Napatitig si Kaira sa prinsipeng alien. He looked so serious. Parang kinilabit nito ang puso niya. Kahit paano ay nasu-sweet-an siya sa ginagawa nito para sa kanya. He was thoughtful. Ayaw nitong magkaroon siya ng problema sa mga magulang niya kapag darating na ang mga ito kaya nga ito bumili ng sariling bahay. At lahat ng ito ay para sa kanya. She was totally into him now. She was moved by this, by his efforts, not because of the material things he wanted to give to her. “I-it’s really sweet of you, Dronno. Pero… dapat hindi mo na ‘to ginawa pa para sa ‘kin. H-hindi ka naman magtatagal dito at babalik ka na rin sa Pleretath. Kaya… ano pang silbi ng bahay na ‘to?” Napayuko pa siya pagkasalita. Parang kumirot ang puso niya habang napapaisip na mawawala rin ito sa buhay niya sa mga darati

