CHAPTER 5

1683 Words
Tumawag ako kay Nikki lumipas lang ang ilang minuto nang makaalis na si Jack. Umakyat ako sa aking kwarto at doon ko siya kinausap. "Oh, napatawag ka? Nag message nga pala sa akin si Jack na nakuha na raw niya ang envelop. Salamat ha!" Dinig kong sabi ni Nikki sa kabilang linya. Pero imbes na sagutin ko siya sa kaniyang sinabi ay iba ang lumabas sa aking bibig. "Bakit Hindi mo sinabi na Jack Dela Fuente pala ang pangalan ng tinuturing mong kaibigan?" Inis kong sabi sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit ganu'n na lang ang inis ko sa lalaking iyon. Pangalan pa lang niya kumukulo na ang dugo ko. "Hey! Relax lang. Bakit ano ba ang nangyari?" Sabi ni Nikki. "Bakit 'di mo tanungin ang napaka-gentleman mong kaibigan." Irap ko na para bang kaharap ko lang ang aking kausap. "Mabait si Jack, Ashley, baka naman kasi tinaray-tarayan mo kaya ka pinatulan. Kilala pa naman kita." Saad ni Nikki. Oo, kilala nila akong mahilig makipagsagutan pero depende naman iyon sa tao. At si Jack ang isa sa mga taong hindi dapat pinapalampas ang pagiging ungentleman. Kahit hindi ko nakikita si Nikki alam kong salubong na naman ang kilay nito habang sinasabi ang mga katagang 'yun sa akin. Mannerism na yata nito ang pagkunot noo lalo na kung naiinis, nagagalit, or may hindi nagustuhan na isang bagay. "For your information, hindi ko siya tinarayan. Naging pasyente ko siya bago ko pa nalaman na siya pala ang sinasabi mong kaibigan na pupunta sa bahay para kunin ang envelop. My gosh! kinu-question ba naman niya ang pagiging doctor ko? Sinabihan pa niya ako na paano raw ako naging doctor kung hindi man lang ako nag update sa family niya para nalaman na nasa hospital siya. Nakakataas ng kilay ang pagiging demanding niya." Bumalik na naman ang inis sa aking katawan nang muli kong maalala ang unang tagpo namin ni Jack sa hospital. "Alam mo Ashley, iba na yata iyang pinapakita mong katarayan kay Jack. Alam mo naman na the more you hate..." "The more I hate him." pagpuputol ko sa nais sabihin ni Nikki. Tumawa ito sa kabilang linya na para bang natutuwa sa nangyayari sa amin ni Jack. "Jack is a nice guy, Ashley. Hindi ko siya magiging kaibigan kung hindi. Kilala mo naman ako 'di ba? Masyado akong mapili sa kaibigan kaya iilan lang ang mga taong naging kaibigan ko. At isa si Jack sa mga kaibigan na iniingatan ko dahil mabait siya at maaalahanin." mahabang paliwanag ni Nikki sa akin. "Hays! Kahit ano pa ang sabihin mo, Nikki hindi na magbabago ang tingin ko sa kaniya. Nakilala ko siyang masungit at mayabang kaya mananatiling ganu'n na lang iyon." inis kong sabi. Muli kong narinig ang tawa ni Nikki sa kabilang linya na ikinakunot noo ko. "Walang nakakatawa, Nikki." yamot kong sabi. "Kung hindi ka lang bente otso na, Ashley, iisipin kong teenager ka na nagkaka-crush sa kapwa mo teenager." bungisngis na sabi ni Nikki. "Hoy! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa ulupong mong kaibigan. 'Di bale nang maging old maids 'no." sabi kong pinatirik pa ang aking mata na para bang nakikita ako ng aking kausap. "Be careful about what you wish for because it might happen." Sabi naman ni Nikki. "Baka mamaya mabalitaan ko na lang na ikaw na ang naghahanol diyan kay Jack ha!" Dagdag niyang sabi na halatang nakangiti dahil na rin sa tono ng pananalita nito. "Mark my word, it will never happen." seryoso kong sabi na may diin sa bawat katagang lumabas sa aking bibig. "Sana nga, Ashley, dahil kapag nangyari lahat ng binitawan kong salita, then mark my word too. Pagtatawanan kita mula ulo hanggang paa at ipapakain ko sa iyo lahat ng sinabi mo." pagbibiro ni Nikki. Medyo tinamaan ako sa birong iyon ng aking kapatid at hindi ko alam sa kung anong dahilan. Parang tinayuan ako ng balahibo sa aking batok na para bang gusto kong bawiin ang mga sinabi kong hindi maganda. "Hoy! Natameme ka na diyan." sabi ni Nikki sa kabilang linya nang bigla akong natahimik. "Wala, sige papatayin ko na ito. Masyado nang malaki ang bill ko sa pagtawag sa iyo." mataray kong sabi. "Ikaw ang may kailangan kaya gumastos ka hangga't gusto mo." sabi ni Nikki at muli kong narinig ang kaniyang tawa. Ano kayang nakain ng babaeng ito at panay tawa? Naka-score yata si Zach sa kaniya kaya nasa mood ang aking kapatid. "I'm waiting for the next chapter of your story with Jack, Ashley. Babush!" Ani ni Nikki sabay hagikgik. Hindi ko na nagawa pang sagutin ang kaniyang huling sinabi dahil tanging tunog ng end call button na lang ang aking narinig. "Bwiset talaga ang babaeng 'yun kahit kailan." yamot kong sabi. Paglapag ko sa aking cellphone ay padipa akong humiga. Na pag-isip isip ko na baka nga nagiging over acting na ako sa tuwing nakikita ko si, Jack. "Hindi ka over acting, sadyang masungit lang talaga ang lalaking 'yun kung kaya't naiinis ka palagi sa kaniya." pangungumbinsi naman ng utak ko. At dahil past ten na rin ng gabi kaya naisipan ko na lang matulog. Nagpalit lang ako ng damit pangtulog at tumalon sa aking kama. "Ang sarap matulog kapag ganito kalamig. At mas masarap, matulog kung may kayakap sa gabing malamig." Saad ko at niyakap ng mahigpit ang aking stuff toy na mas malaki pa yata sa akin. "Mabuti na lang at nandito ka. Kung hindi mamamaluktot ako magdamag." ani ko sa stuff toy na yakap-yakap ko. Binili ko pa ito sa isang mall dito sa States, medyo malaki rin ang halaga. Pero dahil nagustuhan ko siya ay binili ko na lang din. Natatawa pa ako nung una dahil natatakpan nito si Ate Amor nung binuhat niya at dinala sa kotse. Nasa five flat and two inches lang siguro si Ate Amor samantalang ako 5'6 at halos kasing laki ko ang buhat niyang stuff toy. "Mabuti pa ang stuff toy matangkad, samantalang ako, pinagkaitan na nang boylet, pinagkaitan pa ng height." Naaalala ko pang sabi ni Ate Amor. Muli kong niyakap nang mahigpit ang stuff toy, "Good night, flappy. Sana sa susunod, totoong tao na ang kayakap ko." Pumikit akong may ngiti sa aking labi sa kabila ng inis na naramdaman ko kanina. Mas masarap kasi matulog nang walang bigat na nakadagan sa iyong dibdib. Matutulog ka na nakangiti at gigising ka na nakangiti pa rin. Parang sa trabaho lang, pagod na pagod ka na pero kapag nakatapos ka ng isang gawain, lahat ng pagod mo maglalaho. Ngingiti ka na lang sabay sabing, "I did my job again. I'm tired but I will never give up." Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas, sais pa lang gising na ako, nakagawian ko na kasi ang mag-jogging sa umaga at pumunta sa park, na hindi kalayuan sa bahay. Nakasuot lang ako ng dri-fit na leggings and sports bra naman sa pang-itaas. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng aking pagtakbo pero pakiramdam ko parang may matang nakasunod sa bawat galaw ko. Huminto ako saglit at pasimpleng lumingon sa paligid. Wala naman akong nakikitang tao bukod sa mga kasabay kong nagja-jogging. Karamihan sa mga kasabay ko ay namumukhaan ko, kaya alam kong wala sa kanila ang matang nakatitig sa bawat galaw ko. Muli kong inikot ang paningin ko sa paligid pero wala namang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako at muling ipinagpatuloy ang pag-jogging. Pagdating ko sa park, naghanap ako ng bench na pwedeng maupuan. Halos lahat kasi ay may mga magkapareha na nakaupo. Napunta ako sa may sulok kung saan tanaw ko ang mga batang naglalaro sa may merry-go-round, sa slides, swings, at seesaw habang ang mga magulang naman nila ay nakaalalay sa bawat galaw ng kanilang mga anak. Na miss ko tuloy ang aking mga pamangkin. Ang mga anak ni Nath at Xander na triplets na sina Erinn, Finn, at Gavinn. At ang pamangkin kong si Zacki na anak naman ni, Nikki, at Zack. "Hays! Kailan ko kaya mayayakap muli ang aking cute na mga pamangkin." Bulong ko habang nakangiting nakatanaw sa mga bata. I always dreamed of having a cute baby like my niece and nephew. Maybe when the right man is given to me. Pero sa ngayon ay hanggang pangarap lang muna kasi wala pa ang right man. Hindi ko napansin na may mga bata pa lang naglalaro ng bola 'di kalayuan sa aking pwesto. Napunta sa aking harapan ang bolang sinisipa nila. Kinuha ko iyon at inabot sa batang lalaki na tumakbo papunta sa akin. "Here," sabi ko sabay abot sa kaniya. "Thank you, Miss sexy beautiful." saad ng batang lalaki. Natawa ako at umiling, "Naku! Bata pa lang pero marunong na mambola." sabi ko sa salitang tagalog. Nginitian ako ng bata kahit hindi naman niya naintindihan ang aking sinabi. "You're welcome big boy," saad ko naman. Akala ko aalis na siya pero muli itong nagsalita. "When I grow up, I will court you." seryoso pa nitong sabi. Natawa ako at nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng batang lalaki. Baka kapag dumating ang araw na sinasabi nito ay uugod-ugod na ako. "You're too young to talk about that. Just go and play with your friends." pagtataboy ko sa malambing na boses. "Okay, bye, Miss beautiful. See you soon." pahabol pa nitong sabi. Kumaway na lang ako at binigyan siya nang matamis na ngiti. He's really cute with his blue eyes and brown hair. I think he's around nine to ten years old. Namumula rin ang balat nito dahil sa sinag ng araw. Ilang minuto muna akong nakaupo at nagmamasid lang sa kagandahan ng paligid nang maisipan kong tumayo na at ipagpatuloy ang pagja-jogging. Nang sumapit na ang alas otso ay umuwi na ako. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto at naglinis na nang katawan. Masyado kasi akong nawili sa mga batang naglalaro at hindi ko naalala na may trabaho pa lang naghihintay sa akin sa hospital. Pagkatapos nang mahigit isang oras na ginugol ko sa aking sarili ay nagpaalam na ako kay Ate Amor. And as usual, trabaho ulit sa hospital ang aatupagin ko. And I want to start this day with good vibes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD