Maaga akong nagising, pinakiramdaman ko si Jack na tulog pa rin sa aking tabi. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa aking bewang. Babangon na sana ako nang muli niya akong hilain pahiga. Ang buong akala ko ay tulog ito, ngunit nagtulog-tulugan lang pala. "Let me go, Jack. May trabaho pa ako." Sabi ko sabay tanggal sa kaniyang kamay. "Hindi ka naman makakapasok kahit gustuhin mo." Sabi niyang nakapikit pa rin ang mga mata. Sumubsob pa ito lalo sa aking katawan. Pilit kong inilalayo ang aking sarili lalo na't pareho kaming hubo't-hubad. Kumunot noo ako, "At bakit hindi?" "Baha na sa buong city, Ashley, sa tingin mo may magta-trabaho sa ganiyang sitwasyon?" Pagkasabi nu'n ni Jack ay agad akong sumilip sa bintana na natatakpan lang ng navy blue na kurtina. Napangang

