As a doctor, I have to listen and respond to, the concerns and preferences of my patients. Give patients the information they want or need in a way they can understand. I am busy now checking the files of one of my patients yesterday who has Alzheimer's disease. Her family wanted the patient to recover immediately but there's currently no cure for Alzheimer's disease. But there is a medicine available that can temporarily reduce the symptoms. And I also told the family that they need to support her to help her with the condition, and cope with everyday life. I feel so tired but I need to continue what I have started.
I take a deep breath. I never complained about my job even though I felt tired. Mahal ko ang trabaho ko dahil sa una pa lang ito na ang pangarap ko. Pero minsan hindi ko rin maiwasan ang hindi ma-stress. But we must continue and we must not give up.
Hinihilot ko ang aking sentido dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang aking ulo. Ilang minuto pa akong nakaupo sa aking swivel chair at nakapikit bago ko naisipang ayusin ang aking gamit. Alas, dyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang pasok ko. Ginugol ko ang natitirang oras ko sa pag-ayos sa aking sarili bago umuwi.
"Shiela, mauuna na ako sa iyo." sabi ko habang kumakaway kay Shiela 'di kalayuan sa aking pwesto.
"Bye, Doc. Ash, ingat po kayo." saad din niya at kumaway pabalik.
"Ingat sila sa akin." pabiro ko namang sabi. Tinawanan lang ako ni Shiela sabay iling.
Naging magaan ang loob ko kay Shiela dahil bukod sa pareho kaming Pinoy ay mabait at magalang din siyang katrabaho. Naging malapit kami sa isa't-isa at tinuring ko siyang kaibigan.
Nadaanan ko rin ang guard sa may labas ng hospital at nakangiti akong binati.
"Goodbye, Doc Ashley, have a good day ahead." ani nito sa slang na tono.
"Thank you, Mr. Smith." Saad ko rin at nginitian siya pabalik.
Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe pauwi nang makatanggap ako ng tawag kay Nikki sa Pilipinas. Hininto ko muna ang aking sasakyan sa gilid 'tsaka sinagot ang kaniyang tawag. Kinabit ko ang headset sa aking tenga at muling pinaandar ang aking kotse.
"Ang tagal mo naman sagutin ang tawag ko, ang mahal kaya ng binayad ko na pang international load para lang tawagan ka." Bungad sa akin ni Nikki nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
"Hindi ko na kasalanan iyon. Ikaw ang may kailangan kaya alam kong kahit magkano ay gagastusin mo. 'Tsaka nasa biyahe ako kaya hindi kita agad na sagot. I need to park my car first before I answer your call. At kailangan ko rin magsuot ng headset bago kita sagutin. Paano na lang kung mabangga ako? Ayaw ko pang mamatay nang hindi nakakatikim ng grasya 'no!" mahaba kong lintaya at kunwaring naiinis kong sabi.
"Ang haba naman ng lintaya mo. Maghanap ka na kasi ng boylet mong afam diyan para makatikim ka na nang grasya." tumatawang sabi ni Nikki sa kabilang linya.
"Huwag kang tumawa, hindi ako nagbibiro." nakataas pa ang aking kilay habang sinasabi iyon sa aking kapatid na para bang magkaharap lang kaming dalawa.
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko.
"May kaibigan akong pupunta diyan sa bahay para kunin iyong files na nasa envelop na brown. Nasa kwarto ko 'yon, kunin mo na lang at iabot sa kaniya." Sabi ni Nikki.
"Wait, sinong kaibigan?" tanong ko.
"Kilala mo na yata siya. Basta ibigay mo na lang sa kaniya. Importante iyang nasa loob ng envelop. Diyan nakasalalay ang trabaho ko kaya huwag mong kalilimutan." Nagmamadaling sabi ni Nikki.
Magsasalita pa sana ako pero tunog na lang ng end call ang aking narinig.
"Bwisit talaga ang babaeng iyon. Siya na nga itong may kailangan, siya pang may ganang babaan ako ng cellphone. At hindi man lang nagpasalamat, hays!"
Fifteen minutes lang ang aking biyahe nang makarating ako sa aming bahay. Nag doorbell ako at nakangiting mukha ni Ate Amor ang bumungad sa akin.
"Good afternoon, Doc. Ashley." bati sa akin ni Ate Amor na sinabayan pa niya ng yuko. Tumawa ako at binati pabalik si Ate Amor.
"Kuhang-kuha mo na kung paano ako batiin sa hospital ah," tumatawa kong sabi.
"Aba siyempre! Ako pa ba?" nakangiting saad ni, Ate Amor.
"Siya nga pala, nagluto ako ng buffalo chicken wings. Tatlong flavor iyan may hot and spicy, barbecue, at plain lang. Magpalit ka na at ipaghahanda lang kita ng makakain mo." utos sa akin ni Ate Amor.
"Sige Ate Amor, pero sabayan mo na akong kumain para naman ganahan ako. Malungkot kaya kumain mag-isa. Parang hindi ako nabubusog." nakasimangot kong sabi.
Minsan lang kasi akong sabayan ni Ate Amor kumain. Hindi ko alam kung nahihiya pa ba siya sa akin o ayaw niya lang.
"Sige na, sasabayan na kita. Bilisan mo nang magpalit at baka lumamig ang pagkain." muling sabi ni Ate Amor sa akin.
Nagmadali na akong umakyat at agad na pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. At dahil nasa bahay lang naman ako ay naisipan kong magsuot na lang ng maong na short na umabot lang sa kalahati ng aking hita. Tinernuhan ko lang din ng lose na t-shirt. Para tuloy akong walang short na suot dahil mas mahaba pa ang suot kong t-shirt.
Pagbaba ko ay naglalagay na lang si Ate Amor ng juice sa aming baso. Natakam ako lalo na't paborito ko talaga ang buffalo wings.
"Oh siya, kumain na tayo." saad ni Ate Amor.
Malawak akong ngumiti dahil hindi ako tinanggihan ni Ate Amor sa pagkakataong iyon. Madalas niya kasi akong tanggihan kapag niyayaya ko siyang sabayan akong kumain.
"Mukhang ang sarap ng kain ko nito ah, nakakatam ang luto mo Ate Amor."
Hinihimas ko pa ang aking tiyan habang sinasabi iyon kung kaya't napatawa si Ate Amor sa akin.
"Oh siya, kumain ka lang nang kumain dahil niluto ko talaga iyan para sa iyo." nakangiting sabi naman ni Ate Amor.
Inabot ko ang tubig na nasa tabi ng aking juice at uminom muna. Gawain ko lagi iyon bago kumain. Umiinom din ako ng isang basong tubig bago matulog at kapag gigising sa umaga. Maraming benepisyo ito sa katawan kung kaya't hindi ko iyon nakakaligtaan sa araw-araw. Drinking warm water before bed will keep you hydrated through the night. Nakakatulong din ito para alisin ang mga toxins sa ating katawan at
Maaari rin itong makatulong upang maibsan ang pananakit o pag-cramping sa tiyan habang tayo ay natutulog. Kaming mga doctor ay nagbibigay at nagpapayo ng mabuting kalusugan para sa lahat. At bilang isang doctor, pinapanatili ko ring healthy ang aking katawan kahit na minsan kaliwa't kanan ang trabaho.
Magana na kaming kumain ni, Ate Amor, at minsan ay sinasabayan namin ng kwentuhan. Naparami ako ng kain at napadighay nang malakas pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Oh my gosh! Excuse me." saad ko kay Ate Amor na naka-peace sign pa sa aking daliri. Malakas na tawa naman ang naging sagot ni Ate Amor sa akin. Tinulungan ko rin magligpit ng aming pinagkainan si, Ate Amor, kahit na pilit niya akong tinataboy.
Habang hindi pa dumarating ang sinasabi ni Nikki na kaibigan niyang pupunta rito sa aming bahay ay minabuti kong halungkatin na lang ang envelop sa kwarto ni Nikki upang sa ganu'n ay iaabot ko na lang ito sa kaniyang kaibigan. Nang makita ko ang aking hinahanap ay muli akong bumaba at naghintay sa sala habang nanonood ng movie.
Malapit nang matapos ang pinapanood ko pero ni anino ng kaibigan ni Nikki ay wala pa rin sumisipot.
"Masyado naman yatang pa importante ang taong ito. Dapat sa ganitong oras ay natutulog na ako lalo na't may trabaho pa ako bukas!" Naiinis kong sabi.
Lumipas pa siguro ang ilang minuto nang marinig kong tumunog ang doorbell. Nakita kong tumigil si Ate Amor sa pagba-vacuum at lumapit sa pinto. Tiningnan ko siya na ang lapad ng ngiti sa kaniyang kausap. Maya-maya lang ay lumapit siya sa akin.
"May hinihintay ka pa lang gwapong bisita, Ashley, hindi ka nagsabi para pinaghandaan ko sana kayo ng makakain." Saad ni Ate Amor sa akin na para bang nakakain ng exotic food dahil para itong sinisilihan sa pwet. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya dahil ang lapad ng ngiti niya at pumupungay ang kaniyang mga mata.
"Oo may hinihintay nga akong bisita Ate Amor, pero hindi tulad ng iniisip mo. Kaibigan ni Nikki ang hinihintay ko at may kukunin siyang importanteng bagay daw dito." Sabi ko kay Ate Amor at pinakita sa kaniya ang hawak kong envelop.
"Ay, ganu'n ba? Akala ko pa naman manliligaw mo. Sige papasukin ko na siya." Sabi nito at muling bumalik sa pintuan na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi. Napapailing na lang ako.
"Siguro Ate Amor, kapag pinakilala kita kay Mr. Smith baka malaglag din iyang panty mo." Bulong ko nang makalayo na si Ate Amor. Si Mr. Smith ang afam na guard sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Gwapo si Mr. Smith. Matangkad, macho, at mabait.
"Iba-blind date ko nga kayo sa susunod." nakangiti ko pang sabi pero hindi ko iyon pinarinig kay Ate Amor.
Nakita kong unti-unting pumasok ang kaibigan ni Nikki. Napawi ang ngiti sa aking labi at napalitan nang pagsalubong ng aking kilay nang tuluyan kong makita ang mukha ng lalaki.
"Ikaw? Ikaw ang kaibigan ni Nikki?" kunot noo kong sabi.
"Yeah, may problema ba na naging kaibigan ako ng kapatid mo?" seryosong sabi ni Jack, ang masungit at demanding kong naging pasyente na nagkaroon ng vertigo dahil punong-puno yata ng stress ang katawan.
"At paano mo nalaman na magkapatid kami ni, Nikki?" I asked him.
"Ang bata mo pa para maging ulyanin, Ms. Fuentebella. Alalahanin mo na lang siguro kung paano ko nalaman na magkapatid kayo. Hindi ako nagpunta rito para ipaliwanag sa iyo kung paano ko nalaman na magkapatid kayo. May mas importanteng bagay akong pinuntahan dito." seryosong sabi niya habang nakakunot ang noo. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko biglang uminit ang aking mukha sa hiya. Naalala kong nakasuot lang pala ako ng maiksing short at tinernuhan pa ng lose na t-shirt. Para tuloy akong walang suot na short sa aking damit. Mabilis kong iniharang ang hawak kong envelop dahil napagawi ang mata ni Jack sa aking hita na naka-expose.
Nakita kong tumingin si Jack sa kaniyang relo at muling nagsalubong ang kilay.
"Iyan ba ang sinasabi ni Nikki na envelop?" Tanong nito sa seryosong tinig. "Give that to me so I can leave now. My time is running out and I have something important to do." Seryoso nitong sabi.
"Aba'y napakasungit naman ng ulopong na ito! Hindi pa naman siguro lagpas sa kalendaryo pero mukhang tatandang binata." sa isip-isip ko.
Gusto kong ingudngod sa kaniyang pagmumukha ang hawak kong envelop na siyang dahilan ng pagpunta niya sa aming bahay, pero dahil may konting bait pa na natitira sa aking pagkatao ay nagpigil na lang ako.
Nakita kong palipat-lipat ng tingin sa amin ni Jack si Ate Amor. Nagtataka siguro siya na magkakakilala kami ni, Jack. At nagtataka rin siguro siya kung bakit first-time niyang makita si Jack sa aming bahay ay may war nang nagaganap.
"Oh, ayan na! Kunin mo na ang kailangan mo rito para makaalis ka na at naaalibadbaran ako sa presensya mo." Mataray kong sabi kay Jack at padabog na binigay sa kaniya ang hawak kong envelop.
"Sure ka, Ashley, na naaalibadbaran ka sa mukhang ganiyan kagwapo?" bulong sa akin ni Ate Amor habang nanlalaki ang kaniyang mga mata na para bang hindi siya naniniwala sa aking sinabi.
Tinaasan ko ng kilay si Ate Amor at pasimple naman siyang ngumiti habang naka-peace sign ang daliri.
Kinuha naman ni Jack iyon at nagpasalamat. Pasalamat na mukhang labas sa ilong dahil wala man lang itong kangiti-ngiti sa labi.
"Hindi mo lang ba aalukin ng juice o coffee si sir Jack, Ashley?" bulong ni Ate Amor sa akin.
"Huwag na Ate Amor, hindi siya kasama sa listahan kapag naggo-grocery ako." inis kong sabi kay Ate Amor. "Aalukin mo pa iyan eh, dinaig pa ang isang old maid sa sungit." bulong ko habang hinahatid ni Ate Amor sa labas ang ulupong kong bisita. Hindi pala bisita kung 'di bwisita.
"Sir, ihatid ko na po kayo sa labas." dinig kong sabi ni Ate Amor pagkatapos kong ibigay kay Jack ang envelop.
"Ay, huwag na Ate Amor, matanda na iyan. Marunong nga siyang pumunta rito, hayaan mong lumabas siya mag-isa hanggang gate." Yamot kong sabi. Nilakasan ko pa ang aking boses nang sa gayon ay marinig ni Jack nang maayos.
"Dont bother, Ate. Mukhang mas kailangan ka ng kasama mo. Bigyan mo na lang siya ng maiinom, maybe a cup of tea para naman kumalma ang kalooban niya, o 'di kaya cold water para naman lumamig ang paligid." Pagdidiin ni Jack at talagang pinarinig pa sa akin iyon. Nanggalaiti ako at gusto kong sapakin ang mayabang niyang pagmumukha nang sa ganu'n ay matauhan siya at hindi dapat siya pumapatol sa babae. Bakla yata ang damulag na iyon!
"Sige, sir, gagawin ko po iyan. Mag-iingat na lang po kayo. Drive safely, Sir." Malambing na sabi ni Ate Amor na mukhang tinamaan yata sa ulupong na si Jack.
Nakangiting bumalik si Ate Amor sa sala nang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Ate Amor, 'yung panty mo natanggal na ang garter." sabi ko kay Ate Amor na agad naman tiningnan ang suot na panloob.
"Ay, sutil ka talagang bata ka." sabi niya nang ma-realized niyang niloloko ko lang siya. Paano ba naman kasi, kulang na lang matunaw si Jack sa kaniyang pagtitig. Hindi naman gwapo iyong tao, mukha ngang kurimaw.
"Talagang sinakyan mo pa ang pagpaparinig ng ulopong na iyon sa akin ah," saad ko kay Ate Amor na walang kangiti-ngiti sa labi.
"Syempre biro lang iyon, ano ka ba? 'Tsaka hindi ko naman pwedeng awayin iyong tao. Nakakahiya! Ang gwapo pa naman." kinikilig na sabi ni, Ate Amor.
"Ang sabihin mo Ate Amor, naga-gwapuhan ka lang kaya ayaw mong sungitan. Kulang na lang papakin mo sa titig yung tao." irap kong sabi.
"Aysus! Bakit ikaw hindi ka ba naga-gwapuhan sa kaniya?"
"Hindi!" Pagdidiin ko.
"Peksman? Mamatay man?" sabi pa niya.
"Oo, mamatay man siya." Inis kong sabi.
Tumawa si Ate Amor sa aking sinabi, "Baka magsisi ka kapag nangyari iyan."
"Never! 'Tsaka hindi ganu'n klaseng lalaki ang type ko. Ang gusto ko 'yung marunong gumalang sa mga babae, hindi 'yung dinaig pa ang babaeng may regla." Inis kong sabi.
"Hindi naman siya ganu'n kasungit eh, sadyang hindi lang siguro maganda ang una niyong pagkikita kung kaya't ganiyan na ang tingin mo sa kaniya." Seryosong sabi ni Ate Amor sa akin.
Tama nga si Ate Amor, hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Jack at nataon pa na naging pasyente ko siya. Pero hindi ibig sabihin nu'n na hindi na ako pwedeng galangin ng lalaking 'yun.
"Magkakilala pala kayo ni sir Jack?" maya-maya'y tanong ni Ate Amor sa akin.
"Hindi ko siya kilala. Naging pasyente ko lang siya. Biruin mo may sakit man siya o wala napakasungit pa rin. Dinaig pa ang may menepos na ale. Mukhang may dismenoriya!" nanggagalaiting kong sabi.
"Aysus! Galit-galitan pero poging-pogi naman." tumatawang sabi sa akin ni Ate Amor.
"Gwapo na iyon sa iyo, Ate Amor? My gosh! Over my dead body." Maarte kong sabi.
"Alam mo, Ashley? Bagay kayong dalawa. Kabig ng bibig, kabog ng dibdib ika nga nila." nakangiting sabi ni Ate Amor sa akin.
"Huwag kang magbiro, Ate Amor. Hindi ko siya bet at alam kong ganu'n din siya sa akin."
Iniwan ko si Ate Amor na iiling-iling habang nakangiti sa aking sinabi.
"Kung katulad lang ni Jack ang magiging first boyfriend ko? Paninindigan ko na lang ang no boyfriend since birth at magpakamatandang dalaga na lang."