CHAPTER 9 UNEXPECTED VISITOR

1941 Words
"Sino ba itong kay aga-aga na nagdo-doorbell?" narinig kong sabi ni Ate Amor pagbaba ko sa sala. Nakita ko pa siyang kumakamot sa kaniyang ulo habang hindi maipinta ang itsura. Wala kasi kaming inaasahang bisita tuwing linggo at ang madalas namin gawin ni Ate Amor ay ang mamasyal sa mall at bumili ng kung anu-ano. Maaga akong nagising kahit na wala naman akong pasok, palibhasa kasi maaga rin akong nakatulog kagabi kaya nang magising ako ng alas sais ng umaga ay hindi ko na makuha ang tulog ko. Umupo ako sa sala at kinuha ang tasa na may lamang kape. Tinimpla iyon ni Ate Amor bago ako bumaba. Humigop ako nang kaunti at muli itong inilapag. Narinig ko ang yabag ni Ate Amor na pabalik sa kinaroroonan ko kaya muli akong lumingon sa kaniya. "May bwisita ka!" sabi niya sa busangot na mukha. Hindi pa ako nagtatanong kung sino ang tinutukoy niya nang pumasok si Gab sa loob na hawak sa magkabilang kamay ang isang kumpon ng bulaklak at isang box ng pagkain. "Grabe ka sa akin, Ate Amor. Parang hindi mo naman ako kakilala." Rinig kong sabi ni Gab na nag-baby face pa. Narinig pala nito ang sinabi ni Ate Amor. "Hindi naman talaga kita kilala. Ibang Gabriel ang kakilala ko noon." irap naman ni Ate Amor. "Ako pa rin naman 'yung dating Gabriel, Ate Amor. 'Yung mabait at gwapo na lagi mong kabiruan." sabi naman ni Gab na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi. "May kulang yata sa sinabi mo? Hindi mo ba alam na ikaw 'yung mabait, gwapo, bolero, babaero, at manloloko." Dagdag na sabi ni, Ate Amor habang kumukumpas ang daliri sa ere. Napangiwi ako sa narinig ko kay Ate Amor. Hindi ko kasi inaasahan na sabihin niya 'yun kay Gab. Oo, alam ni Ate Amor ang naranasan ko kay Gab. Saksi siya sa 'king pinagdaanan. Alam niyang sobrang nasaktan ako sa pag-reject sa akin noon ni Gab kaya ganu'n na lang siguro kung mag-react si Ate Amor nang hindi niya inaasahan na makita ngayon si Gab. "Sobra naman po ang papuring natanggap ko ngayon sa inyo Ate Amor." Sabi ni Gab na pilit na ang ngiti. Nakita ko sa kaniyang mukha na nasaktan siya sa sinabing 'yun ni Ate Amor pero hindi ko rin siya masisisi dahil isa rin si Ate Amor sa saksi sa kalungkutan ko dahil sa sakit at lungkot ko noong panahon na harap-harapan akong ni-reject ni Gab. "At saka wala naman akong nilokong tao lalo na si Ashley." Dagdag na sabi pa ni Gab. "Sabihin na natin na wala kang niloko, pero may sinaktan ka. Sabagay, diyan naman magaling ang mga katulad mo, kunwaring caring, malambing at mabait pero bandang huli paaasahin ka lang pala at iiwan sa ere na para bang walang nangyari." pagtatanggol pa rin ni Ate Amor sa kaniyang sarili. "Eh, mukhang hindi na yata ako ang pinatatamaan mo, Ate Amor. May pinagdadaanan ka siguro kaya mukhang may galit ka sa mundo at sa akin mo binunton lahat." Sabi naman ni Gab na hindi napigilan ang tawa. Napangiti ako nang lihim sa sinabing iyon ni Gab. Nakita ko kasi kung paano umasim ang mukha ni Ate Amor. "Huwag mong ibahin ang sinasabi ko. Kung may galit man ako sa mga lalaki, sa iyo lang iyon hindi iyong nandadamay ka ng matitinong tao. Para sabihin ko sa iyo, wala pa akong nakilalang lalaki na iniwan lang ako nang basta-basta sa ere, 'no!" Salubong ang kilay na sabi ni, Ate Amor. Napapailing na lang ako at simpleng ngumiti dahil parang siya pa ang may problema sa love life kaysa sa akin. Bago pa makasagot si Gab at bago pa ako maging referee sa dalawang ito ay niyaya ko na lang si Gab na umupo. "Akala ko maghapon na tayong tatayo rito. Medyo nangalay rin ang paa ko dun ah," pabirong sabi ni Gab. "Aba't balak mo pa yatang maghapunan dito at gusto mo pang magtagal hanggang hapon?" taas kilay na sabi ni, Ate Amor. "Ate Amor?" sabi ko na lang upang tumigil na siya sa kakakuda. Saglit na tumingin sa akin si Ate Amor pero muling bumalik ang matalim niyang tingin kay Gab. Nang makaupo na si Gab ay umupo rin si Ate Amor paharap sa kaniya na hindi pa rin nawawala ang matalim niyang tingin at naka-kagat labi pa na parang nanggigigil at gustong sumakmal. Habang si Gab naman ay pinagkikiskis ang palad na para bang may nagaganap na tensyon sa pagitan nila ni Ate Amor. Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Gusto kong tumawa nang malakas sa itsura ni Ate Amor. Para itong nakakita ng kaaway na gustong sakmalin. Habang si Gab naman ay maya-mayang tumitingin sa akin na para bang humihingi ng saklolo. "Ahm, Ate Amor?" tawag ko sa kaniya. "Bakit, Ashley?" sagot niya sa akin habang ang mga mata'y kay Gab pa rin nakatingin. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig kay Gab. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi ngumiti sa itsura ni Ate Amor. Kung buwaya lang siguro ito, hiwa-hiwalay na ang katawan ni, Gab. "Ate Amor?" muli kong sabi. "Baka naman gusto mong ipagtimpla ang bisita mo." Ani kong pinagdiinan pa ang salitang 'bisita mo' sa kaniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong lumingon sa akin si Ate Amor. "Malapit na akong tumandang dalaga never pa akong nagkaroon ng bisita rito. Kung si Jack lang siguro ang dumating kahit hindi mo ako utusan, gagawin ko na agad. Pero kabaliktaran kasi ni Jack ang dumating." irap na sabi ni, Ate Amor. Napailing na lang ako sa inasal ni Ate Amor kay Gab. Sa totoo lang, laging nagbibiruan si Gab at Ate Amor dati. Nagbago lang ang lahat nang umpisahan kong magkwento kay Ate Amor sa pag-reject sa akin ni Gab na naging dahilan upang lisanin ko ang Pilipinas at magpalipas ng sama ng loob sa America na inabot na nang ilang taon. "Sinong Jack?" narinig kong tanong ni Gab. "Kahit pa sabihin namin sa iyo, hindi mo siya kilala." muling irap ni Ate Amor. "Jack is Nikki's best friend na crush ni, Ate Amor, from head to toe." simpleng sabi ko. Tumawa si Gab na agad naman inirapan ni Ate Amor. "Ano'ng nakakatawa? Masama ba'ng magkagusto sa mas gwapo, mas mabait, at mas mabango kaysa sa iyo?" taas kilay na sabi niya. "Nope, Ate Amor, actually you have good taste. I hope I will meet Jack, para naman mapatunayan ko kung mas mabango nga siya sa akin." Gab said. "Baka sabihin mo na lang na sana hindi mo na lang siya na meet kasi totoo ang lahat ng sinasabi ko." muling sabi ni Ate Amor. "Then we'll see. Anyway, hindi ako pumunta rito para makipagdebate sa iyo, Ate Amor. I came here for Ashley." "Alam ko, hindi ko rin naman inisip na ako ang dahilan kung bakit bigla ka na lang lilitaw dito na parang multo at magparamdam nang biglaan." Sabi ni Ate Amor at walang sabing tumayo at dumiretso sa kusina. "Pasensiya ka na, mukhang si Ate Amor ang may dalaw." paghingi ko na lang ng paumanhin kay Gab. Ngumiti lang si Gab sa akin at tumango. "Bakit ka nga pala nandito? Iniisip ko na ang nangyari kagabi ang huli na nating pagkikita." Muli kong sabi. Pinilit kong maging kalmado dahil ayaw ko naman na maging rude sa kaniya lalo na't siya ang dahilan kung bakit humihinga pa rin ako hanggang ngayon. I owe him a lot for saving me last night. "Nagkita na pala kayo kagabi?!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ate Amor sa aking likuran. Halos pa sigaw na kasi ang kaniyang pagkakasabi, buti na lang ay hindi ako na patayo sa gulat. "Ano ba, Ate Amor, para kang ipis na bigla na lang susulpot sa kung saan. Don't suddenly scream as if you saw a ghost." inis kong sabi. "Ay, pasensya ka na, Ashley, nagulat lang ako na kahapon pa pala kayo nagkita. Paano nangyari at saan nagtapo ang landas niyo?" kunot noong tanong ni Ate Amor. Curious pa itong umupo sa tabi ko na para bang gustong malaman ang buong pangyayari. "It's a long story to tell, Ate Amor." seryoso kong sabi. "It's okay, I'm willing to listen even if it takes us 365-days." Napataas ako ng aking kilay dahil sa English ni Ate Amor. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata ang simpleng tawa ni Gab. "Parang familiar sa akin ang English na iyan, Ate Amor. Are you dating someone here?" sabi kong nakataas ang kilay pero may konting ngiti sa labi. "Hey! No. Saglit nga, ba't ba ako napapa-English sa inyo." biglang sabi ni Ate Amor at walang sabing umalis na para bang umiiwas sa aking tanong. Umiiling na lang ako dahil pakiramdam ko may nililihim din sa akin si Ate Amor. Although, masaya akong magka-love life siya basta huwag lang siyang lokohin ng taong mahal niya. Lumingon ako kay Gab na nakangiti pa rin. "She's in love. I can see it." Sabi niyang si Ate Amor ang tinutukoy. "I don't think so." kibit balikat kong sagot. "Anyway, bakit ka nga nandito?" muli kong tanong kay Gab. "Maniningil ng utang." Simpleng sabi niya. Nag-isip naman ako kung may utang ba ako sa kaniya pero wala akong maalala. Tumingin ako sa kaniya at inilahad niya sa aking harapan ang susi ng aking kotse. Naalala kong binigay ko nga pala iyon sa kaniya kagabi dahil kotse niya ang ginamit namin nang dalhin niya ako sa hospital. Hindi ko na rin ito nakuha dahil nag-insist siyang ipapadala na lang niya rito sa bahay. "Wait? Kagabi mo rin ba pinadala ang kotse ko rito?" tanong ko. "Nope, hindi ko pinadala dahil ako mismo ang nagdala." He said while smiling at me. Napagawi ako sa ibang bagay dahil ayaw kong makita ang ngiting matagal ko nang kinalimutan. Tumikhim ako, "Ahm, paano mo nalaman ang address ko?" kunot noo kong sabi. "Honestly, hindi lang kagabi ang unang araw na nakita kita sa park. When I first saw you there, I followed you. Gusto kitang lapitan nu'ng una pa lang, but I was ashamed to approach you after our last conversation knowing that I hurt you. Walang lumabas na kataga sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin maisip na ang taong ayaw ko nang makita sa tanang buhay ko, ay nandito ngayon sa harapan ko na siya pang nagligtas sa akin sa kapahamakan. Alam ko na malaki ang utang na loob ko kay Gab, pero kapag naaalala ko ang rejection na natanggap ko sa kaniya noon ay bumabalik ang sakit sa aking dibdib. "Ikaw na rin ang nagsabi na kulang pa ang salitang 'thank you kung kaya't naparito ako para singilin ka." Nakangiti niyang sabi sa akin. "What do you want? Alam kong hindi mo kailangan ng pera dahil mas marami ka nito kaysa sa akin." Seryoso kong sabi. "Just simple. Dinner date with me." Nakangiti nitong sabi. "But-" "No more buts, I'll pick you up at 7 pm," Sabi ni Gab na para bang siguradong-sigurado na siyang papayag ako. "Hindi pa ako pumapayag." sabi ko. "I don't take no for an answer." muling sabi niya. "Okay, send me the address, and I will go alone." Seryoso kong sabi. "Ibig sabihin ay payag ka na sa gusto ko?" he said with a big smile on his lips. "Yes, pero hindi ibig sabihin nu'n ay okay tayo. I'm just doing this as a thank you for saving me." Muling ngumiti si Gab, pero sa pagkakataong iyon ay hindi na umabot sa kaniyang mga mata. "I'll pick you up. And that's final. See you later, Ash," sabi niya at mabilis nang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD