Nang makaalis na si Kaira papuntang trabaho ay ngumisi si Prinsipe Dronno na nakatingin kay Ublli. Kasalukuyang nakapatong sa mesa sa may hapag-kainan ang kanyang alagang chamronia. “Prinsipe Dronno, may nangyari bang maganda sa ‘yo?” tanong nito sa kanya bago pa siya makapagsalita ng iuutos dito. Agad na bumalik ang kanyang isip sa nangyari sa kanila ni Kaira kagabi. Buti na nga talagang hindi nasaksihan ni Ublli iyon lalo na’t nakatihayang natulog ito sa tabi nila habang may ginagawang milagro. “Huwag ka nang magtanong. Wala ka na roon. Ngayon, kopyahin mo na ang cell phone ni Kaira at tatawagan ko si Easton.” Ngumisi si Ublli bago ito nagbagong-anyo. Nag-dial na siya sa numero ni Easton na memoryado niya nang ibinigay nito. “Isa lang ang puwede mong gawin para sa akin para hindi ki

