." Huminga na nang malalim si Giovanni upang maibsan na ang sama ng loob. Ramdam naman niya na taos-puso ang paghingi ng sorry ni Wiz kaya naisipan na niyang tulungan ang magpipinsan. "Bakit nga ba hinahanap ninyo ang duwende? Magpapagamot ba kayo?" pagtatanong na niya. "Hindi. Kakausapin sana namin para matanggal na ang sumpa sa amin na maging sawi sa love life." "A! Kayo pala ang mga Semira!" "Kami nga!" pagkumpirma naman nila. "Kawawa naman pala kayo," nabanggit ni Giovanni habang pailing-iling. "Kaya pala mukhang galit si Uno sa mundo, mga sawi kayo sa pag-ibig. Balita ko, noong 1800s pa nga kayo minamalas. Sige na nga, tutulungan ko na kayong mahanap siya!" "Talaga?" napabulalas sa tuwa ni Wiz. "Sasamahan mo ba kami?" "Hindi. Ayun lang ang hinahanap niyo, o!" Tinuro ng sireno ang umbok ng lupa na nasa harapan lamang pala nila. "H-Ha?" pagtataka ng apat sa tinuran nito. Napaawang ang mga labi nila dahil hindi sila makapaniwala na katabi lang pala nila ang bahay ng dwende. "Sige na, bye-bye na! Tapos na ang eksena ko rito. Kayo nang bahala. Good luck!" pamamaalam na niya. Gumapang pabalik sa ilog si Giovanni at nawala na sa kanilang paningin. Maging ang mga alimango ay tumakbo na rin pabalik sa kagubatan. Iniwan na kasi sila ng sponsor nila at naubos na rin ang nasa food basket kaya wala ng dahilan upang manatili pa sa piling ng mga Semira. Extra lang kasi si Mister Merman and his pet crabs! Dahan-dahang lumapit ang apat sa nasabing tirahan ng duwende. Nagmasid sila sa paligid upang siguruhin na hindi sila maiisahan nito. Gamit ang extra senses nila, nakiramdam sila sa panganib na maaaring dumating. Rinig ang sigaw ng isang agila mula sa itaas kaya mas lumakas ang kaba nila. Nakiayon pa ang klima dahil kumulog at kumidlat, isang pagbabadya ng unos. Umihip ang malakas at malamig na hangin na nanuot sa basang mga damit ng mga binata. Nilabas na ni Uno ang patalim upang maghanda sa posibleng pakikipagtuos! Ni-ready na rin ni Wiz ang b***l na palaging baon niya bilang self-defense! Inayos ni Francis ang bitbit na busog at palaso upang magsilbing back-up kung hindi tumalab ang patalim at bala sa mapanganib na nilalang! Si Mike naman ay... Dinukot mula sa kanyang bulsa ang tirador! Baka raw ang bato mula rito ay umepekto na kung hindi successful ang patalim, bala, at palaso. "Hoy! Anong ginagawa niyo sa harap ng bahay ko?" Nagulat sila sa narinig na tila ba ay boses ng isang... Babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD