It's past five in the afternoon and I've been standing in front of my car for almost an hour just to catch a glimpse of Ashley. Yes, I've been following Ashley for almost two weeks now. I want to explain everything to her. I want to apologize and correct my mistake.
Maya't-maya akong tumitingin sa aking relo kung ano'ng oras na ba. Ang pagkakaalam ko, kapag ganitong oras ay nakalabas na si Ashley. Five minutes na lang at magsi-six na nang gabi pero wala pa rin akong nakikitang kahit anino niya.
I was about to enter my car when I saw Ashley with a wide smile on her face. Kahit nasa malayo ako ay alam kong binati siya ng guard at sinuklian nito ng malapad na ngiti. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko na ang bulto ng babaeng sinaktan ko anim na taon na ang lumilipas. She's still beautiful as ever. Lumipas man ang maraming panahon but her beauty still hasn't faded.
At tulad ng dati, sinusundan ko ang kotse nito hanggang sa makauwi siya nang ligtas sa kanilang bahay. Nalaman ko rin na si Ate Amor lang ang kasama niya sa kanilang bahay at ang mga magulang nila ay nasa Pilipinas.
"Where can she go?" kausap ko ang aking sarili nang makita kong lumiko ang sasakyan nito.
I smiled when she turned her car into the park. This was the first place I followed her. Dito ko siya nakikitang nagja-jogging tuwing umaga at tumatambay naman tuwing gabi.
Nakita kong palinga-linga si Ashley sa paligid. Naglakad siya medyo malayo sa kinaroroonan ko at naghanap ng mauupuan dahil lahat ay okupado ng mga magkasintahan at magkakaibigan. Naaaninag ko sa kaniyang mukha na parang may problema siyang dinadala. Hindi ko tuloy alam kung ito na ba ang tamang panahon para lapitan siya at suyuin.
Lumabas ako sa aking sasakyan. Pumunta ako sa lugar na alam kong hindi niya ako agad mapapansin. I just want to see her closer to me. Nagtago ako sa may madilim na parte at doon ay tanaw na tanaw ko ang kaniyang maamong mukha na may bahid ng lungkot.
I saw Ashley take out her cell phone. But my eyes widened when two men appeared in front of her and grabbed her cell phone. Nakita ko rin ang gulat at may halong takot sa mukha ni Ashley. Gusto kong lapitan siya pero nagdalawang isip ako. Nanatili ako sa aking kinaroroonan at pinakinggan ang kanilang pag-uusap.
I gripped my hand tight when I heard the blonde man insulting Ashley. Nanggagalaiti na ako sa galit at gusto ko nang ilampaso ang pagmumukha nitong dalawang lalaki. Gusto kong ipatikim sa kanila ang nag-aapoy ko nang kamao dahil sa pambabastos nila sa babaeng nananahimik lang sa gilid.
Ashley slapped the man's face when I heard that the bastard continues insulting Ashley. Hindi ko na matiis na magtago na lang sa gilid at pakinggan ang pang-iinsulto nila kay Ashley. Halos takbuhin ko na si Ashley nang makita kong susuntukin na siya ng lalaking tadtad ng tattoo sa katawan. Mabilis kong naiharang ang aking katawan at sinalo ko ng aking palad ang kamao nitong dadapo na sa magandang mukha ni Ashley.
Damn! I won't let you do that. You f*****g idiot. Kahit hindi ko nakikita ang aking sarili alam kong namumula na ako sa galit. Ramdam ko rin ang init ng aking mukha dahil sa galit.
"You can't touch her face with your palm." bulong ko sa lalaking kaharap ko na ngayon ay hawak ko na nang mahigpit ang kaniyang kamao. Nag-iigting ang aking panga at nangangati na ang aking kamay na ipatikim ang nararapat sa dalawang manyakis na ito.
Nginisian ako ng lalaking kaharap ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya inunahan ko na ito. I kick the man with blonde hair. Natumba ito sa damuhan habang hawak ang nasaktan na sikmura. Hindi rin nakapalag ang lalaking tadtad ng tattoo nang siya naman ang bigyan ko nang malakas na suntok sa mukha. Dumugo ang ilong nito at basag rin ang labi. Muling bumangon ang dalawang lalaki at agad na umatake.
"These two men are wasting my time."
Wala na akong sinayang na oras. Ilang suntok at sipa pa ang pinatikim ko sa kanila at pareho na silang nakahandusay sa damuhan at wala nang malay.
"Pasensya na kayo mga brad, at sa inyo ko unang pinatikim ang natutunan ko sa martial arts." Sabi ko habang ginagalaw ko ang mga ito gamit ang aking paa.
Tumingin ako kay Ashley na nanlalaki ang mga mata na para bang gulat na gulat. Hindi siguro niya akalain na bigla na lang akong lilitaw sa kaniyang harapan sa oras ng kagipitan. I take a deep breath and approached her.
"Are you okay? Nasaktan ka ba nila?" sunod-sunod kong tanong dahil hindi man lang siya kumukurap habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang gwapo ko at baka na star-struck lang siya sa akin.
Sinamantala ko muna ang oras na natulala si Ashley at mukhang nabigla sa nangyari. Agad akong nag dial sa aking cellphone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan ni Dad na pulis dito sa America.
"Hello, good evening, Sir. Yes, it's me, Gab William. There is an incident that happened here in the park and I want you to go to it right away. I'll wait here, Sheriff, and explain everything to you. Okay, thank you, bye."
Binulsa ko ang aking cellphone at muling nilapitan si Ashley.
"Ashley?" Muli kong sabi. Kumaway ako sa kaniyang harapan at pumitik.
"Ha?" sagot niya at kumurap-kurap pa.
"It's not a dreame, okay?" natatawa kong sabi.
Nagsalubong ang kaniyang kilay at tumingin sa akin ng diretso.
Ngumiti ako nang pilit na para bang nahiya ako sa aking sinabi. Naalala kong hndi nga pala kami okay.
"Are you okay?" muli kong sabi dahil kanina pa niya ako hindi sinasagot.
"Yeah, ahm, thank you for saving me from these men. Kung hindi ka siguro dumating baka kung ano na ang ginawa ng dalawang manyakis na iyan sa akin." Ashley said.
Nakikita ko na ramdam pa rin niya ang takot dahil na rin sa panginginig ng kaniyang boses.
"You don't need to say thank you, it's my pleasure."
"No Gabrielle, hindi ko alam kung sapat na ba ang salitang thank you but I will not be tired of saying this to you."
Ngumiti ako nang mapait dahil sa pagbigkas niya sa aking pangalan. Before she confessed to me that he loved me, he always called me 'Gab'.
Pero ngayon parang iba na ang dating ng pagbigkas niya ng buong pangalan ko. Nagbago na kaya ang lahat? Hindi na ba siya 'yung dating Ashley na nagmahal sa akin ng lihim?
Ilang sandali lang nang dumating naman ang pulis na tinawagan ko. May kasama rin itong dalawang pulis.
"I'm sorry to disturb you, sheriff. But I need you to teach these two men a lesson that they will never forget. I'll come to your office tomorrow morning to discuss the whole story."
"Okay, don't worry, leave it to us."
"Thank you, sheriff."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng pulis ay muli kong nilapitan si Ashley.
"You know what, Ashley? Parang hindi pa sapat ang salitang thank you." Nakangiti kong sabi.
"What do you mean?" she said.
"Mamaya na siguro natin pag-usapan ito. Dalhin muna kita sa hospital baka kung ano ang mangyari sa 'yo dahil sa dalawang kolokoy na ito."
"I'm a doctor too, Gab. No need to worry, I can handle it myself." Seryosong sabi ni Ashley.
"Ngunit hindi lahat ng mga Doktor ay maaaring gamutin ang kanilang sarili. Mas mabuti pa rin na dalhin kita sa hospital para malaman ang kalagayan mo. Trauma is not good, especially what happened to you earlier."
"But Gab-,"
"No more buts. Do what I say. Period!"
"Ipapadala ko na lang ang sasakyan mo sa inyong address." Dagdag kong sabi.
"Wait? Do you know my address?" Kunot noong tanong ni Ashley sa akin.
"Ha? Ahm, syempre ibigay mo sa akin ang address niyo at ako na ang bahala." pagkukunwari ko na lang kahit na alam ko naman na ang kanilang tirahan.
"No, I can drive. Malapit lang naman ang hospital na pinapasukan ko." Ashley said.
"Hindi sa hospital na pinapasukan mo tayo pupunta? Ano na lang ang sasabihin mo sa kanila kapag tinanong ka? Are you going to say that you were almost raped? Or Are you going to say that you were bullied by those men?"
Pagkatapos nang ilang debate ay pumayag din si Ashley na sa ibang hospital kami pupunta.
Habang nasa daan, hindi ko mapigilan ang sariling hindi matitigan si Ashley. Yung mga mata niyang laging nakangiti dati ay parang naglaho. Nakilala ko si Ashley na masayahing tao, but it seems like everything has changed.
"Focus on the road, Gabrielle." Narinig kong sabi ni Ashley kahit na sa bintana naman siya nakatingin. Siguro naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya.
"How are you, Ashley?" sabi ko na lang dahil nabibingi na ako sa katahimikan sa loob ng aking sasakyan.
"As you can see, I'm pretty okay." seryoso niyang sabi.
"How long have you been here in America?"
"Four years." simpleng sagot niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy parang ayaw niyang pag-usapan ang kaniyang buhay dito sa America.
"May pamilya ka na rin ba tulad nina Nikki at Nathalie?" muli kong tanong.
"No." maikli niyang sagot.
"Bakit?" tanong ko.
"Do I need to answer all your questions?" malamig ang tonong sagot niya sa akin.
"Sorry. I didn't mean to ask you this. I'm just wondering why you are still single."
"Because I chose to be single. Hindi naman siguro masama ang maging single sa edad ko."
I smiled.
"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" tanong ni Ashley.
"Nope, natuwa lang ako kasi hindi na one-word lang ang sagot mo sa akin."
Tinaasan niya ako ng kilay at muling tumingin sa kawalan. Nag-focus na lang din ako sa pagmamaneho at ilang sandali lang nang makarating na kami sa hospital.
Binati kami ng ilang staff na nadadaanan namin sa hallway. Tinawag ko ang isa sa kanila at kinausap ito.
"Tell Mrs. Smith that I'm here."
"Okay, sir, please come inside, and wait for at least five minutes."
"No, I can't wait for five minutes. It's urgent." Seryoso kong sabi.
"Okay, sir." nakangiting sagot ng nurse sa akin.
"Ahm, Miss, wait." napalingon ako kay Ashley sa muli niyang pagtawag sa nurse.
"It's okay, we can wait until she's not busy. Besides, we're in no rush." nakangiti nitong sabi.
"Okay, maam." nakangiting sabi rin ng nurse.
"Follow what I've said, Miss Celine." seryoso kong sabi sa nurse.
"Copy, Mr. William."
"Hindi mo kailangan magmadali at manakot ng empleyado, Gabrielle. Hindi naman ako nag-aagaw buhay para sabihin mong urgent. Paano pala kung mas importante ang ginagawa nila? Paano kung mas kailangan pagtuunan ng pansin ang pasyente nila kaysa akin? Nakikita mo naman na okay ako. Walang pilay or kahit isang galos. You don't need to be exaggerated, Gabrielle."
"Pero mas importante ka, Ashley."
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko dahil biglang tumawa si Ashley sa aking sinabi.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" She said while laughing. "Don't act like my boyfriend, Gabrielle. Hindi bagay sa iyo." seryoso niyang sabi.
"Sorry, gusto ko lang na maasikaso ka kaagad, that's all."
"Can I ask you?" maya-maya'y sabi niya.
"Go on," I said.
"Ano'ng posisyon mo rito sa hospital at parang ilag sa iyo ang mga staff?" she asked me in a serious voice.
"My Dad owned this." Simpleng sagot ko.
Muli kong narinig na tumawa si, Ashley.
"Kaya naman pala. You know what Gabrielle? Huwag mong gawing dahilan ang pagiging boss mo rito sa hospital para lang masunod agad ang gusto mo. That's not a proper way to treat your staff. Be who you are. Hindi porke ikaw ang boss, magagawa mo nang pasunurin ang lahat sa isang pitik mo lang."
Lahat ng katagang lumabas sa bibig ni Ashley ay parang patalim na bumaon sa aking dibdib. She's not just smart, but she also has a good heart.
Pagkatapos ng check-up ni Ashley ay agad na rin kaming umalis ng hospital. Wala na akong nagawa nang sabihin niyang magta-taxi na lang siya pauwi.
"Whoa! I didn't expect na ganito ang pagtatagpo namin ni, Ashley. I'm expecting something special, not like in the movie na makikita ko siya sa kamay ng mga manyakis na iyon."
I take a deep breath, "It's not the last time, Ashley. Magkikita pa tayo muli."