CHAPTER 30 JEALOUSY

1990 Words

"Pasok," said ko nang marinig kong may kumatok sa pinto. Kasalukuyan kong binabasa ang isang file ng aking pasyente at hindi ko man lang tinignan kung sino ang pumasok nang marinig kong bumukas ang pinto. Tahimik sa loob kahit na naririnig ko ang yabag ng taong pumasok. Nagtaka ako dahil kung isa sa mga nurse ay agad na itong magsasalita. Nagsalubong ang aking kilay nang mukha ni Jack ang bumungad sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Malapad pa itong nakangiti habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa at ginagala ang tingin sa loob ng aking opisina. "Maganda rin pala ang office mo, maayos at malaki. Hmm, pwede na rin," sabi niya habang tumango-tango pa. Tumaasa ang aking kilay, "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Dinadalaw ka. Bakit bawal ba?" sabi niyang hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD