Pagbaba ko sa sala, nadatnan kong naglalaro si Rusco ng toy niya. Agad itong lumapit sa akin nang umupo ako sa sofa. Sumampa siya sa sofa at parang batang nagpakarga sa akin. Agad ko naman siyang nilaro at inamoy-amoy. "Para kang daddy mo, ang bango!" bulong kong sabi kay Rusco dahil baka marinig ako ni Jack, bigla-bigla pa naman iyong sumusulpot sa kawalan. Nakangiti akong nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko akalain na makakatapak ako sa bahay ng taong minsan kong tinatak sa aking isip na isang kaaway at kailanman hindi ko magiging kaibigan. Pero ano na ba ang nangyayari sa akin? Bakit sa isang iglap lang ay nakain ko lahat ng binitawan kong salita? Sa isang halik lang ay nauwi sa tatlong beses na pagniniig. Bakit ba napakarupok ko? Bakit ba nagpadala ako sa tukso? Ano na lang ang sa

