Araw ng linggo, niyaya ko sina Nikki at Nathalie mamasyal kasama ang kanilang mga anak. At siyempre, nagmukha akong chaperon kahit na ako ang may pasimuno. Mabuti na lang din at pumayag ang kanilang mga asawa na isama ang kanilang mga anak. Ayaw rin kasing iwan ng aking mga kapatid ang kanilang mga anak sa katulong kahit na tiwala na sila sa mga ito. Baka may mangyari raw na hindi maganda at wala sila sa tabi ng kanilang mga anak, kaya mas mabuting isama na lang nang sa gayon ay makalabas naman ng bahay ang mga chikiting. Habang naglalakad sa mall ay nakahawak sa aking kamay si Erinn. Mas malapit kasi ang batang ito sa akin kaysa dalawang lalaking kapatid niya. Hawak naman ni Nathalie sina Finn at Gavinn at si Nikki naman ay ang kaniyang Unico ijo na si Zacki. Nagyaya sina Nikki at Nath

