CHAPTER 22 RATED SPG!

2847 Words

Nasa guest room ako ni Jack. Malaki ito, kasing laki rin yata ng kwarto ko sa bahay o baka mas malaki pa. Paikot-ikot lang ako sa loob dahil hindi ako makatulog. Alas, onse na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maya-maya akong upo at tayo, pupunta sa bintana at sisilip sa labas. Malakas pa rin ang ulan. Ang kinatatakot ko ay baka bumaha at ma-stock ako rito sa bahay niya. Muli akong tumingin sa orasan, lumalalim na ang gabi. Bumalik ako sa paghiga, pero maya-maya lang ay bumangon ako muli. Napasabunot ako sa sariling buhok, "Ashley, matulog ka na. Ano ba?!" saway ko sa aking sarili. Binuksan ko ang pinto at napakatahimik na sa buong bahay. Medyo madilim na rin sa sala na ang tanging nagpapailaw lang ay ang lampshade sa tabi ng malaking tv. Bumaba ako, naisip kong uminom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD