“Wow! Mukhang may bigatin kang sundo, ah, Kaira,” pansin ni Rina na kasamahan niyang empleyado sa pawnshop. Uwian na sa mga oras na iyon. “Bakit mo nasabing ako ang sinusundo niyan?” Sumulyap pa siya sa magarang kotseng huminto sa tapat ng pawnshop. Nakita nila ito mula sa salaming bintana. Napansin niyang nakitingin din si Jeff sa labas ng shop nang marinig ang sinabi ng kasamahan sa trabaho. Ini-lock pa ng guwardiya ang shop pagkatapos mai-check ang lahat. Siya naman ay muling napatingin sa isang asul na kotse na naghihintay sa tapat mismo ng shop at umibis ang naka-man bun na si Prinsipe Dronno. Nakatingin pa ito sa kanya nang husto at agad na lumapit nang makalabas na siya. “Ikaw ang tinitingnan niya kanina pa!” sabat ng isa pang kasamahan nila na may himig pambubuyo. “Kitang-kita k

