“Dronno—” “Ayaw mo na ba kaming makasama?” agaw nito, nagbabaga ang asul na mga mata. Lumunok muna siya bago sumagot. “Hindi naman sa gano’n. Naitanong ko lang. Ayoko lang kasing… biglang sorpresahin mo balang araw na aalis na nga kayo,” turan niya at napababa ng tingin. “G-gusto ko lang na makapaghanda ako kapag aalis na nga kayo dahil alam ko naman ‘yong responsibilidad mo sa planeta n’yo ni Ublli, eh.” Nag-angat siya ng kanyang paningin at hindi niya alam kung bakit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Ngunit wala na si Dronno sa tapat niya. Sa halip ay nakaluhod ito sa isang tuhod sa tabi niya at saka bigla siyang niyakap nang mahigpit. Tuloy ay napaluha na lang siya, walang pakialam kahit na nakamasid si Ublli at ini-record iyon. “Hindi pa kami aalis ni Ublli, Kaira,” ang turan ng

