"Good morning, Ms. Ashley," bati sa akin ni Mr. Johnson, ang bodyguard sa hospital na pinapasukan ko.
"Good morning, Mr. Johnson." balik kong sabi.
"Why do you always look pretty? It seems like I'm looking at an angel who falls from heaven." saad nito.
Natatawa ako sa kaniyang itsura dahil hindi man lang ito kumukurap habang sinasabi ang mga katagang 'yun sa akin.
"Umaga na, 'wag kang managinip ng gising. O baka kulang ka lang sa tulog kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi mo." saad ko kay Mr. Jonhson.
"What?" Kunot noong sabi nito sa akin.
Natawa ako, paano nga naman pala niya ako maintindihan eh, afam nga pala ang kausap ko.
"I said you're more handsome, Mr. Jonhson." Tumawa ito at labas ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin.
"Is that a compliment, Ms. Ashley?" Mr. Johnson said.
"Yes, Mr. Jonhson. I need to go now and have a nice day." sabi ko naman na may ngiti sa labi. Oo, gwapo si Johnson. Hindi na rin kataka-taka kasi lahat naman ng afam may itsura. Matangkad din siya, macho, at mabait, pero hindi ko bet ang dating niya. Wala sa katangian niya ang hinahanap ko. Hindi ako mahilig sa blue eyes dahil iisang kulay lang ng mata ang matagal ko nang hinihintay. At ang tanging gusto ko lang sa isang lalaki ay yung marunong manindigan, responsable, at mapagmahal. I dont look for appearance, all I want is the goodness of the heart.
"Good morning, Doc. Ashley," bati sa akin ni Shiela nang makasalubong ko siya sa hallway. Nginitian ko siya at binati pabalik.
Habang naglalakad ay biglang tumunog ang aking cellphone. When I opened it, it was my Mom. She called me through video call.
"Hello, my pretty daughter. Where are you now? Kamusta ka diyan? Mukhang nag-e-enjoy ka na sa States ah, wala ka na bang balak umuwi?" She said in a wide a smile on her face.
Kilala ko si Mommy, nakangiti man siya pero may bahid ng lungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin sa screen ng cellphone.
"I'm in my office, Mom. Ahm, uuwi naman ako but maybe soon. I will not stay here for good. I'm here just for my work. Alam mo naman 'yun sa umpisa pa lang. I love my work here Mom." nakangiti kong sabi.
"Are you sure you came to America just for your job? Or have you not yet forgotten the past that broke your heart so you chose to stay there?" ani ni Mom na may bahid ng lungkot ang boses.
I smiled, " It's been a long time, Mom, I have overcome the heartbreak. I'm pretty okay now. See? Mas lalong gumanda ang bunso mo." natatawa kong sabi.
Sabi ni Mom, ako daw ang huling lumbas kaya laging kong sinasabi na ako ang bunso kahit na triplets kami at minuto lang ang aming pagitan.
"I know. But I missed you so much. Si Nikki at Nathalie lang ang dumadalaw sa akin sa bahay. Ang mga pamangkin mo na lang ang nagpapangiti sa akin." Makungkot na sabi ni Mom.
I can see in her eyes that she misses me so much. Wala naman akong magagawa dahil nandito sa America ang trabaho ko.
"I miss your presence. I hope America is close by so I can visit you at any time." Dagdag na sabi ni Mom.
"I'm sorry, Mommy." malungkot kong sabi.
"It's okay dear, dont be sorry," she said again in a lower voice that was full of sadness.
"Don't be sad, Mom. Remember, two months from now is our birthday. I'll promise you, I will go home to celebrate my birthday with you all, guys. I miss Nikki and Nath too, I can't wait for this to happen." Masayang sabi ko na lang para mabawasan kahit papaano ang pangungulila sa akin ng aming Ina.
"Yeah, sorry I forgot. Ang iniisip ko lang kasi ay kung kailan ka uuwi. It's been four past years since you left us. I know that it's hard for you to forget the past, but maybe it's time to give yourself a chance to look for someone who deserved your love, Anak." Mom said.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang sinasabi sa akin ni Mom ang mga katagang 'yun.Yeah, It's been four years. Alam kong nakalimutan ko na ang pangyayaring 'yun na harap-harapan kong inamin ang pagmamahal ko kay Gab. Pero sa mga oras na ito ay biglang bumalik sa aking isip ang mga oras na durog na durog ang pagkatao ko sa harap ni Gab. 'Yung tipong buong puso kang umamin pero ang isusukli lang sa iyo ay isang halakhak. Sinabi ko sa sarili ko na makakalimutan ko rin siya at nagawa ko nga. Pero bumalik na naman ang sakit nang bigkasin ni Mom ang nakaraan na pilit kong kinalimutan.
"Are you okay, Anak?" Dinig kong sabi ni Mom na biglang nagpabalik sa aking diwa.
"Yeah, I'm okay, Mom. May naalala lang ako bigla." simple kong sabi.
"Is it Gab?" curious na tanong ni Mom.
"No Mom, and please don't mention that name again."
Nawalan ako bigla ng gana magtrabaho. Parang pakiramdam ko, gusto ko lang humiga at magmukmok.
"I'm sorry, dear. I have to go now. Sorry if I ruin your good mood. Bye and take care always, Anak."
"You don't need to say sorry, Mom. I love you and tell Dad that I miss him too. See you soon, Mom, bye."
I give Mom a flying kiss before I turned off my phone. Sumandal ako sa aking swivel chair. I closed my eyes and take a deep breath.
Pagkatapos nang apat na taon ay muling nabuksan ang pintuan na matagal nang nakasara. Mom is right. Maybe it's time to open my heart again. Maraming nanliligaw sa akin pero dahil wala pa akong time at hindi pa handa kung kaya't pilit ko silang tinataboy sa buhay ko. At isang dahilan ay, ayaw kong ma-distract sa trabaho. Gusto ko lang mag-focus muna at isantabi ang love life.
I take a deep breath again, "Relax, Ashley. Huwag kang magpapatangay na naman sa nakaraan na matagal nang nakabaon sa limot. Inhale, exhale," paulit-ulit kong sabi sa sarili.
Nang bumalik na sa dati ang mood ko ay nag-focus na lang ako sa aking trabaho. Siguro 'tsaka ko na lang pagtuunan iyon ng pansin.
"Hindi ka pa oldmaid, Ashley, habang nasa binggo pa ang edad mo, huwag kang mawalan ng pag-asa." pangungumbinsi ko sa aking sarili. Natawa na lang ako sa aking sarili at muling binalik ang focus sa pagtatrabaho.