"Akala namin nagbibiro lang ang mga kapatid mo nang sabihin na umuwi ka na raw. Alam mo ba na pagkatapos nang anim na taon, ngayon lang ulit kami sumaya ng ganito?" masuyong sabi ni Dad. Wala kasi sila nang dumating ako. Nasa business trip sila at nu'ng malaman na nasa bahay na ako ay agad nilang tinapos ang trabaho para lang makita ako. "Nakakatampo naman iyon, parang sinabi mo Dad na malungkot ang anim na taon na kami lang ni Nikki ang nakikita mo tuwing birthday namin." kunwari na nagtatampong sabi naman ni Nathalie. "Syempre masaya kami ng Mommy niyo na nagse-celebrate tayo ng birthday niyo pero iba pa rin kasi iyong buo ang pamilya. Nagsasalo sa munting handaan hindi 'yung sa cellphone lang natin nakikita ang isa kapag duma-dating ang kaarawan niyo." sabi ulit ni Dad na ako ang tin

