Sinilip ni Prinsipe Dronno ang mukha ng natutulog na dalaga sa tabi niya. Nakayakap pa rin siya kay Kaira na tila ayaw niyang bitiwan. Maingat na lang niyang hinila ang kumot para hindi ito lalamigin. He thought he could get used to sleeping with her like this. Napangiti tuloy siya sa sarili sa isiping ito saka hinalikan niya nang masuyo at banayad ang buhok ng babae na sobrang bango. Muli ay lumipad ang isip niya patungo sa kalawakan. Nag-aalala pa rin siya kung ano ang nangyayari sa Pleretath at sa mga Pleretathian na nagtatago sa kaibuturan nito. Siguro naman ay hindi alam ng mga Vodruteran na nagtatago roon ang mga mahihinang Pleretathian. Ginawa nilang taga-Weitthera ang taguang iyon para sa ganoong sitwasyon. Sana nga lang ay hinding-hindi iyon matutunton ng mga kalaban. Siguro kun

