Bumalik ako sa loob na parang basang sisiw kahit hindi naman ako nabasa sa ulan. Para akong naluging negosyante na hindi alam kung paano resolbahan ang problema. Sinubukan ko rin mag grab na lang pero walang signal dahil na rin siguro sa bagyo. At posible rin na may tatanggap sa book ko sa ganitong lakas na ulan. Naghintay ako ng taxi dahil may mga staff pa naman na pumapasok, baka sakaling may maligaw na taxi. Ilang sandali pa nang may matanaw akong taxi na papunta rito sa hospital. Pinara ko iyon nang lumabas sa loob ang sakay. Pero sa malas ko ay hindi na tumanggap ng pasahero ang driver dahil gagarahe na raw. Pabagsak akong umupo sa bench at nagdasal na lang na sana huminto na ang ulan. Napatili ako nang biglang kumulog nang malakas. Mabuti na lang at wala nang tao sa labas, si kuya g

