"Good morning, Doc, may nagpapabigay po nito sa inyo." inabot sa akin ng guard ang isang magandang vase na may fresh white tulips. Halatang bagong bili lang iyon sa flower shop at talagang buhay na buhay pa ang binigay sa akin. "Are you sure?" tanong ko baka kasi nagkamali lang siya at hindi pala ito para sa akin. "Pangalan niyo po ang sinabi nu'ng lalaki at wala naman pong ibang Ashley Fuentebella rito." magalang na sabi ng guard. Tumango-tango ako. Inilagay ko muna sa aking bag ang hawak kong cellphone bago kinuha ang bulaklak kay kuya guard. "Kilala niyo po na kung sino ang nag-abot nito sa inyo? Namumukhaan niyo po?" muling tanong ko. "Hindi po, maam, dahil ngayon ko lang po siya nakita rito. Mukha nga po siyang Hollywood star. Hindi niyo po ba iyon boyfriend?" Usisero rin pala

