CHAPTER 7 Night In Shining Armor

1629 Words
Dumiretso ako sa park kung saan madalas kong tambayan kapag nakakaramdam ako ng lungkot. At sa mga oras na ito ay halo-halong emosyon ang bumabalot sa pagkatao ko. At isang dahilan na roon ay ang pag-alala sa nakaraan. Bumuntong hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Nag-park lang ako ng sasakyan at tahimik na naglakad papunta sa bakanteng bench na medyo may kalayuan sa aking kinaroroonan. Habang naglalakad ay pasimple akong tumingin sa aking paligid. Ang ganda ng mga palamuting nakasabit sa matatayog na puno na siyang nagbibigay ng liwanag sa park. May mga magkasintahan na nakaupo sa ilang mga bench at ang ilan naman ay mga magkakaibigan na masayang nagku-kwentuhan. Tahimik akong umupo at pinakiramdam ang paligid. Ramdam ko rin ang lamig ng hangin kahit balot na balot na ang aking katawan ng makakapal na tela. Kapag ganito ang hangin ay hudyat na paparating na ang winter. At madalas yun nangyayari 'pag sumapit ang November at umaabot pa ito hanggang March. Nagscroll lang muna ako sa aking cellphone at mabilis na nag-dial ng numero. I was about to call Nikki and Nath through video call when someone grabbed my phone. Napatingala ako at nagulat dahil may dalawang foreigner na nakatayo sa harap ko at nakangiti sa akin na para bang gusto akong hubaran sa paraan ng kanilang pagngiti. "Hello, beautiful lady, did we disturb you in your loneliness?" Saad ng isa na may kulay blue na mata. Nababalutan na ako ng takot sa mga oras na 'yun pero hindi lang ako nagpahalata. Gusto kong sampalin ang lalaking may bughaw na mata dahil sa pag-agaw niya sa aking cellphone, pero kapag ginawa ko iyon baka kung ano ang mangyari sa akin kaya pilit kong pinapakalma ang aking sarili. "Please! Give me back my cellphone." Malumanay kong sabi. "I will return it, but on one condition. Kiss me hard and I'll give you your cellphone." ani ng lalaking manyakis na may bughaw na mata. Gusto kong masuka sa kaniyang sinabi. Wala pa nga akong first kiss at gusto niyang halikan ko siya? Mas ginusto ko na lang na kunin niya ang aking cellphone kaysa naman na makuha niya ang first kiss ko. Over my dead body! Narinig kong tumawa ang kasama niyang lalaki na may tsokolate naman na mata. "You're weak, bro. Hey lady, come here." Saad naman ng lalaking may tsokolateng mata. Hinila niya ang kamay ko nang mahigpit at hinimas ang aking braso. "I know you're gonna like what I'm going to do. And stop pretending like you're a virgin lady." sabi nito at sinabayan pa niya ng nakakapang-insulto na halakhak. Tumaas ang aking kilay at pakiramdam ko umakyat ang dugo sa aking utak. Ano'ng tingin ng mga lalaking ito sa akin? Bayarang babae? Mukha ba akong prostitute na nag-aabang ng lalaki sa gilid-gilid? Gusto kong lumaban sa kanila pero paano? Dalawang lalaki na tadtad ng tattoo sa katawan ang kaharap ko. Mga naglalakihan ang katawan na halatang batak sa gym. Humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso at inilapit ang mukha aa aking tenga. "You smell like roses." Ani nito at dinikit pa ang tungki ng ilong sa aking tenga. Pakiramdam ko nanayo ang aking balahibo sa nakakadiri niyang hininga. Amoy yosi at pinaghalong beer ang kaniyang bunganga. Lumayo ako at winaksi ang kaniyang kamay. "Don't touch me. Damn you!" sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. Alam kong sa mga oras na iyon ay walang nakakarinig sa akin. May kalayuan ang kinaroroonan namin at pakonti nang pakonti ang mga tao na kanina lang ay marami. Siguro umuwi na ang iba at mas pinili na lang na mag-stay sa loob ng bahay lalo na't napakalamig na nang panahon. "Even if you scream and ask for help, no one will help you. So if I were you, just do what we want, understand?" sabi naman ng lalaking may bughaw na mata. "What do you need from me? I don't even know you and I have done nothing wrong with you." mangingiyak ko nang sabi. "It's so simple. Sleep with us for just one night and you're free." Pinagapang ng lalaking may tsokolateng mata ang kaniyang kamay sa aking braso. Winawaksi ko ang kamay nito habang nagmamakaawa pero patuloy pa rin sa kaniyang ginagawa. "Please! If you want to get my cellphone, then get it. Just let me go." mangiyak-ngiyak ko nang sabi. Sabay silang humalaklak na para bang may nakakatawa sa aking sinabi. "No miss, we dont want your phone. We want you. And don't waste your time, because no matter what you do, no one will help you." Sabi ng lalaking may bughaw na mata. Pinagdiinan pa nito ang huling pangungusap na kaniyang sinabi. Lumapit sa akin ang lalaking may tsokolateng mata at akmang hahawakan niya ang aking dibdib nang mabilis ko itong takpan ng aking braso. Hindi na ako nakapagpigil at malakas ko itong sinampal. Hinimas nito ang kaniyang mukha na nasaktan at ngumiti nang may halong galit. He grabbed my hand and he pulled me closer to him. "How dare you?! You b***h!" Galit na galit nitong sabi. Pumikit na lang ako at yumuko nang makita kong dadapo na ang kamao nito sa aking mukha. Handa na ako kung sakling saktan nila ako. Huwag lang makuha ang pinakaiingatan kong dangal. Hinintay kong dumapo ang suntok nito sa aking mukha pero walang nangyari. Bagkus isang bulto ng lalaki ang nakatayo sa aking harapan at sinalag ng kaniyang palad ang kamao ng lalaking may tsokolateng mata. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito. Nakatalikod siya sa akin at iniharang ang kaniyang katawan upang hindi ako masaktan ng dalawang lalaki na nasa harapan niya. Nakasuot ito ng black fitted jeans, black rubber shoes, white t-shirt na pinatungan ng black leather jacket. Kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha alam kong makisig itong lalaki, dahil na rin sa binti niyang hapit na hapit sa pants at naglalabasan ang muscle. "Who are you? Get out of our way and just leave that girl to us." Pagdidiin ng lalaki na siyang susuntok sana sa akin. Narinig kong tumawa nang mahina ang lalaking night in shining armor ko. At sa kaniyang pagtawa, pakiramdam ko narinig ko na ang tawang 'yun pero hindi ko na alam kung sino. "Are you deaf?" sabi ng lalaking may blue eyes. "You know what bro, just leave if you don't want to get hurt. This girl is mine and she has a sin against me that needs to be paid for." Dagdag naman ng isa. "Do you hear what you are saying? You said you own this girl? Back off you bastard!" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na 'yun sa lalaking nagsilbing night in shining armor ko. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito? Sinusubaybayan ba ako nito? Lahat ng takot sa aking dibdib ay nawala, bagkus napalitan ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag kung ano ba ito. Natulala ako sa aking nakikita. Parang slow motion ang bawat galaw ng tatlong lalaki sa aking harapan. Ang mga nangyayari ay parang sa pelikula ko lang nakikita. Tatlong lalaki ang nagpapalitan ng suntok at sipa. Ang lalaking nagsilbing hero ko ay wala man lang kagalos-galos sa kaniyang mukha. Hindi man lang ito nadapuan ng kahit isang suntok habang ang dalawang lalaki ay nakahandusay sa damuhan at parehong wala nang malay. Para itong action star na sanay na sanay sa laban. Malaki ang katawan nito pero hindi rin naman nalalayo sa kaniyang katawan ang katawan ng dalawang foreigner na lalaki, ngunit napatumba niya ito nang wala man lang kahirap-hirap. Nakita ko itong naglabas ng cellphone na parang may tinatawagan. Dinampot rin niya ang aking cellphone na hawak kanina ng isa sa dalawang foreigner. "Are you okay?" He said when he approached me. Iniabot niya ang aking cellphone at mabilis ko naman 'yun kinuha. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa mga oras na 'yun. Laking pasasalamat ko dahil may isang tao na hindi ko aakalain na darating sa oras na kailangan na kailangan ko ng tulong. Kung hindi siguro siya dumating baka pinagpi-piyestahan na nang dalawang iyon ang aking katawan or worst baka matatagpuan na lang akong patay at itinapon sa kung saan. Akmang magsasalita na ako nang makarinig ako ng sirena ng sasakyan ng police. Tatlong pulis ang dumating at agad naman itong sumaludo. Lumapit sila sa dalawang lalaki na wala pa rin malay at seryosong nag-uusap. Hindi ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan dahil parang nagbubulungan na lang sila. Minsan ay lumilingon sila sa aking kinaroroonan. Tumatawa pa ang pulis na para bang ako ang kanilang pinag-uusapan imbes na yung dalawang manyakis na afam sana ang pagtuunan ng pansin. Kumunot noo na lang. Umupo ako sa bench at hinintay ang kanilang pag-uusap. Nang muli akong tumingin ay seryoso na ang kanilang pinag-uusapan. Umabot nang halos twenty minutes ang kanilang pag-uusap bago nagpaalam ang mga pulis. Lumapit siya sa akin at seryosong tumitig. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib na para bang gusto ko nang matapos ang araw na iyon at kalimutan na lang ang nangyari. Walang sabi-sabing hinila niya ang aking kamay at dinala sa kaniyang sasakyan. Nagslubong ang aking kilay nang makita ko ang kaniyang sasakyan. Kilalang-kilala ko ang kaniyang sasakyan at ito 'yung madalas kong nakikita 'di kalayuan dito sa park. Sinusubaybayan ba ako nito? Coinsidence lang ba na nandito siya sa panahong nanganganib ang buhay ko o talagang alam niya na madalas akong pumupunta rito? At ano kaya ang ginagawa nito sa park sa ganitong oras? Stalker ko ba siya? Mga katanungan na hindi ko alam kung saan hagilapin ang kasagutan. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko sa mga oras na ito. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay ligtas ako at utang ko ito sa lalaking katabi ko ngayon sa loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD