Nakasandal ako sa 'king upuan at nakatitig sa kisame nang maalala ko ang sobreng binigay sa akin ni Jack kanina. Nawala iyon sa aking isip dahil ang gumugulo sa akin ngayon ay ang kaniyang halik na hindi ko akalaing gagawin niya. Umiling-iling na lang ako at pilit na winaglit 'yon sa aking isip. Maingat kong binuksan ang sobre at hindi ko maiwasan na hindi maluha nang makita ko ang laman nito. Naroon ang mga litrato naming magkakapatid na may iba-ibang anggulo. Mayroon 'yung nasa swimming pool kami, sa restaurant, at mayroon din naka-wacky face. Bahagya akong natawa dahil sa itsura namin tatlo. Tiningnan ko pa ang ibang litrato at muli akong nalungkot nang mahagip ng aking mga mata ang family picture namin. Hinaplos ko ang mukha ng aking magulang ganu'n din ang aking mga kapatid. I miss th

